Share

Kabanata Labing-Isa

Pael...sambit ni Rada nang ilang minuto na ay hindi pa rin tumugon ang binata.

"Kung hindi ako nagkakamali ay nabanggit mong may kasama kang kaibigan sa pagparito hindi ba?, Maaaring nag-aalala na iyon at hinahanap ka na rin," putol sa kanya ni Rafael.

Mabilis nitong tinapos ang pagtatali ng lubid sa punong malapit sa lubluban ni Malik.

Pagkatapos ay nagsimulang humakbang paalis sa lugar.

Halata ang pag-iwas na ginagawa ng binatang magsasaka kaya't bahagyang lumukot ang mukha ni Rada.

Gayunpaman ay mabilis itong sumunod kay Rafael nang lagpasan ng binata.

"Pael, pangako ni singko ay wala kang gagastahin. Ako na ang bahala sa lahat ng mga kakailanganin mo, pagpayag mo lang ang kontribusyong hinihingi ko---please..." ang ayaw magpapigil na habol ni Rada.

Huminto ang binata sa paghakbang. Hinarap ang dalaga. Bagama't nakukulitan na ay kalmado pa rin ito.

"Hindi mo ata nauunawaan senyorita, ang isang bagay ay hindi ipinagpipilitan dahil lamang sa kagustuhan ng isa. Kundi nasa p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status