Nanlaki ang mga mata nina Joaquin at Harold sa kanilang nakita. Napaatras naman si Hexy nang maihulog niya iyon. Napatakip siya sa kaniyang bibig at gulat na gulat habang nanginginig.Agad na hinawakan ni Harold ang kaniyang ate upang ilayo sa kahon.Napalunok naman si Joaquin at lakas-loob na lumapit."Mag-ingat ka, kuya," wika ni Harold.Tumango naman si Joaquin. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga manika sa loob. Nakita nilang may nakasulat doon kaya kinuha iyon ni Joaquin kahit nabahiran na ng dugo ang kaniyang kamay."A-Ano'ng nakasulat?" Kabadong tanong ni Hexy habang hawak pa rin siya ni Harold."Your relationship is broken, so it's time to destroy you too...in a painful way," basa ni Joaquin saka napatingin kay Hexy.Napalunok si Hexy at mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso."Wait. Paano nila nalamang hindi kayo okay ni Maverick? Bukod sa amin nina Shantal, wala nang nakakaalam. At pakiramdam ko naman ay hindi na tulad ng dati sina Rio," komento ni Joaquin habang nak
Hindi nakapagsalita si Hexy at nakatingin lang siya kay Maverick habang nakaawang ang bibig at unti-unting pumapatak ang kaniyang mga luha.Ilang segundo silang natahimik na dalawa at tanging mga ingay lang sa paligid ang naririnig nila."B-Bakit?" Nanginginig na tanong ni Hexy habang nanlalabo na ang mga mata."I'm sorry, Hexy. We're not the same anymore. Gusto kong ibigay sa'yo ang lahat, kaso hindi, eh," sambit ni Maverick at biglang namuo ang luha sa kaniyang mga mata."Time mo lang naman ang gusto ko. Sige, kahit gabi lang tayo mag-usap, okay lang sa'kin," umiiyak na sabi ni Hexy.Umiling naman si Maverick."No, Hexy. You deserve the best. Ayokong ganito tayo.""Seryoso ka ba, Mavs? Kung kailan ang dami na nating pinagdaanan, ngayon ka pa bibitaw? Ngayon pa tayo matatapos?" Wika ni Hexy habang nanginginig ang mga kamay."Gusto kong unahin muna ang lahat ng mga ginagawa ko ngayon, para maibigay ko ang lahat sa'yo. I love you, Hexy. But if loving me is giving you hard time, I'll le
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Joaquin habang inaalalayan si Hexy papasok sa loob. Nagtamo lang ito ng gasgas sa kaniyang braso at nananakit ang kaniyang kanang hita dahil tumama iyon sa sementadong kalsada.Napapad*ing naman si Hexy habang naglalakad."Mabuti na lang at sinabihan ako ni Maverick na puntahan ka. Tapos nakita na lang kitang tumatakbo," dagdag pa ni Joaquin."P-Pasensya na sa abala. Nakita ko na naman kasi 'yong lalake. Hindi ako nakapagpigil kaya hinabol ko. Nawala sa paningin ko bigla, eh," sagot naman ni Hexy saka naupo sa harap ng locker.Agad namang kumuha ng bulak si Joaquin at ginamot ang mga gasgas niya."Huwag ka kasing padalus-dalos, Hexy. Maybe worse will happen to you next time," wika ni Joaquin.Huminga naman nang malalim si Hexy."Tapos na ba silang kumain?" Tanong niya."Yeah. Pero hindi pa sila umalis. Nandoon pa rin si Donna. Nagiging boses-pusa sa harap ni Maverick. Wait. I'll tell him what happened to you," saad ni Joaquin saka tumayo.Agad naman
Habang nanginginig ang mga kamay ni Hexy ay itinigil muna niya ang panunuod ng video saka napahaplos sa kaniyang mukha at pilit na inaalala ang tagpong iyon, ngunit nabigo siya.Napakagat-labi siya saka ini-resume ulit ang video.Nakita niyang umayos siya ng upo sa video ngunit nakasandal ang ulo niya sa sofa."Do you know why I hate you?" Wika ni Vanessa.Napalunok naman si Hexy nang marinig ang sinabi ni Vanessa sa video.Umiling-iling naman si Hexy mula roon habang lumalabi."Haven't you noticed that I used to like Maverick? Kaya nga lumapit ako sa inyo noong kayo lang ang magkasama. I thought you only thought of him as a friend, but you're also an obstacle to my path," sambit ni Vanessa at bigla itong sumeryoso.Natawa naman si Hexy sa background nito."You know what, instead na maging balakid ka sa'kin, at baka may magawa pa akong masama sa'yo kapag hindi ko nagustuhan ang mga galaw mo, irereto na lang kita sa kapatid kong lalake," suhestiyon ni Vanessa.Kitang-kita naman ni Hexy
Nagpupumiglas naman ang lalake at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa kaniya ni Joaquin."I said, who are you? Huwag mong hintaying pulis ang makipag-usap sa'yo," pagbabanta ni Joaquin."P-Photographer lang po ako, Sir. Kahit i-check niyo po ang camera ko," naiiyak na sambit ng lalake.Agad namang hinatak ni Hexy si Joaquin upang bitawan nito ang lalake.Pinakawalan naman siya ni Joaquin ngunit nanatili pa rin itong nakahiga habang umuubo.Nang makabangon ito ay pinulot niya ang kaniyang camera na basag na ang lens."Photographer lang po ako. Pasensya na po," sambit nito saka ipinakita ang mga laman pictures ng kaniyang camera.Umayos naman sa pagkakatayo si Joaquin nang makitang maayos ang mga litrato sa camera nito."You should not casually take photos of other people without their permission. And what are you gonna do with our photos? Delete it. Don't show up here again," kunot-noong saad ni Joaquin.Mabilis namang tumango ang lalake saka tumakbo paalis sa harap nila.Huminga
Napad*ing sa sakit si Hexy at nakaramdam ng pagkahilo. Agad niyang hinawakan ang kaniyang ulo at naramdamang dumudugo iyon.Dahan-dahan siyang lumingon sa kaniyang tabi at nakitang walang malay ang lalakeng nakahawak sa kaniya kanina, pati na rin ang driver na parehas niyang ginamitan ng stun gun. Parehas silang may mga sugat sa iba't ibang bahagi ng kanilang mga katawan.Naalala niya ang cellphone ng lalake sa harapan dahil tumatawag ang boss nila kanina. Ngunit nakita niyang sira na ito habang nakalagay sa harap ng driver. Kaya lakas-loob niyang kinuha sa katabi niyang lalake ang cellphone nito sa kaniyang bulsa.Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang kinukuha ang cellphone ng lalake. Nakatungo ang ulo nito sa pintuan ng sasakyan habang duguan at walang malay.Inilagay niya 'yon sa kaniyang bulsa at napahawak na naman sa kaniyang ulo. Nanlalabo na rin ang kaniyang mga mata.Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarinig siya ng wangwang ng mga sasakyan ng ambulansya.Nang mabuksan ni
"What's the meaning of this?" Pag-uulit ni Brix habang nakakunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin kina Hexy at Maverick."Alam naming pinapasundan mo kami. Kaya nakipaglaro kami sa'yo," sagot ni Hexy at mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Maverick ngunit nanginginig ito."We just need strong evidence to be sure that you are the mastermind behind all this. At tama nga kami. Nagpanggap kaming wala na kami, para makarating sa'yo ang balita," sabi naman ni Maverick.Halata namang nagulat si Brix at dahan-dahang umiling."Pina-kidnap mo ako, dahil akala mo ay papabayaan ako ni Maverick, 'di ba?" Tanong ni Hexy."I-I don't know what you're talking about," sagot naman ni Brix. Umiling-iling naman si Hex."Ngayon ka pa mag-dedeny? Umamin na ang mga lalakeng binayaran mo."Lumapit naman doon ang mga pulis at hawak nila ang dalawang lalakeng kumidnap kay Hexy. Parehas silang may gasa sa iba't ibang bahagi ng katawan nila. Ang driver ay mayroong cast ang kanang kamay. Parehas sila
"N-No. Hindi ako papayag."Nangilid ang luha sa mga mata ni Hexy sa sinabi ni Maverick. Umiling pa si Maverick nang hindi siya pumayag."Pero, Mavs—""Akala ko ba naiintindihan mo ang sitwasyon natin, Hexy? I thought you wouldn't leave me?" Naiiyak na sambit ni Maverick."P-Pansamantala lang naman 'to, Mavs. Kailangan natin ng oras para sa mga sarili natin. Ayokong isakripisyo mo 'yong oras mo sa'kin, na dapat ay sa trabaho mo. Napapagod na rin kasi ako kakahintay," gumagaralgal ang boses na saad ni Hexy. Napaiwas naman ng tingin si Maverick at mabilis na pinunasan ang kaniyang mga luha saka ibinalik ang paningin kay Hexy.Nanikip naman ang dibdib ni Hexy nang makitang naluluha pa rin ito."Is that how you really feel? Na napapagod ka na sa'kin?" Tanong ni Maverick at pilit na pinapakalma ang sarili."H-Hindi. Hindi ako napapagod sa'yo. Napapagod lang ako sa sitwasyon natin. Marami na akong hindi nasasabi sa'yo. Ayokong madagdagan ang iniisip mo dahil lang sa nararamdaman ko."Tumang