Share

Kabanata Labing-Pito

“Ano't ganyan ang iyong wangis?" salubong ang kilay na usisa ni Pael.

"Wa-wala." ang nautal na tugon ni Rada. Kasabay niyon ay pinamulahan sya ng pisngi. Nalunok nya tuloy ang sarili niyang laway. Agad siyang nag-iwas ng tingin at ibinaling ang pansin sa palayan. Lihim na ikinunot ang ilong upang masupil ang nagbabadyang ngiti.

Juice ko huling -huli sya ni Pael sa nakakahiyang tagpo. Nakatanghod pa naman sya rito nang mag-angat ito ng mukha. Kulang na lang ay magdaop ang kanilang mga mukha. Pinilit niya na maging normal ang paghinga subalit patuloy ang pagsasal ng kaba sa dibdib niya.

Isang marahang paghinga ang narinig niya mula sa binata.

"Kailangan na nating umalis. Maaaring hinahanap ka na sa mga sandaling ito sa asyenda. Mukhang hindi ka na naman nagpaalam Senyorita." sabi ni Rafael na sinabayan ng tayo at pagkatapos ay naglakad patungo kay Malik.

Correction ipinagpaalam sya ni Clark sa mommy at daddy nya. Ang nais niya sanang sambitin kay Rafael.

Habang habol ng tingin a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status