Share

Kabanata 49

Iginiya ako ni Levi paalis sa opisina at hinatid ako sa dressing room. Huminto ako sa tapat ng pinto at tumingin sa kaniya. "W-Wala akong pamalit," bulong ko.

Napatingin siya sa akin at napabuntong-hinga. "What are you doing in this place, Rishel?" tanong niya saka dinukot ang phone sa bulsa. May tinawagan siya saglit bago muling tinuon ang atensyon sa akin. "Sa susunod, 'wag kang magpunta nang mag-isa."

Kinagat ko ang ibabang labi. "Hindi ko naman kasalanan ---"

"Whether your fault or not, you're responsible for your actions!"

Napatalon ako sa sigaw niya at nahihintakutang napatitig sa kaniya. Ito ang unang beses na sinigawan niya ako at hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya galit sa akin gayong ako itong muntik nang pagtangkaan ng masama.

Nang mapansin na nakatitig ako sa kaniya ay huminga siya nang malalim. "Hindi ko gustong maulit pa 'to. Don't seduce that damn Rei. Naintindihan mo, Rishel?"

"Sinisisi mo ba ako sa nangyari, Levi?" Nangun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status