Pagdating ng bar ay para akong ibong nakawala sa hawla. Siguro ay dahil matagal na noong huli akong makapunta dito kaya naman sabik ako. Ginawa kong parang tubig ang inorder ni Josefa na inumin naming margarita. Ganun na lang ang pagtatakang bumalatay sa mga mata ni Josefa. Titig na titig siya sa akin. Medyo naiiling. Hindi ito makapaniwala sa kung anumang nakikita niya. Siguro ay ngayon niya lang rin ako nakita na maging ganito. Sobrang wasted ang hitsura ko. “Girl? Are you okay?”“Hmmn...” tango kong panay tungga pa rin.Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Umayos siya ng upo sa harap ko at hinuli ang mga mata ko na kung saan-saan bumabaling.“Umamin ka nga sa akin, Hilary. Hindi lang iyon ang problema mo ano? May iba ka pang—”Tinakpan ko ang bibig niya para agad matigilan sa sasabihin niya pa. Ano bang problema ang sinasabi niya? Gusto kong magpaka-wasted ngayong gabi. Huwag niya sanang hadlangan. Ayokong mag-isip ng kahit na anong problema. Hindi pwedeng patuloy naming pag
Biglang namutla ang hitsura ni Chaeus habang natitigilan sa aking mga sinabi. Parang estatwa lang na nakatayo doon at animo napako ang mga paa niya sa lupa. Maya-maya pa ay napakurap na. Walang kahit na anong reaction ang mga matang ilang beses ibinaling sa akin at sa paligid, tinitingnan kung mayroon bang ibang nakarinig. Nakita kong ilang beses niyang sinubukang ibuka ang bibig niyang kanina pa nakaawang. Hinintay ko kung ano ang sagot at sasabihin niya pero wala. Nanatili siyang tahimik at walang imik. Tila naumid na ang dila niya sa loob ng kanyang bibig.“What did you just say, Hilary?” gulantang ang boses na usisa na sa akin ni Josefa, base sa timbre noon ay hindi rin siya makapaniwala.Paglingon ko sa kanya ay nabitawan niya pa ang dala niyang shoulder bag ko. Laglag ang panga habang ang mga mata nito ay nasa akin pa rin. Sa hilatsa ng mukha niya ay parang may bomba siyang narinig. Pasabog nga naman ang sinabi ko! Get's ko siya. Sino ba ang mag-aakala nito di ba?“You like him?
Mabilis na lumipas ang isang Linggo. Kung noon ay may karampot na chance na magkita kami ni Chaeus sa loob ng bahay. Ngayon ay halos wala na. Hindi ko na siya maabutan. Iyong tipong kahit anino niya ay parang nagtatago sa akin. Marahil ay iniiwasan niya ako. Iyon ang unang sumilid sa isip ko ng ilang araw na di siya makita. Iniiwasan niya at ang dahilan ay ang pag-amin na ginawa ko. Hindi ko naman siya masisisi. Siya ang matanda kaya siya na ang dumi-distansya sa aming dalawa. Kung para sa akin ay wala lang naman iyon. Kinalimutan ko agad. Baka sa kanya ay hindi. Masyado niyang dinibdib. Hindi pa rin siya maka-move on sa kaganapang iyon.“Masyado siyang affected. Todo kung umiwas sa akin. Akala mo naman may sakit na nakakahawa.” bulong-bulong ko habang mag-isa na naman sa hapag, Friday na iyon pero nag-iisa pa rin ako. “Akala ko ba ay kakalimutan niyang narinig? Ano ito? Bakit hindi niya pa ako kayang harapin?”Pinalagpas ko na lang iyon at hindi na pinalaki pa. Kasalanan ko rin naman
Ilang minuto ng naghihintay sa amin sina Dad at Azalea nang sapitin namin ang airport ni Chaeus. Nag-ingat man kami na huwag maipit sa traffic pero inabot pa rin kami. Wala kaming nagawa kung hindi ang maghintay na umusad na iyon. Ayos na sana ang mood ko eh, bumalik na sa dati. Kaso nga lang ay bigla na naman akong nawala sa focus ko nang pagdating namin ng airport ay maabutang kasama nina Dad at Azalea si Lailani. Akala ko ba hindi pa siya kilala ng mga ito? Ipapakilala pa lang ni Chaeus, sabi niya kung iyon ang tamang pagkakaintindi ko sa kanya noon. Bakit mukha na agad silang close? Sinadya bang paunahin siya ni Chaeus dito para sumalubong? Ang gulo nilang dalawa ah!At saka akala ko ba ay magkaaway ang dalawa? Palabas lang bang lahat? Niloloko ako ni Tukmol? Anong ginagawa ng babaeng iyon dito? Don't tell me na makakasama siya sa dinner namin? Hay naku, sira na naman ang gabi ko sa kanya!“Kasama natin siya sa dinner mamaya?” hindi na nakatiis ay lingon ko kay Chaeus. Hin
Hindi na rin kami masyadong nagtagal sa resto na binook ni Chaeus upang kumain ng dinner. Bakas na ang sobrang antok sa mukha nina Daddy at Azalea lalo na ng mabusog. Minabuti nilang after ma-serve at makain ang dessert ay nagpasya na kaming umuwi. Kung noon ay marami pang usap tungkol sa mga nangyari, ngayon ay wala na. Hanggang sa sasakyan nga ay hindi na nila napigilang makatulog. Paano ko nasabi iyon? Binasag ng malakas na hilik nila ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang pauwi kami. Magkadikit ang ulo at nakasandal sa bawat isa. Nakita ko iyon ng saglit akong mapasulyap.“Hilary, kunin mo na lang sa aking travelling bag ang mga pasalubong. Ikaw na ang bahala ah?” si Daddy na panay ang hikab, kakapasok lang namin ng pintuan ng bahay at ito agad ang sinabi niya.“Thanks, Dad.”Hinintay ko na may sabihin si Azalea pero hindi iyon nangyari. Dati-rati ito ang unang nagsasabi kung ano ang biniling pasalubong niya sa akin. Mukhang wala yata ngayon o nakalimutan niya. Wala naman akon
Nakailang subok pa akong hilahin ang braso sa kanya ngunit sa halip na lumuwag ay mas lalo lang humigpit ang hawak niya. To the point na humapdi na ang balat ko sa brasong hawak niya. Kung aking ikukumpara ito ay kasing higpit noong gabing pumunta siya ng bar at kaladkarin niya ako palabas. Sa halip na pakinggan ang mga pakiusap ko ay para siyang isang binging aso. “Hoy! Punyeta naman, Chaeus oh! Nasasaktan na ako!” apela kong patuloy na nagpapatianod sa paghila niya, nakarating na kami sa likod ng bahay. Hindi ko alam ano talaga ang plano niya. “Saan mo ako dadalhin? Late na ako sa school!”Bigla siyang nahimasmasan sa huling sinabi ko. Blangko ang matang binitawan niya ang braso. Agad kong itinago iyon sa likuran. Nagliliyab pa rin ang mga matang nakitingin sa kanya.“P-Pasensiya na Hilary—”“Ano bang problema mo? Sinabi ko ng hindi ako pwedemg mag-absent ngayon. Bingi ka, ba?!”Sa sobrang sama ng loob ay halos pumiyok ang boses ko. Ilang beses niyang ibinuka ang bibig ngunit wala
Umiling si Azalea kay Chaeus. Sumisenyas na wag ng magsalita pa at itikom na lamang ang bibig. Agad naman niyang sinunod ang ina. Tumungo siya at muling ipinagpatuloy ang pagkain kahit na alam kong marami pa siyang nais na sabihin. Ngunit ilang saglit lang iyon. Muli na naman itong nag-angat ng tingin, sa hitsura ay halatang tahimik na umuusok ang ilong sa inis sa ina.“Listen to me now, Mateo. Hayaan mong gawin ng anak mo ang gusto. Huwag mong pigilan. Hayaan mong ma-experience niya ang mga bagay na tulad niyan for the first time.” malambing na wika ni Azalea na makahulugang ngumiti kay Dad.Hindi niya pinansin ang anak na kung makatingin ay parang sasabog na bomba. Grabe naman ang panlilisik ng mga mata. Mukhang galit na galit. Mapang-asar na umangat ang gilid ng labi ko. Alam kong nakita niya iyon dahil malakas kong narinig ang pagbuntong-hininga niya. Gusto ko tuloy mas lalo siyang asarin. Lalo siyang galitin.“Nakalimutan mo na ba noon na ganyang edad tayo nagsimulang magligawan?
ZACCHAEUS PARKENSON POVMababaw pa ang gabi pero malamig na ang ihip ng hangin. Bukas ang pintuan ng aking kotse habang matulin ang takbo. Nakalabas doon ang kamay ko upang kalmahin pa ang sarili. Sumakto namang walang gaanong traffic sa gabing ito kung kaya naman ilang minutong drive lang ay nakarating na ako sa bar na tambayan ko dati. Minsan na lang ako kung lumabas at pumunta sa mga ganitong lugar. Kung kinakailangan na lang. At sa gabing ito, naramdaman ko na kailangan ko ito. Bukod sa busy ako sa pinapatayong restaurant ay hindi na rin ako mahilig na lumabas-labas. Di gaya noong kabataan ko na palaging ang gala.“Good evening, Sir. It's been a while.” bati sa akin ng guard na magaang tinanguan ko lang.Dere-deretso akong pumasok sa loob. Dahil maaga pa ay kakaunti pa lang ang mga tao. High end ang bar na ito. Pricey ang mga bilihin pero cozy. Safe rin ang mga customer. Malayo ang bar na ito sa bar na pinupuntahan nina Hilary. Natigilan na ang mga paa ko sa paghakbang.Damn, Chae