Napahawak si Hexy sa kaniyang ulo dahil kumikirot iyon, saka siya unti-unting nagmulat ng kaniyang mga mata."H-Hexy? What do you feel? Are you okay?" Tanong agad ni Maverick na nakaupo sa gilid ni Hexy.Hinawakan naman ni Hexy ang kaniyang ulo habang luminga-linga sa loob ng kuwarto at papikit-pikit pa ang kaniyang mga mata."A-Ano'ng nangyari?" Tanong niya saka tumingin kay Maverick."Pinalo ka sa likod ng isa sa mga lalakeng sumugod sa atin," wika ni Maverick saka inalalayan si Hexy nang sinubukan nitong maupo.Inalala naman ni Hexy ang mga nangyari. Napatingin siya sa wall clock sa loob ng kuwarto at nakitang alas nuwebe na ng gabi.Nanlaki ang kaniyang mga mata at agad na napahawak kay Maverick."S-Si Joaquin? Kumusta siya? Ano'ng lagay niya?" Agad niyang tanong at biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang maalalang duguan si Joaquin bago siya mawalan ng malay."He's okay now. Hindi malalim ang sugat niya, daplis lang. I told Tita what happened," sagot naman ni Maverick at hala
"Are you sure you can talk to Joyce alone? Sa coffe shop nila kayo mag-uusap, baka kung ano'ng gawin niya sa'yo," nag-aalalang wika ni Maverick habang nag-aayos si Hexy at nakaupo naman siya sa kama."Okay lang ako. Hindi naman siguro siya gagawa ng masama kapag maraming tao. Napapaisip lang ako kung ano'ng sasabihin niya," saad ni Hexy saka isinakbit sa kaniyang balikat ang kaniyang sling bag."Baka isusuko na niya si Brix. Joaquin said that Sir Brandon already talked to them, but Brix didn't show up. What a coward," sabi ni Maverick saka nagsalubong ang mga kilay."Hindi ako naniniwalang isusuko niya si Brix. Fiance niya pa rin 'yon. Mukhang mahal na mahal niya, eh," sabi naman ni Hexy saka lumingon sa kaniya."Nagseselos ka naman?" Natatawang sambit ni Maverick."Paano kung sabihin kong oo?" Pang-aasar naman ni Hexy saka siya ngumiti. Sumama naman ang tingin ni Maverick sa kaniya."Mag-ayos ka na, ihahatid na kita. Just text me kung magpapasundo ka," wika nito saka tumayo at walang
Napatigil si Hexy at napatakip sa kaniyang bibig habang nakatingin kay Brix.Napalingon naman sina Maverick at Brix sa kaniya.Agad na tumakbo palapit sa kaniya si Maverick at niyakap siya.Sinuri naman siya ni Hexy upang tignan kung may sugat sa katawan niya."M-May tinamaan ba sa'yo?" Natatarantang tanong niya saka hinawakan si Maverick sa kaniyang mga braso at nag-aalalang tinignan siya mula ulo hanggang paa."N-No. I'm okay," sagot naman ni Maverick.Napalingon silang dalawa kay Brix na nakatingin din sa kanilang dalawa.Nakailag si Maverick sa bala at ang sahig ang tinamaan."B-Brix, kumalma ka, please. Mag-usap tayo nang maayos," wika ni Hexy at inilahad sa kaniyang harap ang kaniyang dalawang kamay upang pakalmahin si Brix."How can I calm down if you're here for Maverick, and not for me?" Matigas nitong sambit habang nakababa ang baril."Puwede tayong mag-usap nang hindi nagkakasakitan, Brix. Mag-usap tayong dalawa," saad ni Hexy habang nanginginig ang boses dahil sa takot kay
"A-Ano'ng sinasabi mo?" Takang tanong ni Hexy at hindi maiwasang manginig ang mga tuhod dahil sa kaba at bahagya siyang napaatras.Napangisi si Vanessa at napalunok si Hexy nang makita niyang biglang nagbago ang itsura nito."Ako, Hexy. Ako ang nakaisip ng lahat ng 'to," nakangiting sambit ni Vanessa.Dahan-dahan namang napailing si Hexy na parang hindi makapaniwala."B-Bakit? Paanong..."Hindi naituloy ni Hexy ang sasabihin at napatingin na lang kay Vanessa."Tama ang sinabi nina Aldrin, sila ang bumuhat sa'yo papunta sa unit ni Brix. But I was the last one to come out of there, because I took off your upper clothes. Nakakatawa nga, eh, dahil hindi ka man lang pinagnasaan ni Brix. You only drank a little, Dinagdagan ko lang ng pampatulog ang ininom mo," sagot nito.Napatakip si Hexy sa kaniyang bibig at namuo ang luha sa kaniyang mga mata.Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Vanessa kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya."I was also the one who told Joyce about you and Brix,
Unti-unting gumalaw ang mga daliri ni Hexy habang nakahiga sa hospital bed, kaya napatingin si Maverick sa kaniyang mukha."H-Hexy?" Nag-aalalang tanong niya nang magmulat ng mga mata si Hexy at sa kisame lang nakatingin.Napatingin ito sa kaniya at hindi agad ito nagsalita."Ano'ng nararamdaman mo?" Malumanay na tanong ni Maverick kay Hexy at hinawakan ang kaliwang kamay nito.Napalunok naman siya at iginalaw ang kaniyang kamay."A-Ano'ng nangyari?" Mahinang sabi niya at biglang napapikit nang makaramdam siya ng hapdi sa kaniyang mukha.May gasa ang kaniyang noo dahil sa pagkakauntog niya sa loob ng sasakyan."Nadisgrasya kayong dalawa ni Shantal. Nasa kabilang kuwarto lang siya," sagot naman ni Maverick.Napaluha naman si Hexy."K-Kumusta siya? Okay lang ba siya?""She's okay. It's good that she slowed down her car before she crashed it into the tree," wika ni Maverick saka hinawakan ang mukha ni Hexy."Si Vanessa, nahuli na ba?" Napatigil naman si Maverick."Hindi pa. Pero hinahan
Ilang segundong hindi nakaimik si Hexy at tila nabingi sa sinabi ni Shantal sa kaniya."A-Ano? Bakit? Paanong...P-Paano namatay si Vanessa?" Hindi makapaniwalang tanong niya nang magkaroon siya ng lakas ng loob.Habang nanginginig ay sinubukan namang mag-explain ni Shantal."Sumabog ang sinasakyan niya kaninang madaling-araw. B-Binalak daw niyang tumakas matapos siyang mahanap ng mga pulis. She did something again," saad nito.Napalunok naman si Hexy."Ano'ng ginawa niya?""Tinangka raw niyang lasunin si Sir Brandon. She was seen on CCTV at Sir Brandon's house because she went in there," sagot naman ni Shantal.Hindi naman nakaimik si Hexy dahil sa nalaman at sa likod ng galit niya kay Vanessa ay nakaramdam siya ng lungkot at gulat.Biglang tumulo ang kaniyang luha kaya niyakap siya agad ni Shantal."H-Hindi ito ang gusto kong mangyari," umiiyak na sambit niya."I-I know. Wala namang gustong mangyari 'to sa kaniya," saad naman ni Shantal saka hinaplos ang likod niya."Gusto ko pa sana
"P-Po?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hexy at nanlaki pa ang kaniyang mga mata.Tumango naman si Brandon.Napalunok si Hexy at napaiwas ng tingin saka napaisip. Hindi siya makapaniwala sa narinig at nagpaulit-ulit iyon sa kaniyang isip."Vanessa's mother was my first wife. But we are both busy at work. Hindi ko sinadyang saktan si Valerie. And then I had a child with a girl I met, and it was Brix."Ilang segundong natahimik si Brandon saka napatingin sa dalawang kamay na nasa kaniyang mga hita."Takot na takot ako noon dahil mayaman ang pamilya nila. I went back to Valerie, and I admit that I still loved her then. Nagkaroon din kami ng anak, but I don't know what to do," paliwanag ni Brandon.Napatingin naman sa kaniya si Hexy."I can't leave Brix's mother, dahil papatayin nila ako kapag iniwan ko siya. I ended up chosing them, instead of Valerie and Vanessa," dagdag pa nito."Ilang buwan akong nagsustento kay Vanessa, pero pinigilan na ako ng ina ni Brix na makipagkita sa kanila. I
Pilit niyang inaninag ang mukha ng babae dahil madilim ang parte ng sementeryong iyon. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang si Joyce ang nakatayo sa likuran niya."Bakit nandito ka pa? Gabi na, ah?" Sambit ni Joyce."B-Binisita ko lang ang Mama ni Mavs, tsaka tinignan ko na rin ang puntod ni Vanessa," turo ni Hexy sa puntod ng dating kaibigan.Tumango-tango naman si Joyce."Ikaw, bakit ka nandito?" Tanong ni Hexy."I visited my baby, dito rin namin siya inilibing. Gusto ko sanang sa bahay, kaso masasaktan lang ako kapag makikita ko siya," nakangiting sagot ni Joyce ngunit malungkot ang kaniyang mga mata.Hindi naman umimik si Hexy saka ngumiti."I want to apologize for what Brix did to you. Kung alam ko lang na aabot sa ganito ang lahat, sana pumayag na ako dati na dalhin siya ni Tito sa ibang bansa," saad ni Joyce saka umiwas ng tingin."Hindi naman na natin mababawi ang lahat. Nangyari na," wika ni Hexy.Tumango-tango si Joyce.Lumapit sa kaniya si Hexy at tinabihan siya. Pare