"Dude? Kailan ka pa dumating?"Hindi na makapaniwalang titig na titig sa akin si Vaughn na animo ay namalikmata lamang ito. Malapad akong ngumisi. Napakurap-kurap siya. "Walanghiya naman Dude, nawalan ka na ng contact sa akin magmula noong mangyari iyon kay Lailani. Kumusta ka na ba? Long time no see.""Ayos lang, Dude."Pagak akong natawa. Sinadya kong hindi siya kontakin dahil baka mamaya ay madulas ako. Ngayon ay sinadya ko rin siyang bisitahin dito sa unit niya upang e-surprise at hindi ako nabigo. "Dito ka pa rin pala. Hindi ka pa rin lumilipat?""Bakit naman ako lilipat eh sa akin na ang unit?"Sa mismong unit niya ako pumunta at iyon agad ang bungad niya sa akin sa may pintuan pa lang. "Oo nga pala, sa'yo nga pala ito Dude." "Pambihira. Makakalimutan ka na ba ha? Wala tuloy akong mukhang maiharap sa dati mong girlfriend kada aksidenteng magkikita kami. Ako na lang tuloy ang umiiwas para di matanong.""Nagtanong ba siya sa'yo ng about sa akin?" "Hindi naman—""Ayon naman pa
HILARY EL FUENTE POVHabang naglalakad ay ilang beses na umiikot ang mga mata ko sa kawalan nang saglit na sumagi sa isipan ang ginawa sa akin ng mga kaibigan last week. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon magawang kalimutan. Paasahin ba naman nila akong naroon ang Tukmol sa bar. Kumabog lang ang puso ko sa excitement para sa wala. Ang buong akala ko pa naman ay makikita ko na siya. Umasa lang ako pero wala naman pala. "Nasaan na siya?" medyo iritable na ang boses sa kanila, "Kanina pa tayo mababali ang leeg dito."Nagkatinginan sila. May kahulugan iyon. "Gumamit lang ng banyo—""One hour? Sigurado ba kayong narito iyon?" agad na putol ko sasabihin sana ni Josefa. Kanina pa ako nakaupo doon at naghihintay."Oo nga, narito nga siya." patunay pa ni Shanael. Ipinakita pa ni Vaughn sa akin ang picture nila na kinuha raw kuno niya sa mismong araw na iyon. Hindi naman sa nagdududa ako, but knowing the panahon ngayon na pwede na ang lahat ma-edit. "Tsk, huwag niyo na nga akong lokoh
"Happy birthday, Hilary!"Nanlaki ang mga mata ko pagbukas ng pintuan ng bahay at naroon si Daddy, si Azalea, at ang tatlo kong kaibigan. Abot-tainga ang ngiti nila habang tila bata ang kanilang sinu-surpresa. "Birthday ko ba?" magiliw na tanong ko sa kanila. "Gagi, maghahanda ba naman kami kung hindi?" pikon na tanong ni Shanael na may cone sa ulo. Excited na sumingit si Glyzel. "Make a wish and blow your—"Hinipan ko na iyon at tuluyang pinapasok na ang sarili sa loob ng bahay. Napanganga na lang sila sa ginawa ko. Ang tanda ko na, mag-wi-wish pa? Ni hindi nga ako kayang pagbigyan man lang ng langit noong mga kinikilalang magulang ng anak ko sa simpleng picture na kahilingan ko. Ano pa ang hihilingin ko? Iyon lang naman ang gusto ko. Kahit ipilit, ayaw talaga nilang pagbigyan pa ako. Sa totoo lang, sobrang nakakatampo. Alam ko, hindi ko dapat ito maramdaman pero kasi, ang simple lang noon at isa pa birthday ko rin naman. "Hoy, hindi ka nag-wish!" parang batang habol sa akin ng
"Nasaan na kayo? Kanina pa ako narito. Maiiwan na lang tayo ng plane!" pasigaw na ang boses ko. Ayoko pa naman sa lahat ay iyong paimportante at pinaghihintay ako ng matagal. Ilang oras na akong naghihintay sa kanila. Nauna na rin ako sa kanila sa airport, kanina pa dapat sila naririto eh. "Ikaw lang naman ang maiiwan kapag hindi ka pa sumakay. Enjoy your vacation, Hilary. Fighting!""Ha? Hindi kayo sasama?" Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Planado na namin ang lahat, tapos sa huli ako lang ang aalis?"Akala ko ba ay sasamahan niyo ako—""Paano kami sasama kung wala naman kaming plane ticket? Sorry na, hindi kami nakapag-book." si Josefa na proud na proud pa sa katangahan.What the heck! Anong pinagsasabi ng mga ito? "What? Kayong tatlo? Niloloko niyo ba ako?"Nagtawanan silang tatlo na parang inisahan ako. Imposible kasing makalimutan nilang mag-book ng flight. Sila pa ba? Ilang araw pa bago iyon ay sa malamang hindi na makatulog ang mga iyan. "Hindi ba nga gusto mo namang ma
Namalayan ko na lang ay nasa bandang tabi na ako ng lugar. Nakaupo. Karga ko pa rin ang bata na mahigpit ang yakap sa aking leeg. Nakasuksok ang mukha niya sa leeg kanang leeg ko. Ayaw niyang bumitaw kahit ilang beses kong sinubukan. Ilang ulit din siyang sinubukang kunin ni Chaeus pero lumakas lang ang iyak niya at mas humigpit ang yakap sa katawan ko na parang naka-glue. "Zaria, you are aware of your weight, sweetheart. You are heavy. Now get off on your Mama's lap. For a brief moment only—""No, Papa!" mariing turan nitong mas humigpit pa ang yakap sa akin, pinalo niya pa ang kamay ni Chaeus na nagtangkang hawakan siya. "I refuse to! I am just going to sit here. I miss my Mama so much!" pagalit pang sagot niya habang umiiyak. Napatingala na ako kay Chaeus na panay ang bigay sa akin ng ply ng tissue upang ipunas sa mukha kong nanlilimahid sa bakas ng mga luha. Hindi lang luha ng anak namin ang bumabaha, pati luha ko at sipon ay medyo naghalo-halo na. "Hilary—""Mamaya ka magpaliw
Naburo ang mga mata ko sa kanya. Pilit inaarok kung sincere ba ang salitang lumabas sa bibig niya. Hindi rin naglaon ay tahimik na kaming nagsimulang kumakin ni Chaeus. Magkaharap. Pinapakiramdaman ang bawat isa. Kung sino ba ang una sa aming magsasalita. Panaka-nakang sinulyapan ko siya na parang kumukuha lang ng lakas upang magsimula siyang magpaliwanag. "Bakit ka noon biglang umalis ng walang paalam?" basag ko sa katahimikan na bumabalot sa amin. Saglit siyang natigil sa pagsubo. Nababad ng ilan pang mga minuto ang mata niya sa mukha ko. Inaasahan niya siguro ang tanong ko. Walang kahit na anong bahid ng pagkabigla sa kanya eh. "Dahil nakiusap noon sa akin si Mom—""Hindi mo man lang ba naisip ang kalagayan ko? Basta mo na lang sinunod ang gusto ni Azalea?Bigla kang naglaho. Walang pasabi. Alam mo ba kung ano ang mga naging impact sa akin noon?"Ang buong akala ko ay okay na ako dahil ilang taon na rin naman ang lumipas pero hindi pa pala. May bahid pa rin ng poot at galit ang p
Sa patuloy na paglalim ng gabi ay marami pa akong natuklasang mga lihim. Gaya ng madalas niya raw akong makita mula sa malayo nang hindi ko alam. Naroon siya sa mga pagkakataong masaya ako at kapag nag-iisa. Hindi niya lang magawang ipakita ang sarili. Noong graduation ko ng Senior High ay naroon siya sa malayo. Kahit noong kasama niya na ang anak namin ay palagi pa rin siyang dumadalaw ng hindi ko alam kung kaya naman kilala ako ng anak namin. Naroon din silang dalawa ni Zaria noong graduation ko sa college, iyon nga lang ay nanatili silang malayo. "Gusto ka naming lapitan, pero alam mo naman na siguro ang dahilan kung bakit di ko ginawa."At some point ng mga pangyayaring iyon ay medyo nauunawaan ko na siya. Naiintindihan. Masyado lang akong nakatingin sa sakit ng puso ko, hindi ko nagawang tingnan ang paghihirap niya dahil feeling ko ako ang kawawa sa amin. Nagpakalunod ako sa sakit habang hindi ko naisip na sa part niya ay hindi rin naman iyon masaya. "Huwag na nating balikan an
Lumuwang na ang pagkakakuyom ko sa kamao. Tukuyan na akong nagpasakop sa makamundong espirito at walang palag na patuloy nagpaubaya. Tinugunan ko ang mga halik niya. Pinantayan ko ang pananabik na knayang ipinapakita. Mas lalo pa siya doong ginanahan na para bang naging go signal niya ang ginawa kong mga pagtugon. Masuyong humaplos ang palas niya sa likod ko, umakyat iyon sa aking leeg upang mas lalo pa siyang magkaroon ng access sa labi ko. Idiniin ko ang sarili ko sa kanya na nagsimula ng mainitan. Hinayaan lang ang sariling tangayin ng agos ng kuryente na hindi ko maipaliwanag kung kanino sa katawan namin nagmula. Sa akin o sa kanya?"C-Chaeus..." malat na ang boses na tawag ko sa pangalan niya, umungol lang siya nang mahina. "Bakit?" tugon niya sa boses na kakaiba, parang nang-aakit na ang tunog nito sa aking tainga.Lumalim pa ang halikan namin na lalo pang nagpadarang ng uhaw naming katawan. Natigil lang iyon nang marinig ang munting tinig ni Zaria."M-Mama? Papa?" Sabay namin