Share

CHAPTER 2

Unang araw palang ng trabaho ko,sandamakmak na agad ang pinapagawa ng boss ko.kung hindi nyo naitatanong SOBRANG TAMAD nya.halos lahat ng gawain nya pinapagawa o pinapasa sa'kin.

Tulad nalang ng pagpipirma sa mga papeles,aba't sinabi nyang gayahin ko daw ang pirma nya.

Inuuna nya ba naman kase ang pambabae naku kung hindi ako makapagpigil masasapak ko na talaga sya.

Napatingin ako sa orasan,halos lumaki ang mga mata ko dahil malapit na palang mag uwian. Ganito na ba katagal ang pagtratrabaho ko dito?

ni hindi pa ako kumain ng pananghalian dahil sa magaling kong boss.huwag lang syang magpapakita saakin.

Inunat unat ko ang aking kamay at tumayo.inayos ko muna ang mga papeles at mga gamit ko sa table.sa wakas makakapagpahinga na rin ako.

Nagulantang ako dahil sa pag biglaang bukas ng pintuan. wow nandito na ang magaling kong boss.hindi nya yata ako napansin, akala nya siguro nakauwi na ako.nagmamadali itong pumasok kasunod ang isang babae.

Pagkapasok palang nilang dalawa,agad na sinunggaban ng boss ko ang babae.omygadd my virgin eyes.ang kapal talaga nitong boss ko,wala na ngang inambag sa trabaho ko nakuha nya pang makipag landian mismo sa harapan ko.

Halos malagutan na sila ng hininga,walang tigil silang naghahalikan.multo ba ako?hindi man lang nila alam o naramdaman na hindi lang sila ang tao sa loob ng opisina.

"L-lucass" shett my virgin ear.agad akong napatakip sa tenga ko nang marinig ko ang ungol ng babae nya.ano?panonoorin ko nalang ba sila.

Well may idea na ako.nakangiti akong tumatango

Naalala ko sabi ni aling nenita magaling daw akong umarte,masubukan nga.inayos ko ang aking sarili.

Kinuha ko ang baunan ko sa loob ng bag ko,ni hindi pa nababawasan ang laman.sinadya ko itong hinulog,tiyak kong narinig nila dahil tumigil sila.gulat silang napatingin sa'kin

"MGA WALANG HIYA KAYO!ETO BA HA LUCAS?! ETO BA ANG PINALIT MO SA AKIN? MATAPOS MONG KUHANIN ANG BATAAN KO,LOLOKOHIN MO AKO? HIINDI MO LANG BA AKO INISIP? HA ANO SUMAGOT KA!! MINAHAL KITA NG TOTOO TAPOS ITO ANG IGAGANTI MO SA AKIN?! WOW ANG GALING HUWAG NA HUWAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN I HATE YOU SO MUCH ASSHOLE!!"umiiyak kong sigaw bago nag walk out.syempre kailangan yan para mapaniwala ko sakanila.

Pagkalabas ko ng opisina.tumawa ako ng malakas halos mapaupo ako sa sobrang tawa ko.hays hindi ko akalain na ganun ako kagaling umarte. Hindi lang ako maganda,magaling din ako sa pag arte.pwede na siguro akong mag artista.

Pinagtitinginan ako ng mga empleyado dito.

Akala nila siguro isa na akong baliw,dahil lumuluha akong tumatawa.

Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ng boss ko.umiiyak na lumabas ang babae.sunod kong tinignan ang loob.halos gusto ko ng mag pakain sa lupa,sobrang sama ng tingin sakin ni sir Lucas!

Aalis na sana ako pero nahuli na dahil nahila ako ni sir Lucas, agad nyang sinarado ang pintuan at nilagay ang dalawang kamay sa gilid ko.

"What was that?" napapaos niyang tanong.nakatikom ang bibig ko,hindi ko alam ang isasagot.

"Answer me Ms Peyton"mas lalo siyang lumapit sa'kin

"Boss huhu sorry,joke joke ko lang naman iyon e sorry na po"pagpapaawa ko sakanya

"You just ruin my mood" halatang galit sya dahil may diin ang bawat binibigkas nyang salita. Nagmamakaawa naman akonv tumingin sakanya.

"Sorry na po Boss huhu" naiiyak kong sambit at dinagdagan pa ng singhot kaya naman nagmukukha akong naiiyak

" tss,go back to your work"huli nyang sinabi bago unalis sa harapan ko at nagtungo sa kanyang opisina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status