Share

Kabanata One Hundred Twenty-Four

HINDI nagsalita si Teresa at patuloy siya sa paghila sa akin at tahimik lang akong sumusunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa tabi ng ilog kung saan huli kaming nag-usap.

Binitawan niya ang aking kamay saka humarap siya sa akin na may seryosong mukha ngunit mabilis din iyon na nagbago.

“Pasens’ya na kung kailangan pa kitang dalhin dito para makipag-usap sa ‘yo. Ayaw ko lang na may ibang tao na makikisali sa ating usapan,” paghingi niya ng dispensa.

Ngumiti ako nang bahagya. “Ayos lang iyon, Teresa. Nauunawaan ko naman ang iyong nais,” saad ko.

Ipinagdaop niya ang kanyang mga kamay na tila aligaga at nahihiya.

“Helena,” pagtawag niya sa aking pangalan.

“Bakit?” tanong ko.

“Limang araw na ang nakalipas simula ng tayo'y huling magkausap dito at sa tingin sapat na panahon iyon para mabigyan kita na makapag-isip…”

“Ito ba ang dahilan kaya gus

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status