Share

Kabanata Dalawampu’t Dalawa

Naka-apat na stick na sya ng sigarilyo subalit ay hindi pa rin sya makalma.

At habang sinisindihan ni Clara ang pang-lima ay hindi maiwasang manginig ng kanyang mga kamay gawa ng nadaramang tensyon.

Kasalukuyan syang nasa balkonahe at sinisikap na pagaanin ang lito at gulong isipan sa nagbibigat na pakiramdam. Tutal ay tuluyan na rin namang nagdamot ang antok sa kanya.

Kanina sa higaan ay wala na siyang ginawa kundi ang magpabiling-biling. At kahit sinisikap niyang ipikit ang mga mata ay talagang nahihirapan syang hagilapin ang antok.

Nag-alala syang baka maistorbo nya ang tulog na tulog na asawa kaya’t minabuti niyang magpalipas muna ng oras sa labas. Kaya heto sya ngayon sa balkonahe.

Mula pa kanina pagdating nila sa asyenda ay labis nang binabagabag ang kanyang isipan. Sa kabila niyon ay pinanatili niya ang pagiging kalmado at normal upang hindi makahalata ang asawang si Ramon. Mabuti na lamang at maaga ring nakatulog ang lalaki. Dala marahil ng pagod sa maghapon nitong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status