🫶♥️
[Zandro] Matapos tingnan ang resulta ng pinagawa niyang imbestigasyon ay napatiimbagang si Zandro. Halos madurog ang malukot ang hawak niyang envelope na naglalaman ng mga impormasyon na kailangan niya. Kinuha niya ang cellphone at agad na tinawagan si Spo3 Sulinap. “Sir, tama ka nga sa mga sinabi mo.” Bungad nito sa kanya. “Balak mo bang dalhin si Miss Samantha sa lugar na ligtas siya?” Humithit muna si Zandro ng sigarilyo bago sumagot. “Mas ligtas siya kung malapit siya sa akin. And besides, mas mapapadali ang trabaho natin dahil sa kanya.” “I-Ibig mo bang sabihin ay g-gagawin niyong pain si Miss Samantha?” Alanganing tanong nito. Bumuga nang usok ng sigarilyo ang binata bago nagpakawala ng buntonghininga. “Yes.” Sagot niya na alam niyang ikinawindang ng kausap niya. “Sa misyon na ‘to ay kailangan ko ‘tong gawin para sa ikatatahimik ng buhay naming dalawa. Hindi ito para sa akin, kundi para sa kanya. Magpadala pa kayo ng mga tao rito as soon as possible. This war should end he
[Samantha] Kinabukasan ay nabigla siya dahil maraming tao ang dumating sa bahay nila. Karamihan ay kamag anak at malalapit na kaibigan ng pamilya nila. May kanya-kanyang dalang putahe ang mga ‘to at mayro’n din nagdala nang alak. “Samantha, marami man ang nanghuhusga ngayon sa’yo, wag mo kalimutan na marami pa rin kaming naniniwala sayo.” Wika ni Manang Nimpa. “Kahit bihira lang kayo magbakasyon dito noon ay naniniwala kami na mabuti kang bata. Mabuting tao ang mga magulang mo kaya kanino ka pa ba magmamana? “Tama si Manang Nimpa, Samantha.” Singit ni Jennilyn. “Kaya magpakatatag ka dahil may mga taong naniniwala sayo.” Sobrang umaapaw ang puso niya sa tuwa ng marinig ang mga payo at pagpapalakas ng loob ng mga ito sa kanya. Sa kabila ng panghuhugas at pag aakusa sa kanya ay mayro’n paring mga tao na naniniwala sa kanya. Umupo sa tabi niya si Jennilyn at bumulong. “Ano, kamusta na ang relasyon niyo ni Zandro?” Tonong tsismosang tanong nito. “Alam mo ang swerte mo sa kanya kasi mah
[Samantha] Gano’n nalang ang pagkabigla niya ng makita si Troy. Ramdam niya ang pag ahon ng galit sa dibdib niya. “Ano ang ginagawa mo rito?” Galit na tanong niya. Kung narito lang si Zandro ngayon ay tiyak siyang hindi ito makakapasok. “Mabuti pa at umalis na kayo. Hindi kailangan ng anak ko ang pagdalaw niyo.” Maging ang mama niya ay halata ang pagkadisgusto sa pagbisita ni Troy. Wala lang itong magawa dahil maraming kasama si Troy na kapwa nito pulis— Na kung titingnan ay mas mukhang goons. “Relax, Tita. Gusto ko lang naman bisitahin ang future wife ko. Hindi mo ako kailangang itaboy.” Kumuyom ang kamay niya. “Future wife? Ang kapal naman ng mukha mo para magdesisyon para sa akin.” Galit na tinuro niya ang pinto. “Mabuti pa ay umalis ka na at wag ka ng babalik.” Halos magtaas-baba ang dibdib niya dahil sa pagpipigil ng galit. Humarang ang mama niya ng lapitan siya ni Troy. “Di’yan ka lang—“ Dumilim ang mukha ni Troy kaya napaatras silang dalawa ng mama niya. “M-Ma, a-ako na
[Samantha] Mas lalong naging mahirap ang sitwasyon niya dahil kahit sa kanilang bahay ay dinudumog na siya ng mga reporters. Hindi na siya nakakatulog dahil lumaki ang issue tungkol sa bintang sa kanya at kahit saang balita ay laman siya. Sinabi na niya kay Zandro ang gustong mangyari ni Troy. Pero hindi niya ito nakitaan ng pagkagulat— Na para bang alam na nito ang tungkol sa bagay na ‘yon. “Ito ang JKT news channel nagbabalita. Pumanaw na ang batang babae na inabuso at sinaktan ng isang guro. Ayon sa mga doktor ay tuluyan ng bumigay ang katawan nito at ngayon nga ay pumanaw na—“ Nanginig ang katawan niya sa pagkabigla at nabitiwan ang basong hawak. “D-Diyos ko!” Tinakpan niya ang bibig at saka malakas na napahagulhol. Agad na lumapit sa kanya ang mama niya at dinaluhan siya. “M-Ma, si-si Shiela, w-wala na po siya!” Parang piniga ang puso niya sa sakit. Tanggap naman niya kung sakali na hindi ito magbigay ng statement para tulungan siya— Isa lang ang gusto niya, at iyon ay guma
[Samantha] “Ano ang ginagawa mo ditong impakta ka?” Gigil na tanong niya. Kung abot lang niya ito ay kanina pa niya hinila ang buhok ng babaeng ‘to. Mas lalo lang siyang nagngitngit sa galit ng matinis pa itong tumawa— Ibang-iba talaga ito sa Mila na kilala niya noon. “Gusto ko lang naman makita kung ano ang lagay mo dito sa loob.” Luminga pa ang babae sa paligid at saka marahan na tumango-tango. “Mukhang bagay ka naman pala dito.” “Gagà! Mas bagay ka ditong sinungaling ka!” Hindi siya palamurang tao— Pero kapag ang plastik na babaeng ito ang kaharap niya ay mapapamura yata siya ng sobra. “Ang kapal ng mukha mong dalawin ako dito. Eh ikaw ang dahilan kung nandito ako. Hindi ka lang makati, sinungaling ka pa!” Galit na lalapitan sana siya nito pero pinigilan ito ni Troy. “Maghinay-hinay ka sa pananalita mong babae ka—“ Pagak niya itong tinawanan. “Bakit? Ano ang kinagagalit mo sa dawalang sinabi ko? ‘Yong malandi ka, o makati ka?” “Púta ka—“ “Mas púta ka!” Galit niyang putol r
[Samantha] "Walanghiya ka!" Inis na inis niyang pinaghahampas si Zandro ng alisin nito ang piring niya sa mata. "Halos mamatay na siya sa takot dahil sa pag aakalang si Troy ang nag utos sa dalawang pulis na kunin siya sa loob. "Gusto mo bang mamatay ako sa takot." Nagsimula na siyang mapahikbi. "B-Bakit ngayon ka lang... k-kanina pa ako naghihintay sa'yo." Lumambot ang ekspresyon ni Zandro ng makitang umiiyak na siya. Agad siya nitong niyakap at kinulong sa bisig nito. "I'm sorry, darling. Kinailangan kong umisip ng plano para matapos na ang lahat ng ito." "Z-Zandro, ayaw kong makulong." Natigilan siya ng may maalala. "Sa tingin ko ay may kinalaman sila Mila at Troy sa nangyari kay Shiela. Kasabwat nila ang janitor... P-Please, pagbayarin mo sila sa ginawa nila." Pagmamakaawa niya sa nobyo. Naalala niya ang nakangiting mukha ni Shiela kaya lalo lang siyang naiyak. Dahil sa kanya ay nadamay ito. Dahil sa kanya ay nasira ang mga pangarap nito.. Pero ang higit na may kasalanan ay
[Samantha] Nagliwanag ang mukha niya sa narinig. Nagmamadali siyang tumayo. Halos mapaiyak pa siya sa sobrang saya. Makikita na niya ang mga taong mahal niya. “Sumama ka sa amin, Miss Samantha. Ihahatid ka na namin.” Natigilan siya. Biglang naging mabuti ang pakikipag-usap at pakikitungo sa kanya ng tauhan ni Troy. Binalewala nalang niya ‘yon at sumunod dito. Pagdating sa bahay nila ay agad siyang sinalubong ng yakap ng mama niya, maging ang tito at tita niya ay narito. Si Pablo ay tuwang-tuwa din. “Ang laki ng pinagbago ni Troy.” Natigilan siya sa sinabi ni Pablo. “Hindi naman siya dating ganyan.” Umiiling na wika ni Pablo, baka ang pagkadismaya sa mukha nito para sa kaibigan. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Hinahanap ng mata niya si Zandro. “Ma, si Zandro?” Nakaramdam siya ng kaba ng isa-isang nagsialis ang ilang kaanak nila sa bahay nila na para bang aya sagutin ang tanong niya. Mas lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya ng makita kung paano lumungkot ang mukha ng mam
[Samantha] Hindi siya sumuko. Hinanap niya si Zandro pero tatlong araw na pero hindi niya ito nakita. Pakiramdam niya ay masisiraan na siya nang ulo. Naninikip ang dibdib niya sa sakit parang pinapatay ang puso niya. “Anak, kumain ka na. Kailangan may lakas ka para sa pagharap mo sa bukas. May dahilan si Zandro kaya ginawa niya ito—“ “Dahilan?” Humihikbing tumingin siya sa ina. “Ma, naman… hindi pa naman tapos ang kaso ko. May laban pa ako pero hindi niya hinintay ‘yon.” Pinahid niya ang luha at pumasok sa kwarto niya. Nangako ito sa kanya na hindi aalis sa tabi niya. Na hindi siya nito iiwan. Pero nasaan ito ngayon? Oo, ayaw niyang makulong. Inaamin niya na natatakot siya. Pero hindi niya hiniling na ipamigay siya nito sa iba kapalit ng kalayaan niya. Mas nanaisin niyang magtiis muna sa loob ng kulungan at maghintay na lumabas ang katotohanan kaysa ang mawala ito sa kanya. Lalo siyang naluha sa singsing na nasa ibabaw ng tokador niya. Bago umalis si Troy ay sapilitan nitong i