Share

Chapter Twelve: Once Again

Isinilid ni Tan ang papeles sa hawak na envelope bago ibinalik ang tingin sa monitor ng computer na nasa kanyang desk. It was ten in the evening. Imbes na nasa ospital, nasa opisina siya ng CEO ng De Marco Textile. Ang opisinang iyon ay dating inookupa ng kanyang papa.

Ang bunsong kapatid ng papa niya, si Uncle Alissandro ang kasalukuyang direktor ng kompanya. Nasa eighteenth floor ang opisina nito. He met with him earlier.

“It’s a very hard decision to make but thank you for doing this for the sake of your grandfather’s legacy, Tan,” he remembered him saying.

Indeed it was. Just the thought itself brought pain in his heart.

Sumungaw si Gilda, ang executive secretary ng kanyang papa sa malaking pinto ng opisina. Lumapit ito sa kanya. Nasa late forties ang edad nito, almost gray-haired at puwedeng ihilera sa mga ka-look-alike ni Miss Minchin sa suot nitong makapal na eyeglasses. Just that she was short-haired.

“Aren’t you going home yet?” tanong ni Gilda nang makitang nagtatrabaho pa rin siya. “Don’t overwork yourself yet, Tan. Mas nakakapagod kapag nag-umpisa ka na sa totoong trabaho bilang chairman.”

“Thanks, Gilda. You can leave now. Kanina pa nasa ‘baba si Paul, hinihintay ka,” tukoy niya sa panganay nitong anak na susundo rito pauwi.

Kanina pa nananakit ang likod ni Tan sa maghapong trabaho sa Textile. Ni hindi siya nakapunta sa ospital kagaya ng naunang plano. He would be filing his resignation this week. Marami pa siyang kailangang asikasuhin bago ang inaugural press conference.

“Yeah. I told him to come at eleven, alas-nuwebe pa lang, nandito na,” naiiling na sabi nito. “You should be going, too. Makati pa ang uuwian mo. And you’re newlyweds. Siguradong naghihintay na ang asawa mo sa ‘yo.”

Saglit lang na natigilan si Tan, pagkatapos ay itinuon muli ang atensiyon sa notes na tine-take down.

“By the way, I’ve already booked your flight to US. Confirmed and issued na ang tickets. Na-e-mail ko na sa ‘yo ang mga kailangan mong dokumento. If you don’t need anything, mauuna na ‘ko,” paalam nito.

Actually, pangatlong paalam na iyon ni Gilda. Kanina pa niya ito itinataboy pero hindi naman siya maiwan basta-basta. Si Gilda kasi ang nakakaalam ng mga dokumento at kopya ng mga papeles na kailangan niyang pag-aralan.

Halos isang oras pa ang lumipas before Tan decided to call it a day. Iniligpit niya ang mga gamit. Bitbit na niya ang briefcase nang mapatingin sa glass wall ng malawak at modernong opisina na iyon. Sumagi sa isip niya ang sinabi ni Gilda kanina.

Naghihintay si Elaine sa kanya.

Lumakad siya papunta sa nakasarang pinto na magdadala sa kanya sa viewing deck. Sinalubong siya ng malakas na hangin pagsampa niya sa platform ng observatory.

Dahil nasa top floor ang CEO’s office, Tan could see Quezon City’s amazing night view. This used to be Elaine’s favorite spot sa De Marco building.

They usually dine here kasama ang hipag niyang si Thera. Siya lang pala ang kumakain, drinking buddies kasi ang dalawang babae. Sa likod ng isip niya noon, bagay ang dalawang magsama. They must be real sisters in their previous lives.

Six months after their wedding was Elaine’s twenty-second birthday. He surprised her with a dinner kasama ang mga magulang. She was aloof and awkward the entire night. When he asked her what was the problem, she ended up getting angry. Siya ang matiyagang susuyo kahit hindi niya alam kung saan siya nagkamali.

Habang tumatagal, napansin niyang umiiksi nang umiiksi ang pasensiya ni Elaine sa kanya. One day, she demanded for annulment and money that totally shocked him. Bago iyon, sunod-sunod na ang pag-withdraw nito ng pera sa sariling account. He didn’t ask her though dahil alam niyang pagtatalunan lang nila iyon. She was always short-tempered and defensive.

Hindi niya gustong bitawan si Elaine. He tried to talk to her over a hundred times. He loved her so much he could not live without her. Until it hurts so much he was forced to let her go.

Marami siyang tanong, but he could not dare ask one single question.

How could she change so much after few months of marriage? Why did she have to leave and hurt him like that? When did she stop loving him? No, the right question was, did she ever love him? O siya lang ba talaga ang nakita nitong daan para maiahon ang sarili sa hirap?

Kahit ang pagmamahal na ipinakita ni Elaine sa kanya, hindi na niya masiguro kung totoo nga ba. Dahil kahit noong mga panahong kailangang-kailangan niya ang presensiya at suporta ni Elaine, pera pa rin ang naging bukambibig nito.

After she left him, Tan did not try looking for her. He was scarred and hurt and angry. Hanggang malaman niyang nasa Amerika ang babae. Ang pagmamahal na gusto niyang ilaan lang para dito, unti-unting napalitan ng galit.

But everything was all in the past now. Iyong mga tanong na na-piled up sa utak niya, matagal na niyang isinara. He wouldn’t be asking questions and he wouldn’t be looking for answers anymore. The past three years of his life has been very painful and tiring.

Hindi iyon ang buhay na pinangarap niya para sa kanila ni Elaine. All he ever wanted then was to take her away from everything that was scaring her. He wanted to protect her, manatili sa tabi nito ano man ang mangyari.

But she kept pushing him away.

When he asked her to marry him, without hesitation, Elaine answered yes. Na parang siguradong-sigurado ito na hindi pagsisisihan ang desisyon. Ang conviction sa tono ni Elaine nang mga sandaling iyon, parang magaan na kamay na humahaplos sa kanyang puso.

He married her despite their huge age gap and indifferences. Sa kabila ng katotohanang halos wala naman siyang alam tungkol sa babae.

Tan was a fool for believing she married him because of love. He was the only one left scarred.

Halos ilang linggo bago ang thirty-fifth birthday niya at ang nakatakdang pagsasara ng Textile, lumitaw si Elaine pagkatapos ng tatlong taon na pananahimik at pagtatago.

She offered help but Tan knew better. Bumalik ito para sa malaking perang puwedeng makuha sa kanya kagaya ng dati. Naniniwala siya, this time, hindi na ito makokontento sa limang milyong piso lang.

Ngayon, pansamantalang bumalik sa buhay niya si Elaine. For a moment, his quiet yet lonely life would become hectic and chaotic again.

Isinuksok ni Tan ang isang kamay sa bulsa ng suot niyang slacks. Saka tumalikod para bumalik sa pinanggalingan.

Nakatitig si Elaine sa PET bottle sa side table. Sinulyapan niya ang oras sa alarm clock na katabi lang niyon. Alas-diyes ng gabi. Wala pa rin si Tan at kanina pa siya silip nang silip sa gate na parang timang. Maririnig naman niya ang ugong ng kotse nito kung sakali pero para siyang sinisilihan.

That felt like a déjà vu. Noon, ganoong-ganoon siya habang naghihintay sa pag-uwi nito. Kahit nag-text o tumawag na ito na gagabihin o uumagahin sa pag-uuwi, para pa rin siyang tangang maghihintay—nagpupuyat sa wala.

Hindi siya nakakatulog hangga’t wala ito, ang mga braso nitong nakapaikot sa katawan niya. Mas madali siyang nakakatulog kapag nakadikit ang mainit nitong balat sa kanyang balat. O kapag naririnig niya ang mahina nitong hilik at nararamdaman ang mainit at mabango nitong hininga sa uka ng kanyang leeg.

Few years ago, ganoon lang ay mahimbing na ang tulog ni Elaine. Ngayon, kailangan pa niya ng tulong ng sleeping pills o uminom ng ilang bote ng beer bago siya antukin. Wala siyang tulog kagabi pero ni hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

Kinuha niya ang cell phone, nag-iisip kung ite-text si Tan. Dahil hindi mapigil ang pangangati, mabilis siyang nag-type, saka ipinadala iyon sa number ng lalaki.

Huminga nang malalim si Elaine, dinampot ang baso ng tubig, saka uminom ng gamot and tucked herself to bed.

Binuksan ni Tan ang switch ng ilaw pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay. Niluwagan niya ang suot na kurbata, saka akmang lalakad papunta sa kuwarto niya nang masulyapan ang living room.

Lumakad siya papunta sa kusina. Kagaya ng sala, malinis na malinis din iyon. Napansin niya ang natatakpang nonstick casserole pot sa mesa. Kaldereta ang laman niyon. It smelt nice pero agad din niyang ibinalik ang takip. Akmang itutuloy niya ang pagpasok sa silid nang makita ang ilang bote ng whiskey at wine sa counter.

Kumunot ang noo niya. Lumapit sa ref, only to find out it was stuffed with canned beer. Nagsasalubong ang mga kilay na nilingon niya ang kuwarto ni Elaine, saka isa-isang sinamsam ang mga alak at inilagay iyon sa trash bin.

Bumalikwas si Elaine. Nilingon niya ang orasan sa side table. Alas-nuwebe ng umaga! Nalaglag ang mga balikat niya. Kaya pala pumapasok ang sinag ng araw sa maliliit na siwang ng kuwarto.

Hindi siya makapaniwalang mahaba ang itinulog niya. Usually, kahit nakainom ng sleeping pill, alas-sais ay dilat na siya.

She groaned. Disappointed sa sarili, bumangon siya sa pagkakahiga. Malamang nakaalis na si Tan. Ni hindi man lang niya ito nakita.

Ang tanong, umuwi ba ito?

Kinuha ni Elaine ang cell phone sa side table nang maalalang tinext nga pala niya ito bago siya natulog. Nalungkot siya nang makitang walang pumasok na message maliban sa chat ni Drew sa Messenger at e-mail ni Anne sa kanyang G***l account.

Kinuha niya ang tuwalya sa towel rack, saka lumabas ng kuwarto para maligo. Pero nagulat siya nang paglabas ng pinto, saka namang paglabas ni Tan ng banyo.

Napalingon ito sa kanya. Nang magtama ang kanilang mga mata, kumabog ang kanyang dibdib.

“Kalma,” she told herself habang inuutusan ang sariling magbawi ng tingin. But heck, she could not take her eyes away from him.

May nakasampay na tuwalya sa balikat ni Tan. He was half naked—tanging pajama trousers lang ang suot. Tumutulo pa ang tubig sa buhok pababa sa magandang katawan nito.

Gumagapang ang amoy ng aftershave at body wash galing sa banyo. Kumurap siya. Natauhan nang maalala ang sariling ayos.

Alanganing ngumiti si Elaine sa lalaking sa halip na gantihan siya ng tingin, walang salitang itinuloy ang pagtalima papunta sa sariling kuwarto.

When his bedroom door closed, mabilis siyang bumalik sa kuwarto. Hinagis niya ang tuwalya sa kama, saka mabilis na nagsuklay. Pumasok siya sa banyo, naghilamos at sepilyo bago pumunta sa kusina at halos hindi magkandatutong naghanda ng almusal.

Hawak na niya ang sibuyas at chopping board nang mapansin ang kaserolang iniwan niyang nakapatong sa mesa. When she checked, ni hindi iyon nagalaw.

Huminga si Elaine nang malalim. Should she still cook him breakfast kung hindi naman siya sigurado kung kakainin nito? Ipinilig niya ang ulo. Gabi na nakauwi si Tan, malamang pagod na ito at kumain na rin sa labas.

Kumilos siya para ituloy ang pagluluto. Nang matapos hiwain ang sibuyas, lumakad siya papunta sa ref para kunin sa freezer ang meat.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ng refrigerator, natigilan si Elaine. Bukod sa mineral water at ilang bottled milk and juices, nawawala ang isang dosena niyang canned beer.

Lumipad ang tingin niya sa counter. Wala rin doon ang rhum at wine na kasama sa binili niya kahapon.

“I threw it all away. Bawal ang alkohol sa loob ng bahay na ‘to,” sabi ng flat na boses mula sa bungad ng kusina.

Napapihit si Elaine paharap kay Tan. Alam nito kung ano ang hinahanap niya. Nakasuot na si Tan ng long sleeves na navy blue at itim na slacks at medyas. Though he wasn’t wearing his working shoes yet, in her eyes, he was already perfect. Nakasampay ang itim na coat sa braso nito habang bitbit sa isang kamay ang briefcase.

Napansin niya, wala pa ring suot na kurbata ang lalaki. She used to help him with that. At pagkatapos, susuklian siya nito ng halik at yakap.

Nang akmang tatalima si Tan, mabilis na humabol si Elaine. “Magluluto ako ng almusal. Sabayan mo muna akong kumain bago ka umalis.”

He threw her an exasperated look. She swallowed hard, parang gusto niyang maiyak sa hostility sa mga mata nito. “Stop acting like a good wife, Elaine. Hindi bagay sa ‘yo.”

She flinched at the sting of Tan’s words. Huminga siya nang malalim nang lumakad ito papunta sa pinto at marinig niya ang pagbukas at pagsara niyon.

Mula nang planuhin ang pagbabalik, alam ni Elaine na mahirap at madilim ang daang pinili niya. But she decided to bravely walk that long and dark alley dahil naniniwala siyang sa dulo niyon, naroon si Tan, hinihintay siya.

Ang pambabale-wala nito sa kanya ngayon, wala pa iyon sa kalahati ng sakit na ipinaranas niya rito noon.

Tan was worth every cut and pain. She wouldn’t give up just because it hurts.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status