Share

CHAPTER 34

Napahawak si Hexy sa kaniyang ulo dahil kumikirot iyon, saka siya unti-unting nagmulat ng kaniyang mga mata.

"H-Hexy? What do you feel? Are you okay?" Tanong agad ni Maverick na nakaupo sa gilid ni Hexy.

Hinawakan naman ni Hexy ang kaniyang ulo habang luminga-linga sa loob ng kuwarto at papikit-pikit pa ang kaniyang mga mata.

"A-Ano'ng nangyari?" Tanong niya saka tumingin kay Maverick.

"Pinalo ka sa likod ng isa sa mga lalakeng sumugod sa atin," wika ni Maverick saka inalalayan si Hexy nang sinubukan nitong maupo.

Inalala naman ni Hexy ang mga nangyari. Napatingin siya sa wall clock sa loob ng kuwarto at nakitang alas nuwebe na ng gabi.

Nanlaki ang kaniyang mga mata at agad na napahawak kay Maverick.

"S-Si Joaquin? Kumusta siya? Ano'ng lagay niya?" Agad niyang tanong at biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang maalalang duguan si Joaquin bago siya mawalan ng malay.

"He's okay now. Hindi malalim ang sugat niya, daplis lang. I told Tita what happened," sagot naman ni Maverick at hala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status