Share

Chapter Eleven: Road Kills

Madaldal at makulit si Marco. Iyon ang napansin ni Elaine habang sakay niya ang pulis sa backseat. He said he was staying temporarily with his uncle dahil mas malapit doon ang presinto kung saan ito nakadestino.

Dalawang kanto lang ang layo ng bahay ng tito nito sa bahay nila ayon dito. Nagkataon lang na nagdya-jogging ang lalaki kanina at nakita siyang palabas naman para maghanap ng convenience store.

Inihinto ni Elaine ang kotse sa harap ng gate ng bahay. Nilingon niya si Marco na nakatingin sa gate. Sinenyasan ito na bumaba na.

“Hindi mo man lang ba ako ihahatid sa bahay?”

She rolled her eyes. “Hindi ako taxi driver na ido-door-to-door ka pa. Baba na.”

Marco pouted his lips pero kumilos naman para bumaba. Ini-lock niya ang kotse, saka akmang iikot para kunin ang mga pinamili sa trunk nang makitang bitbit na ni Marco ang mga iyon.

“Ako na…”

Iniabot nito sa kanya ang paper bag na may lamang bread loaves, saka nagpatiuna papunta sa gate.

“Hindi ko kailangan ng tulong mo.”

“Sa payat mong ‘yan, sigurado ka?”

Huminga nang malalim si Elaine. Sinenyasan siya nitong buksan ang nakakandadong gate. Napilitan siyang kumilos.

Nauna uli si Marco na humakbang papasok kahit noong sinususian niya ang front door. Binuksan niya ang ilaw. Bumalik siya sa kotse para kunin ang isang galon ng white paint sa trunk.

Nakita niya si Marco sa kusina. Ipinapatong nito isa-isa sa mesa ang mga eco bag.

“O, masarap ‘to, ah,” sabi nito.

Napatingin siya sa lalaki, partikular sa hawak nitong Tupperware. Hindi siguro naubos ni Tan ang sandwich. Lumakad siya papunta sa kusina, bitbit pa rin ang lata ng pintura. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang nilamukos na maliit na papel na akmang dadamputin ni Marco sa mesa.

Hindi niya alam kung late na siya o ano pero nakita niyang kumunot ang noo ni Marco habang nakatitig sa hawak nang papel. Inagaw niya iyon dito.

Elaine cleared her throat. Ano ba ang dapat niyang sabihin? Bakit siya mag-e-explain? Ano ang dapat niyang i-explain? Bakit nilamukos ang papel?

“You have a pretty handwriting,” sabi nito.

Alanganin ang ngiti niya. Napatingin si Marco sa bitbit niya bago ibinalik ang mga mata sa kanyang mukha.

“Kung kailangan mo ng tulong sa pagre-repaint, tawagan mo ‘ko.”

Ngumuso siya. Wala siyang number nito at wala siyang balak hingin. “May pera ako para magbayad ng magpipintura.”

“Right. I’m off.” Patalikod na si Marco para umalis nang may maalala. “Kung wala nang kakain niyan, puwedeng akin na lang? Kanina pa ‘ko nagugutom, eh.”

Napatingin si Elaine sa Tupperware na itinuro ng lalaki. Gumuhit ang disappointment sa kanyang mukha. Dalawang piraso pa rin ang laman niyon, ni hindi natanggal ang selyo. Tumango siya. “Kunin mo.”

Maluwang na ngumiti si Marco. Kinuha nito ang Tupperware bago binalikan ang sariling grocery bags na iniwan sa labas ng front door kanina.

Isinuksok naman niya ang sticky note sa bulsa sa likod ng suot niyang jeans. Sumunod siya kay Marco hanggang sa labas ng gate.

Huminto ito roon. Nilingon ang bahay bago tumingin sa kanya.

“Bakit na naman?” tanong niya nang makitang nagtatagal ang tingin nito sa kanyang mukha.

Tumikhim ito. “Just that…”

Kumunot ang noo niya nang hindi nito tinapos ang sasabihin. “Ano?”

“Your house looks sad.”

Natigilan si Elaine. Napatitig siya sa lalaki.

“Bakit hindi ka gumamit ng pink o shade of pink na pintura kaysa puti? Hindi ba pink ang paborito ng mga babae?”

“Black,” sagot niya. “I guess, hindi ako kasama sa mga babaeng tinutukoy mo.”

Marco smiled, shook his head. “Pumasok ka na. Mainit dito sa labas.”

Ngumuso siya. “Hubarin mo kaya muna ‘yang jacket mo bago mo sabihin sa ‘kin ‘yan.”

Banayad itong tumawa. “I’m leaving. See you.” Itinaas pa nito ang kamay para kumaway bago tumalikod para umalis.

Elaine raised an eyebrow. See you? May plano pa itong makipagkita sa kanya, gano’n? Pumalatak siya. The two-timing jerk didn’t know how to quit. Napapailing na bumalik siya sa loob ng bahay.

Nang mapag-isa, kinuha niya ang nilamukos na papel sa bulsa. Bumuntong-hininga siya. Dinala niya iyon sa kuwarto at isinilid sa walang lamang fishbowl.

Itinuon niya ang buong oras at lakas sa paglilinis. Kahit saglit, ayaw niyang papasukin ang disappointment sa isip.

Hindi siya marunong magpintura kaya bukas na bukas, maghahanap siya ng maha-hire para sa trabaho.

Bago mag-alas-singko, natapos si Elaine sa ginagawa. Naligo siya pagkatapos. She felt refreshed.

Naupo siya sa gilid ng kama, iniikot ang tingin sa loob ng kuwarto. Ngumiti siya nang makontento sa outcome ng pinagtrabahuhan.

Tumayo siya sa kinauupuan nang maalala ang kapirasong papel sa fishbowl. Kinuha niya iyon, sinubukang i-flatten ang gusot bago ibinalik sa bowl.

Huminga siya nang malalim habang nakatitig doon. Nasaktan niya si Tan nang husto, that pain she inflicted him made him change into someone she could hardly recognize.

Cold. Harsh. Spiteful.

Ang tanging konsolasyon na lang ay sa kanya lang ito ganoon at hindi sa lahat ng tao.

2016

Ipinatong ni Elaine ang maruruming pinggan sa durable dish tub, saka kinuskos ang mesa gamit ang face towel na ginawang basahan. Dalawang linggo na siyang nagtatrabaho bilang waitress sa isang Filipino-Japanese restaurant na iyon sa Pasay.

“Hoy, hoy!” tawag sa kanya ng customer. “Waitress!”

Hoy? Huminga nang malalim si Elaine. Kanina pa gumagapang sa balat niya ang iritasyon sa tatlong babaeng nakaupo sa dulong bahagi ng restaurant.

“Bingi yata amput—”

Parang walang narinig, binitbit ni Elaine ang tub, saka lumakad pabalik sa kitchen. Hinarangan siya ni Kyla, ang branch manager.

“Dalawang linggo ka pa lang dito, ang laki-laki na ng ulo mo,” mahina pero galit na sabi nito. “Kung hindi ka naman bingi, asikasuhin mo ang customer.”

Mariin niyang itinikom ang bibig at padabog na ipinatong ang tub sa counter. Sinundan siya ng nanggigigil at inis na tingin ng manager. Nakataas ang noo na lumakad siya para puntahan ang tatlong pabebe sa dulo. Habang papalapit, napansin niyang nagsenyasan ang tatlo. Pinigilan niyang itirik ang mga mata.

Alam ni Elaine kung bakit nandoon ang tatlo. Kung hindi siya tatantanan ng mga ito, malabong hindi makuha ng mga ito ang gusto—ang ipatanggal siya sa trabaho.

“We’ve been waiting here forever and you don’t seem to give a damn.” Nakataas ang kilay ng babaeng nag-“Hoy” sa kanya. Si Rosette.

“Hindi mo ba kami narinig na tinatawag ka o nagbibingi-bingihan ka lang?” tanong ng isa pa.

“Hindi ako bingi. Dinig na dinig ko,” sagot niya sa palaban na tono.

Nagkatinginan ang tatlo. Nagngisian.

“Ang tapang mo, ah. Ikaw ba ang may-ari? Anak ka ng may-ari?”

Matalim ang tingin na binalingan ni Elaine ang nagtanong. Hindi niya alam ang pangalan nito pero ang sarap hablutin at bunutin ng kulot at dry nitong buhok mula sa anit.“Bakit? Kung sasabihin ko ba na ako ang may-ari o anak ako ng may-ari, hindi n’yo na ‘ko ho-hoy-hoy-in?”

Bago pa makasagot ang tatlo, dinampot niya ang tray ng baso galing sa kabilang mesa. “Kung tubig lang naman ang kailangan n’yo, tatlo hanggang apat na hakbang lang ang layo ng dispenser. Heto ang baso.”

Nagngisian ang dalawang

kasama ni Rosette habang matalim ang tingin sa kanya ng huli.

“Rosette, hanggang dito parang gusto kang kainin nang buhay ng babaeng ‘to.”

Tumuwid ng upo si Rosette. Pinagsalikop ang mga palad sa mesa. Her sardonic smile was telling her that she was fucked up.I’ve always known you’re a bitch, Elaine,” sabi nito sa mahinang boses bago sa malakas na boses ay… “Gusto kong makausap ang manager mo.”

Napatingin na sa kanila ang mga kumakain doon.

Hindi kumilos si Elaine but she was clenching her fists to control her anger. Dalawang linggo pa lang siya sa trabaho. Kahit paano, gusto niyang kumita ng pera para suportahan ang sarili pero bakit palaging ganito ang nangyayari?

“Hindi mo ba ako narinig? Tatawagin mo ang manager mo o ako mismo ang tatawag sa kanya?”

Tumingala siya. Panipis nang panipis ang pasensiya niya. Nang ibalik niya ang tingin kay Rosette, suot na niya ang nanghahamong ngisi.“Bakit? Sasabihin mo sa kanya ‘yong mga pamatay at lumang linya ng mga kagaya mong mapangmata at entitled na customer?”

Umawang ang bibig ni Rosette.

Itinukod niya ang mga kamay sa mesa.“‘Ganito ba ka-poor ang service n’yo sa mga customers n’yo? Wala kayong pakialam sa customers na bumubuhay sa inyo. Isang post ko lang sa F******k, sira ang pangalan ng restaurant na ‘to,’” litanya niya. She smirked. “2016 na, magbago na kayo ng linya.”

Napatayo si Rosette. Ganoon din ang dalawang alipores nito.“You!”

Tumayo nang tuwid si Elaine. Nanghahamon pa rin ang tingin. Napalapit si Kyla na kahit natataranta, nagawa pa siyang pandilatan ng mga mata. Pumagitna ito, panay ang hingi ng pasensiya habang sinesenyasan siyang

ganoon din ang gawin.

Bakit niya gagawin? Paismid na tumalima siya para umalis pero hindi pa man siya nakakaisang hakbang, naramdaman na niya ang malamig na tubig sa likod niya na isinaboy ni Rosette.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap!”

Dahan-dahang lumingon si Elaine. Nakita niyang bumuway si Rosette, lumunok nang makita ang galit sa kanyang mga mata. Walang babalang dinampot niya ang porcelain flower vase sa kabilang mesa, saka akmang ihahampas iyon sa babae. Pero bago pa niya magawa, may malakas na kamay na pumigil sa kanyang kamay.

Napalingon siya. Napalitan ng pagkamangha ang nananalim na tingin niya.

Hindi

pa maninuulan ng sermon, isinukbit na ni Elaine ang bag at tinalikuran si Kyla at ang supervisor na isa ring mabigat ang dugo sa kanya. Walang lingon-likod na lumakad siya palabas ng restaurant. Iniwan ang dalawa sa loob ng opisina ni Kyla na nagpipigil na habulin siya ng mura.

Pagkalabas ng restaurant, nagulat pa si Elaine nang makilala ang lalaking nakatayo sa harap ng kainan.

“Ano pa’ng ginagawa mo dito?” tanong niya,

nilampasan ito.

“Hinihintay ka,” sagot nito. Sumabay sa paghakbang niya. Tumikhim ito. “Napagalitan ka?”

Umangat ang isang sulok ng bibig niya. Natanggal siya sa trabaho. Pero hindi siya nanghihinayang.

Tumikhim ito. “Do you want to grab a drink with me?”

tanong nito na paraang alam naman talaga kung ano ang nangyari.

Nahinto sa paglalakad si Elaine. Hinarap ang lalaking tipid na nakangiti sa kanya.“Umiinom ka?” tanong niya. Pinasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik.

Nagkamot ito ng batok. “I don’t look like I know how, right?”

She surpressed a smile. Lalong gumuguwapo ang doktor na ito kapag nakangiti. 2012 pa noong huli niya itong makita, sa presinto pa. Hindi niya sukat-akalain na pagkatapos ng apat na taon, magkikita sila uli.

“Akala ko kape lang sa Starbucks ang kayang inumin ng mga doktor na gaya mo.” Nagkibit-balikat siya. “Tara, may alam akong lugar.”

Lumuwang ang ngiti ng lalaki. Sumunod sa kanya.

Good-looking or drop-dead gorgeous would not be an exaggeration to describe Dr. Tan De Marco. He was a head turner. Pagpasok pa lang sa bar, sa doktor na natutok ang tingin ng mga nasa loob. Hindi niya masisisi ang mga ito, kahit siya kasi ay mapapa-second o third look.

Hinawakan ni Elaine si Tan sa kamay para igiya palapit sa bar counter. Nag-order siya ng beer habang rhum naman ang sa lalaki. Itinaas niya ang beer mug sa ere.

“Cheers?”

Pinagbigyan siya nito. Pagkatapos ng toast, halos sabay nilang dinala ang baso sa kani-kanilang mga bibig.

Ngumisi siya nang makitang ngiwing-ngiwi si Tan nang sumimsim. Ni hindi pa nito naubos ang isang shot ng rhum.

Noong umpisa, tahimik lang silang umiinom. Kasasalin lang ng pangalawang baso ng beer sa mug niya nang magsalita ito.

“Hindi ka na nag-aaral?”

“Na-kick out ako last sem,” bale-walang sagot niya.

“Bakit?”

Dahil doon sa babae sa restaurant kanina. Ang sabi niya, nagkaka-sore eyes siya ‘pag nakikita niya ‘ko kaya ginawan niya ng paraan para mapatalsik ako.” Umismid si Elaine. “Ayaw pang amining salaula siya, isinisi pa sa ‘kin ang nagmumuta niyang mata.”

Tumawa si Tan. Ngumisi siya lalo. This man’s husky laugh could make her stomach flutter.

“Kung wala kang ginawang masama, bakit hindi mo kinausap ang school head para linawin kung ano ang nangyari?”

“Para saan? Mag-aaksaya lang ako ng laway. Kahit ano’ng sabihin ko, hindi sila maniniwala. Kapatid si Rosette ng councilor sa lugar namin. Ano’ng laban ko na isa lang part-timer?”

Lumipas ang oras. Nakakatatlong bote na si Elaine pero hindi pa rin nauubos ni Tan ang alak. Hindi yata talaga ito umiinom, niyaya lang siya dahil baka iniisip nitong masama ang loob niya.

“What is your dream?” tanong nito.

Gusto kong yumaman.”

“Why?” amused na tanong nito.

Tumikwas ang kilay niya.

Anong klaseng tanong ‘yan? Meron bang tao na gustong mahirap lang habang-buhay?”

“Paano ka magiging mayaman kung hindi ka nag-aaral?”

“Edukasyon lang ba ang daan? Marami pang ibang paraan.”

“Kagaya ng?”

Nginisian niya ito. “Kagaya ng mag-asawa ng lalaking nuknukan ng yaman.”

Bahaw na natawa si Tan.

Hindi mo ba itatanong kung bakit gusto kong yumaman?”

“Para maiahon ang sarili sa hirap?” hula nito.

Umiling si Elaine. “Dahil gusto kong sampalin ng pera ang lahat ng taong nang-insulto at nangmaliit sa ‘kin. May listahan ako, isa-isa ko silang sisingilin.”

Tumawa si Tan. “Ano ba’ng basehan mo ng mayamang lalaki?”

“Millions sa bangko. May sariling kompanya at hindi lang pipitsuging empleyado,”

deretso niyang sagot.

“I’m afraid you’ll end up being an old maid.”

Imbes na sumagot, mas pinili niyang magtanong.“Naranasan mo na bang maliitin ng tao? Itratong parang b****a? Pagsalitaan na parang wala ka nang ginawang tama?”

Naramdaman niya, nilingon siya ni Tan.

“Siguradong hindi mo naranasan ‘yon. Doktor ka, may pinag-aralan. Masasabi kong maganda ang buhay mo kung hindi ka man mayaman na

mayaman. Masakit. Pero alam mo ba kung bakit minsan, doble ang sakit? Kasi sa bahay pa lang, gano’n ka na tratuhin. ‘Tapos ‘pag labas mo, gano’n pa rin.” Elaine let out a short hollow laugh. Nag-angat siya ng tingin kay Tan na nakatitig din sa kanya.He was a good listener, she noted.

She would seldom talk about her life, lalo sa tao na kakikilala lang. Kung may nakakaalam sa totoong kuwento ng buhay niya, sina Mang Chito at Drew lang.

Wala siyang ibang kaibigan. All her life she had been trying to purposely keep her distance. Wala siyang gustong alagaan at bigyan ng atensiyon

kundi ang sarili lang. No one would love and take care of her so she needed to do a good job taking care of herself.

“Alam kong curious ka kung bakit ako ganito. Hindi kita masisisi kung sa mga mata mo bilang doktor, isa akong psycho. Pero ako ito. Nasa huwisyo. Pagod na pagod lang siguro na makipagmatigasan sa mundo.”

Tumikhim si Tan.“We all have our own fair share of ups and downs, Elaine. I’ve experienced messy roads and few roadkills. But those bumpy roads got me here. Hindi ko hinayaang lamunin ako ng galit.”

Ngumisi si Elaine. Tinapik niya ang balikat ni Tan.“Good for you. Pero, Dok, maniwala ka sa akin. Hangga’t hindi mo pa nararanasang masaktan nang husto, hindi mo malalaman kung anong klase kang tao.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status