Share

Kabanata 48

"You are Rishel?" Naningkit ang mga mata ng CEO.

Lumunok ako at tumango sabay ngumiti ng tipid sa lalaking nakaupo sa likod ng malaking mesa. "I am, Sir."

"I see." Pinagsiklop niya ang mga kamay at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang talampakan.

Hindi ako komportable sa klase ng tingin niyang parang pinag-aaralan kung bebenta ba ako o hindi. Lihim akong lumunok at kumuyom ang kamao na nakatago sa likod.

Inutusan ako ng management na makipagkita sa CEO ng Topzan Entertainment, isa sa mga kasosyo ng kompanya. Ang sabi ng management ay gusto raw akong makausap ng CEO ng kompanya bago mag-invest ng panibagong funds sa Anew Entertainment.

Kinabahan ako nang una kong marinig iyon sa management at nakiusap kay Levi na samahan ako, pero hinarang ako ni Maingey at pinagsabihan ako sa harap ng maraming tao. May upcoming concert ang Vine kaya magiging busy si Levi at sa ginagawa ko ay hinihila ko raw pababa ang career ni Levi.

Nang makitang pinagsabihan ako ni Maingey sa harap ng s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status