Share

Kabanata Dalawampu’t Tatlo

Sabado at abala sa paglilipat ng mga punla si Pael sa araw na iyon. Hinanda na rin niya ang patabang gagamitin. Maaga siyang nagtungo ng sakahan. Umulan ng malakas ng nagdaang gabi kaya't nagmadali siyang pumaroon upang masuri ang mga pananim sa ginawang punlaan.

Kanina ay sinipat niyang muli ang ginawang pilapil ng nagdaang araw. Nilinis iyon at binarahan ang mga butas na posibleng panirahan ng mga daga o pasukan ng tubig upang hindi malunod ang mga binhi at magkaroon lamang ng tamang suplay.

Nauna na niyang naayos ang pagpapatubig. Mataas na ang araw at nakakasilaw na sa mata. Mahapdi na rin ito sa balat. Sa hula niya ay malapit ng mag alas-dose ng hapon. Inayos ni Pael ang suot na balanggot nang may marinig na pagtawag sa di kalayuan.

"Pael!" anang sigaw.

Natanaw niya ang inang si Aling Lourdes na paparating ngunit hindi ito nag-iisa. Awtomatikong nagdikit ang kanyang mga kilay nang makikilala ang pamilyar na bulto sa likuran ng ina.

Isang linggo na ring wala syang nag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status