Share

Kabanata One Hundred Twenty-Two

NABATO ako. Hindi ako makagalaw para akong nabingi nang sandaling iyon. Tama ba lahat ng narinig ko? Hindi ko ba guni-guni ang lahat ng iyon? Muling umalingawngaw ang mga salita ni Teresa sa aking isipan.

“Kaibigan kita, ‘di ba? P’wede bang akin na lang si Joaquin, Helena?”

Hindi ko lang guni-guni ang lahat ng iyon. Lahat ng narinig ko ay nagmula mismo sa bibig ni Teresa. Ikinumpas ko ang aking sarili at pinilit na huwag maging emosyonal at irrational sa harap ni Teresa.

Ibinaling kong muli ang aking mga mata kay Teresa at siya’y aking sinuri. Tinignan ko siya sa kanya mga mata na nangungusap at nagmamakaawa ng pagmamahal at pag-asa sa bagay na kanyang ninanais. Siguro nga gano’n ang kanyang nararamdaman para kay Joaquin para umabot sa punto na magmakaaawa siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na bumagsak ang kanyang katawan kumpara noong huli kaming magkita bago ako bumalik sa panahon ko. Bakit hindi ko iyon napansin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status