Share

23. Stalking

TRIDA’s POV

Pagdating namin sa dorm ni Yuwi ay naabutan naming nanonood si Ivy sa sala, katapat ng lobby. Nang maagaw namin ang kaniyang atensyon ay agad siyang tumayo.

"Oh, bakit kayo ang magkasama? Hindi ka ba pinuntahan ni Haze?" tanong niya. Ngunit hindi pa man ako nakakasagot ay narinig namin ang pagbukas ng gate at ang pagsulpot ni Haze sa bandang likuran namin. Kararating lamang nito. "Saan ka galing, Haze? Hindi mo ba pinuntahan si Trida?" usisa ni Ivy sa kaniya, ngunit hindi ito kumibo at agad kaming nilagpasan, papunta sa taas. "Problema no'n?"

Nakatanaw kaming tatlo sa kaniya habang paakyat ito sa hagdan. Ilang sandali pa ay sumunod na rin na umakyat si Yuwi kaya naman niyaya ko na rin si Ivy sa aming kwarto, sa third floor.

"Bakit sinabi mo pa kay Haze ‘yung text ko sa’yo?" I asked, noong nasa kwarto na kami pareho.

"Wala kasi akong maisip na p'wedeng hingan ng tulong para puntahan ka. Alam mo naman ang nangyari sa ‘kin. Hindi pa 'ko masyadong makalakad." Sinulyapan niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status