PAGBUNGAD ni Adrielle sa maluwag na salas ng bungalow style na tirahan ng mga bodyguards ni Azure ay kaagad niyang nakita ang tatlo sa kanyang mga kapatid. Kumunot ang noo niya. Si Kimhan ay nagkakape habang nakaupo sa harapan ng maliit na mesa kung saan naman naglalaro ng chess sina Russet at ang head bodyguard nitong si Reaper habang nakatayo sa tabi ng una ang nakangising si Azure."What are you, guys, doing here?" tanong niya sa mga ito.Sabay na napatingin kay Adrielle sina Russet at Azure samantalang tumaas naman ang kilay ni Kimhan na kanina pa nakita ang bunsong kapatid nang pumasok ito roon."Ikaw, why are you here?" Balik-tanong ni Kimhan kay Adrielle na nagkibit lang ng balikat bago tila walang anumang inikot sa paligid ang paningin."Sino ang hinahanap mo?" takang tanong ni Russet na bahagya pang sinulyapan ang kaharap na si Reaper bago ibinaling ang buong pansin kay Adrielle.Tahimik na tahimik naman si Reaper habang nilalaro niya sa kanyang mga daliri ang isang pirasong
PAGDATING ninang Adrielle at Cougar sa gym ay naabutan nila roon si Trigger na tila katatapos lang mag-excercise. Kaagad din naman sila nitong nakita dahil bahagya itong tumango sa kanila habang nakadikit sa tainga ang hawak na cellphone."Hey, Triggs," bati ni Adrielle sa kanyang nakatatandang kapatid habang nakasunod naman sa kanya si Cougar na yumuko nang bahagya bilang pagbati kay Trigger.Umangat naman ang kilay ni Trigger. Bakas sa mga mata ng lalaki ang pagtataka at nang tila hindi na makatiis ay bahagya nitong inilayo ang hawak na cellphone sa tainga."New gym buddy, huh," puna niya na nakatutok ang mga mata sa bodyguard na tahimik lang.Sa walong anak ni Lion Guerrero, tanging si Trigger lang ang pinakamadaling pakisamahan. Kumpara sa kakambal nitong si Dalton ay mas mahinahon si Trigger. Pero sabi nga ni Raksha, kahit gaano pa kahinahon ang huli ay isa pa rin itong Guerrero. They were born to be one and made to be the lords of underground world. And they have this infamous te
"MAUPO po muna kayo, Sir," nakangiting sabi ng babaeng isa marahil sa kasambahay ni General Gallego. Naroon si Cougar sa mismong mansion ng dating deputy director sa isang kilala subdivision sa Makati. Pinapunta siya roon ni General Gallego dahil may kailangan daw itong i-discuss sa kanya na mahalaga. Nagtaka man kung bakit sa mismong bahay siya nito pinapunta ay hindi na lamang nagtanong si Cougar. Ito ang unang pagkakataong nakarating siya roon dahil kadalasang sa mga tagong restaurant lang sila nagkikita dati. Iginala ni Cougar ang kanyang paningin sa malawak na opisina na nasa unang palapag ng mansyon at kaagad niyang napansin na kahit simple ang ayos ay marangya pa rin ang buong paligid at halatang mamahalin ang mga kagamitan.Pasimple siyang tumingala at hindi nga siya nagkamali. Matindi ang security doon, patunay ang mga CCTV na nakakabit sa bawat sulok ng kisame, maging sa ilang bookshelves. "Agent Falcon!" Napalingon si Cougar nang marinig niya ang pamilyar na boses ni
HABANG nasa loob ng sasakyang maghahatid sa kanya sa Villa Luisita resort, ang lugar kung saan gaganapin ang fashion week ng isang kilalang fashion designer na si Reyne ay bahagyang nangunot ang noo ni Adrielle. Pagkarating kasi nila sa airport kanina ay napansin niyang pawala-wala na ang signal ng internet sa lugar. Nang ipa-check naman niya sa kasama niyang bodyguard na hiniram niya kay Russet ay sinabi nitong baka mayroon lang daw dead spot na lugar doon. Wala ang bodyguard niyang si Bob dahil lumuwas ang lalaki sa Manila. Hindi naman niya nasabi kaagad na may pupuntahan sila dahil late na rin naman siya nag-confirm kay Reyne na pupunta siya sa fashion week nito. Kung hindi lang siya nakakuha ng tip na naroon sa Palawan ang taong ipinapahanap sa kanya ng isang kilalang negosyante na kumuha sa serbisyo niya ay hindi naman sana siya pupunta. Kaibigan ng manager niyang si Yrah si Reyne kaya nang tumawag sa kanya ang una para pakiusapan siya pumunta sa fashion week bilang suporta ay n
NANG masiguro ni Adrielle na kompleto na ang mga kailangan niya ay humakbang na siya patungo sa bintana kung saan siya dadaan patungo sa silid na ginagamit ni, Mr. Griffin, ang kilalang business tycoon na gustong ipatumba ng kalaban nito sa negosyo. Bago pa man lumapag sa airport ng Palawan ang sinakyan niyang eroplano ay naayos na ng Blade niya ang lahat, maging ang gagamitin niyang kuwarto. Siniguro nito na may maganda siyang access patungo sa kuwarto naman ni Mr. Griffin.Bubuksan na sana niya ang sliding door na nagdudugtong sa silid at maliit na veranda sa labas nang maalala niyang may kulang pa nga pala. Mabilis na naglakad pabalik sa kama si Adrielle at mula doon ay dinampot niya ang wireless headset pati na rin ang maliit na cellphone. Binuksan niya iyon at pumunta sa isang music app para maghanap ng upbeat music na p'wede niyang pakinggan habang ginagawa ang kanyang misyon. Nang makakita ng kanta ay inilagay ni Adrielle sa kanyang tainga ang wireless headset pagkatapos niya
NANG lumapat ang mga paa ni Adrielle sa veranda ng hotel suite niya ay kaagad niyang niluwagan ang pagkakabuhol ng hoodie sa ilalim ng kanyang baba pagkatapos niyang tanggalin ang pagkakatali ng mountain climbing rope sa kanyang beywang. Naglakad siya patungo sa sliding door at dahil iniwan niya iyong bukas kanina ay mabilis lang siyang nakapasok. Nakatuon ang buong atensiyon niya sa hawak niyang cellphone kaya hindi kaagad niya napansin ang lalaking nasa loob ng kanyang silid at nakatutok sa kanya ang hawak nitong baril. "Hanggang diyan ka lang!" Napatigil si Adrielle sa akmang pagsend ng mensahe kay Anya nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Dahan-dahan siyang nag-angat ng paningin bago balewalang hinubad ang suot na mask habang ang mga mata ay nakatutok sa kanyang kaharap. Sinasabi na nga ba niya na may kakaiba sa mga ikinikilos nito kanina kaya hindi na siya nabigla. She was just waiting for him to act. At mukhang kating-kati na ito dahil hindi man lang nito hinintay na
HUMUGOT NG MALALIM na buntong-hininga si Cougar pagkaraang sulyapan ang tulog pa ring si Adrielle. Natahi na ang sugat nito sa balikat na tinamaan ng bala ng baril. Sa kasalukuyan ay bumibiyahe sila papunta sa farm na pag-aari niya sa San Simon, isang maliit na bayan na nasa dulo na ng Palawan. Nang dumating siya at ang ilan pang bodyguards na ipinadala ni August sa Villa Luisita resort ay nagkakagulo na ang lahat sa hotel kung saan ay alam niyang naroon si Adrielle. May assassin daw kasing nakalusot, ayon na rin sa ilang turista na inilayo na ng nga police sa crime scene. At alam na kaagad ni Cougar kung sino ang assassin na tinutukoy ng mga ito dahil bago pa man niya nakausap si Crimson na hindi naman dinetalye ang lahat ay nakatawag na si Trevan sa kanya. Mabilis siyang pumasok sa hotel kasunod ang iba pa. Hindi naging mahirap para sa kanya ang lahat dahil mukhang hawak din ng Octagon ang chief of police ng lugar. Marahil ay naitawag na ni August ang lahat sa hindi naman katandaa
NANG MULING idilat ni Adrielle ang mga mata niya ay bumungad sa kanyang paningin ang isang hindi pamilyar na lugar na kanyang kinaroroonan. Kumunot ang noo niya habang tinatanaw ang labas ng salaming bintana ng sasakyan. Dahan-dahan siyang bumangon at hindi pinansin ang pagpitik ng kirot mula sa sugat sa kanyang balikat. Umupo siya nang maayos sa tabi ng bintana at pinagmasdan ang paligid. She was surrounded with an endless rice fields at sa dako pa roon ay mga nagtatayuang niyog naman. Bahagya siyang naaliw nang makitang banayad na sumasabay sa ihip ng hangin ang mga dahon ng palay. Mukhang bagong tanim lang ang mga iyon pero masarap pagmasdan ang tila pagsunod ng mga ito sa lihim na ritmong tila ang dahon lang nito at ang hangin ang nakaka-alam.Kunot ang noong muling sinuyod ni Adrielle ng tingin ang paligid pero ni dulo ng anino ng lalaking nagdala sa kanya roon ay hindi niya makita. Salubong ang mga kilay na nagpasya siyang bumaba ng kotse. Mas mabuti pang punuin na lang niya ng