Share

CHAPTER 51

"M-Mavs, huwag dito," mahinang sambit ni Hexy saka napalunok nang makitang nakatingin si Maverick sa kaniyang hinaharap.

Inilapit nito ang kaniyang mukha kay Hexy saka hinawakan ang baba nito para magkasalubong ang kanilang mga bibig.

Napapikit naman si Hexy.

Naramdaman niya ang paghinga ni Maverick habang hawak nito ang kaniyang likod na malayang nahahawakan ang kaniyang balat.

Ngunit napatigil si Maverick nang may bumusinang sasakyan sa likod.

Nagmulat agad ng mga mata si Hexy at sabay silang napalingon ni Maverick.

Inilayo ni Hexy ang kaniyang sarili nang makitang may van sa likod. Mabuti na lang at hindi sila maaaninag dahil nasa gilid sila ng sasakyan at hindi masyadong maliwanag.

"Maverick, ano'ng nangyari?"

"Bigla na lang pong huminto, Papa," sagot ni Maverick.

Agad na tumabi si Hexy kay Maverick at bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahil natatakot siyang makita ni Maximus ang likod niya.

"Sumabay na kayo sa'kin. Ipapa-pick-up ko na lang ang sasakyan mo," wika ng ama ni Maveri
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status