Share

Kabanata Labing-Siyam

"Ayaw kong masaktan si Rafael." pagbuo ng babae sa pangalan ng anak.

"A---aling Lourdes..." aniya na hindi malaman kung ano ang sasabihin sa babae. Bigla syang nahiya rito, naisip niyang pasubalian na lamang ang sapantaha nito.

"Hindi nagsisinungaling ang mga mata Ineng. Hindi ito marunong maglihim. Hindi mo man sambitin ang isinisigaw ng iyong damdamin ang iyong mata ang syang magsasabi. Pagka’t naisisiwalat nito ang nilalaman ng iyong puso." patuloy ni Lourdes na tila nahulaan ang kanyang nasa isip.

Sa pagkakataong iyon ay hindi mawala ang titig ni Rada sa kaharap. Ang salita ni Lourdes at ng kanyang ina ay halos iisa. Hindi tuloy niya maiwasang manggilalas.

"Hindi maitatatwa ang kislap ng iyong mga mata sa tuwing pinagmamasdan mo si Pael. At ang bagay na yan ay isa sa pinakamasayang pakiramdam para sa isang babaing umiibig. Ngunit kapara niyo ay langit at lupa, hindi aayon ang tadhana kahit na may katugon pa mula kay Pael ang iyong nararamdaman."

Hindi napigilan ni Rada na ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status