Share

WEIRD AND SILLY

KAAGAD na napuno ang ilong ni Adrielle ng mabangong amoy ng paborito niyang noodle soup nang magkasunod silang pumasok ni Cougar sa hindi kalakihang kusina ng bahay ng Ninang niya. Wala pa ring ipinagbago ang bahay maliban sa nadagdag na maliit na terrace sa labas.

Napalingon sa kanila ang babaeng kasama sa bahay ng Ninang niya at ni Tita Mabel.

"Ay, nandiyan na po pala kayo," kaagad na turan nito bago humakbang patungo sa lagayan ng mga plato. "nainit ko na po 'yong dala ni Sir Bob. Kumain na po kayo. May sinangag rin po, pritong itlog, daing na pusit at bibingka. Ang sabi po kasi ni Tita Mabel ay paborito n'yo raw po ang mga iyon." bahagyang nakangiti na turan nito habang abala sa paglalagay ng dalawang plato at mga kubyertos.

Nangislap ang mga mata ni Adrielle dahil sa kanyang narinig. Ang suwerte niya talaga sa kanyang Ninang at Tita Mabel. Mahigit isang dekada siyang nawala sa tabi ng mga ito pero hindi pa rin nila nakakalimutan ang mga paborito niyang pagkain.

Mabilis namang i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status