Share

Trouble 2

XANIA

Naglalakad ako papasok ng eskwelahan at hindi ko maiwasang humikab sa antok. Alam ko sanay na ako na matulog ng 5 oras lang pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog kagabi.

Aaminin ko, unang beses kong naransan yung may nang-hold-up kagabi sa café. Tapos malalaman ko na lang, ako ang hinahanap ng mga lalaking iyon. Nahuli man sila, hindi ko maiwasang isipin kung bakit ako ang target nila?

Humikab ako muli. Hayst. Kung ano man ang gusto ng mga lalaking iyon, importante nakakulong na sila. Iidlip na lang ako mamayang lunch para makapagpahinga. Tatago ako sa tsonggong iyon kung kinakailangan.

Pagkarating sa classroom, agad akong pumunta sa upuan ko at pagkaupo, walang sabi-sabi na hiniga ko ang ulo ko sa mesa. Iidlip lang talaga ako, pramis.

Lumipas ata ang 10 minuto nang may kumalabit sa akin. Nagising naman ako ng di oras at napatingin sa taong iyon... ang katabi ko.

Wala siyang sinabi at nakasimangot lang pabalik sa aki

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status