Share

Chapter Thirteen: Fight, Flight or Freeze

Nakatitig si Elaine sa kawaling nakasalang sa burner. Para siyang tangang naghiwa ng sibuyas gayong fried egg lang naman ang plano niyang lutuin. Itinabi niya ang sibuyas at nag-umpisang magprito ng itlog bago pa siya abutin ng tanghali.

Nilingon niya ang kuwarto ni Tan. Lumapit doon matapos i-set sa low fire ang niluluto. Sinubukan niyang pihitin ang seradura pero na-disappoint lang siya nang malamang naka-lock iyon.

Bagsak ang mundong bumalik siya sa kusina. Magkaroon kaya ng pagkakataon na makakasabay niya itong kumain sa hapag? Malungkot ang buntong-hiningang pinakawalan niya. Definitely. But it would take time.

Hinain ni Elaine ang sunny-side-up egg at naupo sa mesa. Wala siyang ganang kumain. Ilang segundo siyang nakatitig lang doon bago napilit ang sariling lantakan iyon. Thankfully, pagkatapos ng apat na beses na buntong-hininga at dalawang beses na pagtitig sa kawalan ay naubos niya ang laman ng pinggan.

Matapos kumain, isinuot niya ang disposabl

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status