Share

Kabanata Dalawampu

Pomorma ang ngiti sa mga labi ni Rada, nagkaroon din ng kislap ang mga mata nito.

Bagay na nagpatigil kay Pael. Tila nahipnotismo na napatitig na lamang din ito sa dalaga.

Wala na sa maayos na pagkakatali ang mga buhok ni Rada. Nakasabog ang ilang hibla ng buhok nito sa pisngi. Na nagbigay rito ng mala-inosenteng hubog ng mukha. Walang pintor na hindi ito gugustuhing iguhit.

May namuo ring butil ng pawis sa noo nito na naengganyo sana syang pahirin gamit ang sariling palad. Subalit ay nagpakatimpi-timpi si Pael.

Ang ekspresyon niya na nagbabadyang lumambot ay sinikap niyang maging pormal.

Ito pa naman ang pinakaiiwas-iwasan nya ang maghugpong ang kanilang mga mata na animo namagneto. Hindi maaaring maapektuhan sya ni Rada.

"I love it Pael." pagkuwa'y malambing na anas ng kaharap.

Gumuhit ang kalituhan kay Pael. Inalis nya ang hangin na tila bumara sa lalamunan.

"Anong ibig mong sabihin Senyorita?" tanong niya na gustong bahiran ng iritasyon ang tinig.

Subalit pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status