Share

CHAPTER 57

Nagpupumiglas naman ang lalake at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa kaniya ni Joaquin.

"I said, who are you? Huwag mong hintaying pulis ang makipag-usap sa'yo," pagbabanta ni Joaquin.

"P-Photographer lang po ako, Sir. Kahit i-check niyo po ang camera ko," naiiyak na sambit ng lalake.

Agad namang hinatak ni Hexy si Joaquin upang bitawan nito ang lalake.

Pinakawalan naman siya ni Joaquin ngunit nanatili pa rin itong nakahiga habang umuubo.

Nang makabangon ito ay pinulot niya ang kaniyang camera na basag na ang lens.

"Photographer lang po ako. Pasensya na po," sambit nito saka ipinakita ang mga laman pictures ng kaniyang camera.

Umayos naman sa pagkakatayo si Joaquin nang makitang maayos ang mga litrato sa camera nito.

"You should not casually take photos of other people without their permission. And what are you gonna do with our photos? Delete it. Don't show up here again," kunot-noong saad ni Joaquin.

Mabilis namang tumango ang lalake saka tumakbo paalis sa harap nila.

Huminga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status