Share

Chapter 23: Hangga't hindi kasal

Tumawa lang ang dalawa sa ginawa ko. Ini-scroll ko iyon pababa. Umaasa na may makikita akong tag pictures or post man lang sa fiancee niya. Halata na hindi sila sweet online ah. Wala man lang akong makita kahit na isa. Iyong tipong kahit sweet greetings man lang kapag may importanteng okasyon sa relasyon nila o mga holiday greetings. As in wala ni isa. Sabi nga nila kapag ganun daw ang guy na sobrang showy at clingy sa timeline mo ay sobrang mahal na mahal ka, meaning hindi siya mahal ni Tukmol? Eh bakit siya pakakasalan kung hindi siya nito mahal?

“Ano? Nakita mo na?” bahagyang silip ni Josefa sa ginagawa ko, umiling ako. Puzzled pa rin kung bakit wala akong mahanap ni isang post niya.

“Hindi pa. Wait lang. Maghintay kayo!” iritable na ang tono ng boses ko, lalabas pa yata akong sinungaling dahil lang hindi ko mapatunayan.

“Baka naman wala talaga siyang fiancee, Hilary? Gino-good time mo lang kami ni Josefa para maasar or magselos or tantanan namin siya?” lantarang akusasyon ni Shanae
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status