Share

CHAPTER 5

"Ara say yes please?araw araw na akong kinukulit ni mommy, pumayag kana kaseng pumunta sa bahay" kanina pa ako kinukulit nitong boss ko na pumunta sa bahay nila.

mag iisang linggo na simula nung makilala ko ang mga magulang nya halos isang linggo nya narin akong kinukulit na pumunta sa bahay nila.

"Boss naman bakit kase ayaw mong aminin sakanila na hindi naman talaga tayo mag asawa?"gusto ko nang sabihin na wala kaming relasyon na Boss ko lang sya at secretary nya ako pero itong Boss kong ito ayaw pumayag

" Eh sa ayaw ko e"nakanguso nyang sagot. heh pa cute ka pa dyan

"Boss naman!" naiiyak kong hinila hila ang manggas ng suot nya.

"Shut up Ara,ayaw mo non may asawa kang bilyonaryo" ani sabay kindat nito

"Na babaero? tse bahala ka dyan" tatayo na sana ako pero ang loko bigla nya akong hinila paupo, hindi sa upuan kundi sa kandungan nya! Paharap pa man din akong nakaupo, agad akong napahawak sa leeg nya sa gulat

"Boss—

Biglang bumukas ang pintuan, sabay kaming na patingin don. Omg! Mga magulang ni Boss

" Hi—oh sorry sorry son nakaistorbo ba kami? "huli na nang marealize ko na nakaupo ako sa kandungan ni boss

" Babalik nalang ako sa susunod hihi,dapat pag labas nyo rito may apo na ako ha?"nakangisi lang ang daddy nya

Parehas kaming tulala ni boss dahil sa sinabi ng magulang nya. Tumikhim sya

" Wife,anak daw? "naloloka niyang sabi

Humanda ka saken!

Humahangos akong tumakbo sa labas ng opisina

" FVKING SHITTT!! ARABELLA PEYTON! DAMN YOU! "huhu sana hindi nya ako maabutan tiyak malalagot ako nito.Halos marinig na yata sa labas ng building ang sigaw nya.

Kung hindi nyo tinatanong pagkatayo ko kanina sa kandungan niya,agad kong sinipa ang pagkalalake niya. huhu sorry sa magiging anak nya

Napalibot ang tingin ko sa paligid. Hindi ko alam kung saang parte ako ng kompanya.walang masyadong tao dito, may ganitong lugar pala rito. Naglakad lakad pa ako nagbabakasakaling may ma pwepwestuhan

"Yes hello ma?" nagtago ako sa likod ng halaman dahil may narinig akong nagsalita. Base sa likod nya parang nakita ko na sya hmm si Clinton kaya?

"Hmm.. Opo.. Yes ma.. Of course babantayan ko sya.. Nakita ko sya last week...yes she's so pretty.. Na may pagkatanga.. Hahah kidding.. Okaay ma.. Sige baba mo na po.. Opo mag iingat din po kayo dyan mama...alright iloveyoutoo Ma."Aha sabi na nga ba eh. Sya si Clinton iyong guard,i mean napagkamalan kong guard noon.

Akala ko masungit sya. Mabait din naman pala eh.

Mama's boy hihi.

Binulsa nya ang cellphone nya at umupo sa damuhan.ngayon ko lang nalaman na isa palang hardin ang kinatatayuan ko. Ang daming bulaklak, iba't ibang klaseng bulaklak

Dahan dahan akong naglakad patungo sa likod nya,para hindi nya mahalata

" I know you're here Ms Peyton " napahinto ako sa paglalakad dahil nagsalita sya. sabi ko nga nahalata nya.anlakas naman ng pakiramdam niya

"Ah hehe hello?" nahihiya kong sambit at umupo sa tabi nya.narinig kong tumawa sya pero mahina lang. May dimple pala sya. Ngayon ko lang nakita kase ngayon lang naman sya ngumiti

"What are you doing here Ms Peyton?" ang galang naman di ako sanay.

"Bella nalang, Clinton" Sambit ko

"Okay Bella nalang" napanguso ako

"Fine,Bella. Now answer my question" natatawang aniya

"Natatakot kase akong magpakita kay boss eh"

Tumango sya pinag patuloy ko naman ang pag kwekwento

"Eh kase nasipa ko yung ano nya.. alam mo na... hehe" kinamot ko ang likod ng leeg ko dahil sa hiya.nag tataka nya akong tinignan

"yung hatdog nya sa gitna hehe" napangiwi sya sa sinabi ko

"What the hell? I'm sure he's really really really really mad right now" hindi ko alam kung paniniwalaan ko sya o hindi.

Parehas kaming na tigilan dahil may narinig kaming kaluskos sa likod ng halaman. Agad akong hinila ni Clinton at tumakbo

Hawak Hawak nya ang kamay ko habang tumatakbo, hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sigurado akong pabalik sa opisina

Pagkalabas namin sa pinto, hinihingal kaming dalawa, eh halos limang minuto yata kaming tumakbo paalis

Natatawa kaming pareho dahil halos mag habulan kami ng hininga

"So you're with him huh?" napagitla ako sa gulat nang biglang may nagsalita. Paksshet si boss.

Nakita kong na patingin sya sa kamay namin ni Clinton na mag kahawak. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang nag tiim bagang sya at ansama maningin. Kung nakamamatay lang siguro ang tingin kanina pa kami nakabulagta rito

Bigla akong hinila ni Boss palayo kay Clint. Hindi nya binitawan ang kamay ko. Ano ba,hindi naman siguro ako tali no?

"Back off" nag titimping ani ni boss

"what if i don't?" hamon ni Clint

"don't test me Clinton Aenvil Haverhill" may diin na pagkakasambit nito. Lagot huhu galit na sya kapag complete name na ang sinasabi. Ganyan sya kapag nagagalit eh

Napilitan akong binitawan ni Clint. Agad akong nilagay ni boss sa likod nya

"Leave" mahinang sambit ni boss

"I SAID FVCKING LEAVE!!" bulyaw ni boss

Hanggang sa nawala na sa paningin namin si Clinton. Hinila ako ni Boss.medjo sumasakit na ang braso ko dahil sa mahigpit na pag kapit nya sa akin. Gusto kong bawiin ang braso ko pero baka mas lalo lang syang magalit

Pag karating namin sa opisina nya, agad nyang binitawan ang braso ko.napatingin ako sa kaliwang braso ko. Namumula ito.

Pumasok si boss sa banyo.

Mag kakalahating oras nang pumasok si boss sa banyo tagal naman. Sumandal ako sa upuan at pumikit.nakaramdam ako ng antok.hanggang sa tuluyan ng dumilim ang paningin ko

Kinusot kusot ko ang mata ko pagka gising ko,tumingin ako sa wall clock na nakasabit. Halos lumuwa ang mata ko whattt 9:32pm na? Ganyan kahaba ang tulog ko?

Tumingin ako sa paligid ko hindi pamilyar ang kwartong ito sa akin.Tumingin ako sa gilid ng kama may picture doon. Lumapit ako at tinignan. Kinuha ko ang picture frame

Si Boss at isang babae.halatalang bata palang si sir dito. Sino yung babae?

"What are you doing?!" gulat akong napatingin kay boss, bigla ba namang sisigaw.

Inagaw nya sa akin ang hawak kong picture frame.

"Sinabi ko bang pakielaman mo ang gamit ko?" napayuko ako sa pagpakapahiya

"I'm sorry" nakayuko kong sambit

Narinig ko ang yapak nyang paalis

Pinunasan ko agad ang luhang dumaloy sa pisngi ko.hindi ako sanay na ganito sya sa akin. Kinuha ko ang gamit ko sa kwarto nya at lumabas.

Nasa opisina pala nya ako,ibig sabihin may kwarto sya dito. Hindi ko alam kung nasan sya.

Wala naman akong balak magpakita sakanya pagkatapos ng nangyare kanina

Naglakad ako palabas ng building. Wala ng masyadong tao wala na din sigurong sasakyan dito.malapit lang naman kaya lalakarin ko nalang

Malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin pag kalabas ko.medjo madilim na ang daanan ko pauwi.May takot man akong nararamdam ay pinagpatuloy ko parin ang paglalakad

"AHH!" napasigaw ako sa gulat nang may biglang humawak sa braso ko. Inakyat ng kaba ang puso ko nang hindi ko kilala ang nasa harapan ko.

Mukha syang adik sa kanto. Madami syang tattoo sa katawan at halatang lasing

"Ang ganda mo miss" kinalibutan ako nang pasadahan nya ng tingin akong buong katawan ko. Naiiyak na ako sa takot. Hinawakan nya ako sa braso. Napaigik ako sa sakit dahil masakit parin hanggang ngayon.

"Pakiusap po.. bitawan nyo ako.. please po" nakikiusap ako. ngunit parang wala syang awa dala na rin siguro ng kalasingan nya

"Mas maganda sana kung iba ang pag ipag mamakaawa mo" nakangisi nyang sambit

hindi ako tanga para hindi malaman ang tinutukoy nya

"Maawa ka sakin" tuluyan ng umalpas ang luha ko nang simulan nyang ilapit ang sarili nya sa akin

Mawawalan na sana ako ng pag asa nang

May biglang humila sakanya,sa sobrang takot ko ay napaupo ako. Niyakap ko ang sarili ko hindi ko alam ang nagyayare sa paligid ko. Nakita ko nalang na pinapaulanan na ng suntok ang lalaking muntik ng gumalaw sakin

Nagpapasalamat ako sa diyos at sakanya

"Stop it dude ako nang bahala dito,kunin mo na sya" rinig kong sabi nung kasama ng tumulong sa akin

"Hey are you okay?, shit namumutla ka" sobrang labo na ng nakikita ko dahil sa mga luhang walang sawang umaagos sa mata ko

Hindi ko napigilan ang sarili ko na yumakap sa taong tumulong sa akin.kung wala sya sigurado akong nagalaw na ako ngayon

"S-salamat... Tha-thankyou so much.." humihikbi kong pasasalamat habang nakayakap sakanya. Niyakap nya ako pabalik at pilit na pinapakalma

Hinahagod nya ang likod ko upang pakalmahin ako,pero kahit anong gawin nya nanginginig parin ang buong katawan ko.

Unti unti ng nilalamon ng dilim ang aking paningin. Sa huling sandali naramdaman kong may pilit na umaagaw sa akin palayo sa kayakap ko. Ang taong dahilan kung bakit ako nandito ang taong inaasahan kong tutulong sa akin pero wala. Hinawakan ko ng mahigpit ang damit nya,para hindi ako malayo sakanya. Bago ako mawalan ng malay ay muli akong nagpasalamat sa tumulong sa akin

"m-maraming salamat.... Chase.." tuluyan na akong bumitaw sa pag kakayakap sakanya at tuluyan narin akong nilamon ng dilim.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status