Naka-apat na stick na sya ng sigarilyo subalit ay hindi pa rin sya makalma. At habang sinisindihan ni Clara ang pang-lima ay hindi maiwasang manginig ng kanyang mga kamay gawa ng nadaramang tensyon. Kasalukuyan syang nasa balkonahe at sinisikap na pagaanin ang lito at gulong isipan sa nagbibigat na pakiramdam. Tutal ay tuluyan na rin namang nagdamot ang antok sa kanya. Kanina sa higaan ay wala na siyang ginawa kundi ang magpabiling-biling. At kahit sinisikap niyang ipikit ang mga mata ay talagang nahihirapan syang hagilapin ang antok. Nag-alala syang baka maistorbo nya ang tulog na tulog na asawa kaya’t minabuti niyang magpalipas muna ng oras sa labas. Kaya heto sya ngayon sa balkonahe. Mula pa kanina pagdating nila sa asyenda ay labis nang binabagabag ang kanyang isipan. Sa kabila niyon ay pinanatili niya ang pagiging kalmado at normal upang hindi makahalata ang asawang si Ramon. Mabuti na lamang at maaga ring nakatulog ang lalaki. Dala marahil ng pagod sa maghapon nitong
Sabado at abala sa paglilipat ng mga punla si Pael sa araw na iyon. Hinanda na rin niya ang patabang gagamitin. Maaga siyang nagtungo ng sakahan. Umulan ng malakas ng nagdaang gabi kaya't nagmadali siyang pumaroon upang masuri ang mga pananim sa ginawang punlaan. Kanina ay sinipat niyang muli ang ginawang pilapil ng nagdaang araw. Nilinis iyon at binarahan ang mga butas na posibleng panirahan ng mga daga o pasukan ng tubig upang hindi malunod ang mga binhi at magkaroon lamang ng tamang suplay. Nauna na niyang naayos ang pagpapatubig. Mataas na ang araw at nakakasilaw na sa mata. Mahapdi na rin ito sa balat. Sa hula niya ay malapit ng mag alas-dose ng hapon. Inayos ni Pael ang suot na balanggot nang may marinig na pagtawag sa di kalayuan. "Pael!" anang sigaw. Natanaw niya ang inang si Aling Lourdes na paparating ngunit hindi ito nag-iisa. Awtomatikong nagdikit ang kanyang mga kilay nang makikilala ang pamilyar na bulto sa likuran ng ina. Isang linggo na ring wala syang nag
Ipinagpatuloy ni Rafael ang pag aasikaso sa mga punlang palay ilang minuto pagkaalis ng ina. Si Rada ay tahimik na nakamasid lamang sa may kubol habang nakaupo. Nakatanaw lamang ito sa binata habang pinanonood ito sa ginagawa. Tama si Aling Lourdes napakapalad nito kay Pael. Hindi maikakaila ang kasipagan ng lalaki. Ni hindi nito alintana ang init ng araw, ni hindi rin ito nakapag-pahinga manlang ng maayos dahil pagkatapos nitong kumain ay itinuloy na nito ang pagtatrabaho. Napakabait rin nitong anak, kita nya ang labis na paggalang, respeto't pagmamahal maging pagmamalasakit nito sa ina. Kaya masasabi niyang kay palad rin ng babaing iibigin nito. How I wish. I can be that girl. Hays! bulong ng dalaga sabay buntong hininga. Si Pael naman ng mga oras na iyon ay hindi magawang tumutok sa kanyang gawain. Ramdam niya ang mga mata ni Rada na sumusunod sa bawat kilos at galaw na ginagawa nya. Kaya hindi na sya nagtaka nang minsang tapunan niya ito ng sulyap ay kuntodo ito sa kakakaway
Mabilis na umibis si Clark sa sasakyan nito nang matanaw si Rada paahon sa may bangketa. Dali-dali niya itong sinalubong. "You okay brat?" tanong niya nang mapansin ang katamlayan nito. Matipid na tumango ang dalaga, bahagya na lamang sya nitong sinulyapan. Tuloy-tuloy ito sa marahang paglalakad patungo sa kinapaparadahan ng kanyang pick-up. Sinundan niya ng tingin ang kaibigan ng may pagkunot ng noo. Sinakmal siya ng pagtataka sa kakaibang ikinikilos nito. Sumunod siya sa dalaga at agad na ipinagbukas ito ng sasakyan. Tila naman wala sa sarili na pumaloob ang dalaga na lagpas-lagpasan ang tingin. Maingat niyang isinara ang pinto nang maayos na itong nakaupo. Pagkatapos niyon ay umikot na sya sa may driver seat. Ang akmang pagpasok niya sa pick-up ay naantala nang matanaw niya sa di kalayuan si Rafael. Sa tabi ay ang alaga nitong kalabaw. Hinatid marahil nito si Rada sa highway kung saan naman sya ay naghihintay. Saglit silang nagsukatan ng tingin ng lalaki. Siya sa paraang na
Ilang minuto nakahimpil ang kanyang oto sa harap ng bakuran ng mga Samaniego. Pinagmasdan ni Clara ang paligid tahimik ngunit sigurado sya na may tao sa loob ng natatanaw na kubo. Mayroon kasing usok na nagmumula roon. Pagkatapos niyang makumpirma na naririto na nga si Lourdes sa San Isidro ay hindi na sya mapagkatulog. Bawat araw na dumadaan ay takot at pangamba ang kanyang kinakaharap. Gusto niyang ignorahin ang pakiramdam na iyon, tanggalin sa isip ang kabalisaan. Subalit paano niya tatakasan ang bagay na nakakaapekto na rin sa kanyang anak? Kaya nagdesisyon syang harapin na si Lourdes. Isa pa hindi nga ba at matagal na niyang hinihintay at inaasam ang pagkakataong ito? Ang muli silang magharap ng babae? Para sa sariling kapayapaan ng isip. Kay tagal na rin ng bigat na dinadala niya sa kanyang dibdib. Isang ubod lalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. Pinuno ng hangin ang dibdib at mabilis na umibis ng sasakyan. Bago humakbang patungong kubo ay inayos niya ang sarili. Isang
“Ilang araw ka nang matamlay at malungkot. May dinaramdam ka ba anak?" puna ni Clara kay Rada sa gitna ng kanilang agahan. Mabuti na lamang at wala si Ramon ng araw na iyon ng sabado. Nasa Maynila ang Senyor at may inaasikasong mahalagang negosyo ng pamilya kasama ang matalik nitong kaibigan na si Don Manolo Zaavedra. "Pati pagkain mo ay hindi mo na napagtutuunan ng pansin. Hindi malayong magkasakit ka sa ginagawi mong iyan." paalala pa ni Clara sa anak. Sa tono ay naroon ang pag-aalala. "I'm sorry Mommy- hinging paumanhin ng dalaga. “Pero okay lang po ako na pi-pressure lang ho siguro ako sa nalalapit na final exams.”“Are you sure?” duda niyang tanong. Napansin kasi niya ang biglang pag-ilap ng mga mata ni Rada. Halatang hindi ito nagsasabi ng totoo“Yeah, Mom. Siya nga pala maaari na po ba akong umakyat pagkatapos kumain? Nagkasundo ho kami nila Cathy at Bing na mag review sabay-sabay kaya tutungo po sila ngayon dito sa bahay." mahabang dagdag pahayag at paalam ni Rada.“Sige,
Psst, Psst Psst! Luminga-linga si Carlito nang marinig ang mga tila maliliit na boses na sumisitsit sa kung saan. Papasok na sana siya noon sa akademya. Nagmamadali na nga sya dahil mayroon silang pang pinal na pagsusulit ngayong araw. "Dito, hoy! - mariing anas pa ng boses babae. Medyo nagulat ang lalaki nang mamataan ang dalawang dalaga na pawang mga naka-uniporme pa habang nakakubli sa mayabong na Chinese bamboo sa gilid ng akademya. Kanina pang alas kwatro ng hapon ang class dismissal ng mga freshmen. Ano't naririto pa ang dalawang to? bulong ng isip ni Carlito. "A--ako ba ang tinatawag niyo mga miss?" nagtatakang turo niya sa sarili. Lumingon pa sya sa likuran kasi baka naman nagkakamali lamang sya. "Oo, ikaw. Lumapit ka rito,bilis." tugon ng isa na maiksi ang buhok. Panay naman ang senyas ng isa pang kasama nito na larawan na ng pagkainip. Kung hindi sya nagkakamali ay ito si Bing ang bunsong anak ni Vice Mayor Domingo Manansala at sa tabi nito ay ang anak nam
Araw ng Lunes kaya't maagang pumasok si Rada sa iskwela. Mahirap nang mapagsarhan ng gate at siguradong mag a-ala 100-meter dash na naman sya sa track field. Agad na sinukbit niya ang bag at nagmamadaling umibis sa kotse. May trenta minutos pa syang natitira pero maigi na iyong nasa loob na sya ng akademya. Pagpasok pa lamang ng entrada ay kinunutan na sya ng noo. Pansin niyang pinagtitinginan sya ng mga kapwa niya estudyante tapos sabay magsisipagbulunga. Ang iba nga ay literal talaga na nagtatawanan pa habang nakamasid sa kanya. Sinuri niya ang sarili. Maayos naman ang pagkakasuot niya ng kanyang uniporme. Wala naman kung anong butas o tastas sa suot niyang blusa at palda. Bagong shines at linis rin ang kanyang itim na sapatos. Naligo naman sya bago pumasok kaya imposible na mangamoy ang kili-kili niyang naka deodorant. Hinugot niya sa loob ng bag ang kanyang face powder. Binuksan iyon at pasimpleng tinignan ang sarili sa salamin. Maayos naman ang pagkakatali sa kanyang buhok. M