Share

Kabanata One Hundred Twenty-One

HINDI ko inalis ang aking mga tingin kay Teresa at patuloy na pinag-aaral ang kanyang reaksyon at ikinikilos ngunit nanatili siyang tahimik.

“Hindi mo ba sasa—”

Pinutol niya ang aking sasabihin at biglang tumawa na siyang ikinataas nang bahagya ng aking kilay.

“Ano bang sinasabi mo, Helena? Im—”

“Imposible?” pag-aagaw ko sa kanyang sasabihin. “Hindi iyon imposible, Teresa, lalo na kung may nararamdaman ka para kay Joaquin,” pagbibigay punto kong sabi.

“Nagkakamali ka, Helena! Wa—”

Muli kong pinutol ang kanyang sasabihin. “Alam mong may namumuo na akong damdamin para kay Joaquin kahit noon palang sa aking paghingi ng pabor na tulungan ang kanilang pamilya at noong aking kaarawan na inaasahan ko ang kanyang pagdalo. Ikaw ang unang nakapansin ng aking nararamdaman para kay Joaquin sa simula pa lang ngunit bakit ngayon ay tila tutol ka sa aming relasyon?” s

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status