Share

Kabanata Dalawampu’t Apat

Ipinagpatuloy ni Rafael ang pag aasikaso sa mga punlang palay ilang minuto pagkaalis ng ina. Si Rada ay tahimik na nakamasid lamang sa may kubol habang nakaupo. Nakatanaw lamang ito sa binata habang pinanonood ito sa ginagawa. Tama si Aling Lourdes napakapalad nito kay Pael. Hindi maikakaila ang kasipagan ng lalaki. Ni hindi nito alintana ang init ng araw, ni hindi rin ito nakapag-pahinga manlang ng maayos dahil pagkatapos nitong kumain ay itinuloy na nito ang pagtatrabaho. Napakabait rin nitong anak, kita nya ang labis na paggalang, respeto't pagmamahal maging pagmamalasakit nito sa ina. Kaya masasabi niyang kay palad rin ng babaing iibigin nito.

How I wish. I can be that girl. Hays!

bulong ng dalaga sabay buntong hininga.

Si Pael naman ng mga oras na iyon ay hindi magawang tumutok sa kanyang gawain. Ramdam niya ang mga mata ni Rada na sumusunod sa bawat kilos at galaw na ginagawa nya. Kaya hindi na sya nagtaka nang minsang tapunan niya ito ng sulyap ay kuntodo ito sa kakakaway
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status