Share

Chapter 43: Chaeus Invitation

Saglit akong nanigas at napayakap sa sarili paglabas ko ng gate ng campus. Nanindig na ang mga balahibo ko. Sleeveless pa naman ang suot ko. Sinalubong lang naman ako ng malamig na ihip ng hangin na samahan pang galing iyon ng dagat. Doon ko pa lang naalalang nakalimutan ang cardigan na kunin sa bag ni Shanael. Ayoko naman ng bumalik sa loob. Baka matagalan pa ako, tiyak maiinip na si Chaeus sa paghihintay.

Sa sarili mismong covered court ng aming school ginanap ang party, sa may bandang likod iyon malapit sa principal office kaya medyo tago ito sa hangin. Sa banda doon ay hindi dama. Idagdag pa na pinagpawisan kami kakasayaw at marami ang student sa loob kaya mainit. At ngayong nakalabas na ako, nanunuot ito sa aking buto.

Nagpalinga-linga na ako sa mga naka-park na kotse. Hinahanap ang pamilyar na sasakyan. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap. Kinuha ni Chaeus ang atensyon ko sa pagtaas ng kanyang isang kamay hindi kalayuan sa aking banda. Nasa labas siya ng kotse. Gaya ng naka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status