Share

CHAPTER 58

Napad*ing sa sakit si Hexy at nakaramdam ng pagkahilo. Agad niyang hinawakan ang kaniyang ulo at naramdamang dumudugo iyon.

Dahan-dahan siyang lumingon sa kaniyang tabi at nakitang walang malay ang lalakeng nakahawak sa kaniya kanina, pati na rin ang driver na parehas niyang ginamitan ng stun gun. Parehas silang may mga sugat sa iba't ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

Naalala niya ang cellphone ng lalake sa harapan dahil tumatawag ang boss nila kanina. Ngunit nakita niyang sira na ito habang nakalagay sa harap ng driver. Kaya lakas-loob niyang kinuha sa katabi niyang lalake ang cellphone nito sa kaniyang bulsa.

Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang kinukuha ang cellphone ng lalake. Nakatungo ang ulo nito sa pintuan ng sasakyan habang duguan at walang malay.

Inilagay niya 'yon sa kaniyang bulsa at napahawak na naman sa kaniyang ulo. Nanlalabo na rin ang kaniyang mga mata.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarinig siya ng wangwang ng mga sasakyan ng ambulansya.

Nang mabuksan ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status