Share

HIDING THE BILLIONAIRE'S HEIRS
HIDING THE BILLIONAIRE'S HEIRS
Author: Kaneinx_young

CHAPTER 1

"BELLA LUMABAS KA DYAN! ALAM KONG NASA LOOB KA KAYA LABAS NA.ABA'T TATLONG BUWAN KA NG HINDI NAGBABAYAD SA RENTA MO!"umagang umaga sigaw agad ni Aling Nenita ang naririnig ko.

Napalitan akong bumangon dahil kahit anong gawin kong pagtatago dito hindi yan titigil kakasigaw,nakakahiya sa mga kapitbahay. Bumuntong hininga muna ako bago ko dahang dahan binuksan ang pinto.

"Sinasabi ko na nga ba't nandyan ka lang sa loob,hala sige na iha at magbayad kana"iritadong sambit nya.

" Aling Nenita naman alam mo namang nahihirapan na ako tsaka magbabayad naman ako e,wait wait lang po muna ha at ako'y naghahanap ng trabaho and Aling Nenita pang sampong singil nyo na yata yan ngayong araw eh.kalmahan mo lang beh"kinakabahan kong aniya dahil alam kong magagalit na naman ito.

"ABA'T ITONG BATANG ITO NAKU,PANG SAMPONG ULIT MO NA DIN YANG RASON MO"napaatras ako.ikaw ba naman sigawan mismo sa harapan mo. Tumalsik pa yata yung laway nya.

"tsaka hahanap ka ng trabaho,eh ang pag kakalaam ko mag iisang buwan ka ng nahahanap hanggang ngayon wala parin" pailing iling nyang sabi,yumuko naman ako at nag paawa.

"Aling Nenita,sorry po.promise next month magbabayad na ako promise na promise po talaga,i hope you die" nakataas kamay kong aniya habang nangiti.kumunot ang noo nito na parang may narinig na mali.

"Naku ikaw bata ka,pasalamat ka at naaawa ako saiyo.teka nga hindi mo paba naaapplyan yung kompanyang malapit dito? iyung bang hmm..."tila iniisip nya ang pangalan ng kompanya.

" LH COMPANY oo tama iyang kompayang yan naghahanap sila ng secretary, nabasa ko kanina sa dyaryo.malaki ang pasahod nila dyan,bilyonaryo ang may ari nyan kaya gora na ineng"pagkwekwento nya.napaisip naman ako.kung tama ngang malaki ang sahod edi makakaipon ako agad at makakapagbayad.

Napatango tango naman ako

"naku salamat po Aling Nenita.bukas na bukas po susubukan kong mag apply, kung gusto nyo po ngayon na e. Sure akong matatanggap ako dyan agad. Sino ba namang tatanggi sa kagandahan ko hay"kinaway kaway ko pa ang kamay ko na parang beauty queen.

" Ikaw talagang bata ka, palabiro ka masyado kaya ka nakakatuwa eh,sige at mauuna na ako. Yung bayad ha huwag kalimutan"nagsalubong ang kilay ko. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman ah

Kinabukasan nakahanda na lahat ng gagamitin ko at mga kakailanganin para sa pag aapply nakailang dasal na din ako na sana matanggap ako.

Sinarado ko na ang apartment ko.pagkababa ko nakasalubong ko si Aling Nenita. umagang umaga chismisan agad ha.

"Goodmorning ganda" bati ng mga tao rito.ganito talaga dito kalat na kalat ang kagandahan ko,si Aling Nenita lang naman yata yung kontrabida sa pagiging maganda ko.

"Good morning din po sa inyo" nakangiti kong bati pabalik sakanila.

"Ayos na ayos ka ha,san punta?"

"Mag aapply po!" masigla kong ani

"Good luck sayo Bella sana matanggap ka"

"Thankyou po, huwag kayong mag alala kapag natanggap ako at nakasahod agad,ililibre ko kayong lahat" napapalakpak naman sila sa saya.

hihi hindi pala sure papayamanan muna ako ehe.

Nilakad ko nalang dahil wala naman akong perang pamasahe poor ako ngayon,tsaka malapit lang naman.

Natanaw ko na ang kompanya,ang laki. Nasa gitnang taas ang pangalan nito.

"LSHUDSON C "pagbasa ko, akala ko ba LH pangalan ng kompanyang yan. Sabagay nakulangan lang naman si Aling Nenita

Pagpasok ko napanganga ako sa ganda.ang lawak sa loob kulay gold na may halong black and white ang design.

"Hi Ms saan dito ang pag interview-han? Mag aapply kase ako" tanong ko sa isang empleyado dito

"Deretso nyo lang po yang daanan dyan tapos po kaliwa then pasok po kayo sa elevator.18th floor, yes po, opo ang aming boss mismo ang mag iinterview kaya galingan nyo po,fighting!" agad akong nagpasalamat at sinunod ang direksyon nyang sinabi,gusto ko pa sanang ipaulit dahil hindi ko gets pero nakakahiya naman kaya wag na.Napatingin ako dahil dalawang elevator dito san ako papasok? Pinili kong pumasok sa mas magandang elevator, sosyal.

Pagpasok ko sa elevator pinindot ko ang 18th floor,magsasara na sana nang may humarang na kamay kaya hindi ito tuluyang nagsara, mabilis namang pumasok ang isang lalaki dito. Parehas kaming nagulat.aba't may gwapo din pala sa pilipinas. Pag sinabi kong gwapo, literal na gwapo talaga.

Tinignan ko sya magmula sa mukha,medjo mahaba ang buhok nito at maganda ang pag kaka ayos.Napamangha ako lalo dahil sa kulay ng mata nya,kulay blue.Mahaba ang mga pilikmata nya,mapupulang labi,matangos na ilong at maputi.

Nakasuot sya ng tuxedo na kulay black. Bumaba ang tingin ko Nakasuot din sya ng black pants,tumigil ang tingin ko sa gitna nya, wow whatisthat?

Pinagpapawisan na ako,napaiwas ako ng tingin pero traydor ang mata ko ayaw umiwas.Agaw pansin ang umbok sa gitna nya.mygadd bela kalmahan mo.

"What are you looking at?pinagnanasahan mo ba ako?babae"owemjiii pati boses ang gwapo. sobrang lalim ng boses nya.

ano daw?

pinagnanasaan? As if naman,ay nahalata nya ba?palihim akong tumawa. Tumikhim muna ako bago sya hinarap.

" A-ano ba yang sinasabi mo,ikaw pagnanasaan ko? "syempre oo. Shh secret lang

" HOY LALAKE ANG KAPAL NAMAN NG FACE MO PARA PAG BINTANGAN AKO!"abot na yata sa ibang floor ang boses ko. Napakurap kurap sya na tila hindi inaasahang sisigawan ko sya.

" MR KUNG SINO KA MAN HUWAG NA HUWAG MO AKONG PAG BINTANGAN MALIWANAG? "taas kilay kong sigaw sakanya habang nakapamewywang

"Crazy girl, tss" bulong nya. Sakto namang bumukas yung elevator.Nag tungo ako sa office ng may ari nitong kompanya.nararamdaman ko syang sumusunod sakin.

"MR MAPAGBINTANG, are you following me?" tutal Englishero sya edi English na din ako.

" Really? following you? What the hell, Ms crazy girl" napaawang ang bibig ko sa tawag nya sakin. Ako baliw?hindi no, slight lang hehe.

"Hoy ikaw lalake hindi ako baliw, tsaka malay ko ba eh sunod ka ng sunod sakin" taas noo kong laban

Hindi nya ako pinansin at derederetsong pumasok sa loob ng office. Teka office iyon ng boss dito ah?

Pinagsawalang bahala ko iyon.Huminga ako ng malalim bago pumasok.Kung namangha ako kanina sa loob ng kompanya mas lalo na dito sa loob ng office. Ang ganda sobra , halos hindi ko na nga maipaliwanag sa sobrang ganda.

Napatingin ako sa gitna.May nakaupong lalaki na nakatalikod doon,sya na siguro ang boss dito.

"Good morning sir,I'm Arabella Peyton. Nandito po ako para mag apply" pagpapakilala ko kahit diko alam kung nakikinig ito.

"Hey nic— you?!"

" Ikaw?! "

Magkasabay naming sambit.

" Teka teka bakit ka nandyan,don't tell me ikaw ang boss dito? "kinakabahan kong sambit. Lagot ako nito kung sya nga iyon.ngumisi sya ng nakakakilabot,halos mag tayuan ang balahibo ko

" Yes, Ms CRAZY GIRL "diniinan nya pa ang pag tawag sakin ng baliw.dahan dahan akong tumawa, awkward laugh

" hahahahaha"

Agad akong lumapit at pinagsiklop ang dalawa kong kamay. Tumingin ako sa kanya gamit ang nagmamakaawang mukha.

"SORRY SORRY HUHU hindi ko alam please tanggapin mo ako" nagmamakaawa kong sambit, pumikit pikit pa ako para mag pa cute.

"Stop it Ms Peyton,you're not cute.nag mumukha kang aso sa pinag gagawa mo"napasimangot ako sa sinabi nya.wow aso pala ha.kanina pa ako inaapi nito pasalamat sya at sya yung boss dito kung hindi kanina ko pa sya sinapak

" Sorry na po huhu"

"Okay" Napatingin agad ako sakanya

"Anong okay?" tumaas ang kilay nya at sinenyasan akong umupo. Kaya naman dali dali akong umupo

"Let's start hmm...but before that, siguro kung hindi ako ang Boss dito, hindi mo ako gagalingin no?" he said.

"po?"

"Sinigawan mo ako kanina right? ganyan ba ang trato mo sa lahat?" he asked. Umiling iling ako bago nagsalita.

"Hindi po ah, ikaw kase..." napayuko ako nang tignan nya ako ng masama dahil sinisi ko sya.

"Sorry na nga eh,pinag bintangan mo naman kase ako. Sorry ulit hehe" sambit ko

"Apologize accepted, but always remember that one of our rules here in this company is that you need to respect everyone,Okay? " ani nya. Tumango ako bilang pag sang-ayon.

"Okay, now ilang taon kana?"

"23 years old po" magalang na sagot ko,abat kailangan nating gumalang para matanggap no

"Do you have a boyfriend? Husband?" bakit pati yan kailangan nyang tanungin

"Wala po,nbsb. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH" sagot ko sakanya, 24 na ako pero wala pa akong nagiging bf.

"Good,are you ahm... are you virgin?" nanggagago ba 'to? konti nalang mapipikon na ako. tinanong ba yan? Jowa nga wala ako eh.

"Sir pati ba naman iyan kailangan itanong?"

"Just answer my question Ms Peyton" tumango ako

"Yes sir" sagot ko

"Okay, you're hired"what? Napatayo ako, seryoso may trabaho na ako? ganun lang pala ang sasagutin ang bilis naman.

" Talaga po? Naku maraming salamat po sir,don't worry hinding hindi po kayo magsisi na tinanggap nyo ako"masaya kong sabi

"You can start your job tomorrow. Please come early, kung nalate ka babawasan ko ang sweldo mo. Also gusto kong sabihin sayo na ang pinapasweldo ko dito ay 50k sa isang buwan, kaya kung makikita kong maayos at magaling ka sa pag tratrabaho baka pwede ko pang dagdagan "tumatango tango ako habang nagsasalita sya. Tama nga si Aling Nenita, mayaman sya. Grabe mabilis akong makakaipon dito dahil ganyan kalaki ang pinapasweldo nya.

Nagpasalamat at nagpaalam na ako sakanya,bago umalis sa kanyang opisina.

Nakangiti akong nakatingin sa labas ng kompanya.yes! hindi na aapihin ni Aling Nenita ang kagandahan ko,hindi na rin sya sisigaw sa umaga.Makakatulog ako ng mahimbing nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status