Isa ba itong coincedence? Bigla siyang nag- iwas ng tingin at pagkatapos ay tumigil sa pag- inom. Parehas lang kaya sila ng naramdaman ng mga oras na iyon? Hindi niya napigilang hindi mapatanong sa kaniyang isip ng mga oras na iyon. Bakit parang pakiramdam niya ay parehas lang sila ng naramdaman? Nagpatuloy sila sa panunuod pero ang kanilang pinapanuod ay unti- unti nang nagtatanggalan ng damit at ang music ay tila naririnig niya sa background nila kung saan ay tila sila yung nasa pelikula. Napalunok siya dahil sa kaniyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Bakit ba kasi ganun ang nararamdaman niya. Wala naman siyang ibang iniisip ng mga oras na iyon. Gusto sana niyang tumayo upang umalis na mula doon pero parang napaka- obvious naman masyado ng gagawin niya at baka kung ano ang isipin nito. Kahit hindi mapakali ay nanatili siya sa kaniyang kinauupuan na halos ayaw ng itutok ang kaniyang mga mata sa telebisyon, ngunit sadyang hindi niya napigil ang kaniyang sarili na hinid mapalingon
Napahigpit ang kaniyang pagkakayakap niya kay Serene nang marinig niya ang napakalakas na kulog. Gulat na gulat pa siya na halos manginig ang buong katawan niya ng mga oras na iyon. Napakalalaki niyang tao pero takot na takot talaga siya sa kulog dahil nagpapaalala iyon sa isang mapait niyang alaala noong bata pa siya.[FLASHBACK 13 years ago]“Mommy hindi talaga ako ang nakabasag…” namamaos ang tinig niya habang nagpapaliwanag rito.Nabasag kasi ang pinakamahal nilang vase at siya ang itinuturong nakabasag pero hindi naman talaga siya ang nakabasag. Nadatnan na lang niya kaninang basag iyon at si Sevi ang nandoon at nakatitig sa nagkalat na parte ng vase sa sahig. Si Sevi ang panganay nila, tatlo silang magkakapatid at siya ang bunso.“What happened Sevi?” tanong niya rito. Hindi ito sumagot sa kaniya dahil tila tulala ito ng mga oras na iyon.Alam niyang napakahalaga ng vase na iyon sa kaniyang ina dahil sobrang mahal ng pagkakabili nito sa bagay na iyon at idagdag pa na antique ang
Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay mas paborito na naman ng Mommy niya ang kaniyang Kuya Sevi dahil sa sinasabi nito ng mga oras na iyon. Palagi na lamang nitong sinasabi ang mga bagay na iyon tuwing naiinis ito sa kaniya, kaya pakiramdam niya ay ayaw siya nito dahil lagi na lamang itong ganito sa kaniya.Napatitig siya sa kaniyang kamay na sa mga oras na iyon ay nag- umpisa ng tumulo ang pulang likido. Wala siyang naramdaman na sakit ng mga oras na iyon habang pinapanuod niya ang pagtulo ng dugo mula sa kaniyang kamay. Mas masakit pa ang nararamdaman niya sa kaniyang dibdib ng mga oras na iyon.Ang sugat na hindi gumagaling- galing ay muli na namang nasaling dahil sa sinabi nito sa kaniya. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung bakit ganun na lamang ang trato sa kaniya ng kaniya ina. Naiisip pa nga niya tuloy minsan ay baka ampon lamang siya. Unti- unti niyang bnitawan ang hawak niya habang tumutulo pa ng dugo ang kaniyang kamay.Patuloy sa pagsasalita ang kaniyang ina ng mga ora
Hindi niya namalayang nakatulog pala siya habang umiiyak at malakas ang ulan. Nagising na lamang siya na basang- basa ang buong katawan niya dahil sa sobrang lakas na ulan kagabi. Doon niya napansin na nanginginig pa rin ang kaniyang katawan, ngayon ay hindi na lang dahil sa takot kundi dahil na rin sa lamig.Napatingala siya sa kalangitan umaga na pala. Napakagat ang kaniyang labi ng mga oras na iyon, umaga na pero wala pang dumadating para hanapin siya. Ganun ba talaga siya hindi ka- importante para hindi hanapin? Sa mura niyang edad ay tumatak sa kaniyang isip na hindi siya mahalaga sa kaniyang pamilya.Pinilit niyang bumangon sana para umuwi na ngunit hindi niya nagawang igalaw ang kaniyang katawan. Nanghihina siya at pagkatapos ay nanginginig pa rin ang katawan niya dahil sa sobrang ginaw. Hindi niya alam kung gaano na katagal nababad ang katawan niya sa tubig ulan, hindi na niya napansin pa.Ilang sandali pa nga ay muli siyang pumikit at muli na namang nagtubig ang kaniyang mga
Napapikit at napakagat labi na lamang si Serene dahil sa hapdi ng nasugat niyang paa. Dahil nga kasi sa sobrang dilim ay wala siyang makita kaya hindi niya napansin ang vase na nasa counter pala. Nakalimutan nga pala niyang may vase nga pala doon kaya hindi niya sinasadyang matabig iyon at pagkatapos ay nahulog sa sahig dahilan kung bakit ito nabasag at tumilansik ang ilang piraso ng basag na bote sa kaniyang paa. Tapos ay ngayon sinesermonan pa siya ni Luther habang ginagamot nito ang kaniyang paa. Sino ba naman kasi ang napakatanga na hindi man lang nag- isip na napakadilim at wala siyang makita. Hindi niya inisip na napakaimposibleng maghanap sa napakadilim na paligid. Tumahimik na lamang siya habang sinesermonan ni Luther dahil wala siyang maisagot rito. Sadyang umarya lang talaga ang kaniyang katangahan kaya ganun. Ilang sandali pa ay tuluyan na ngang natapos nito ang paggagamot sa kaniyang mga paa. Nasa sala na sila ng mga oras na iyon. Tumayo na ito mula sa pagkakaupo at inipo
“Thats not what I mean.” humihinging paumanhin na saad nito at pagkatapos napakamot ng ulo.Bigla naman siyang natigilan sa ginawa nito. Unti- unting sumilay ang isang sinserong ngiti sa mga labi nito ng mga oras na iyon. Ang inis na nararamdaman niya ay tila ba unti- unti ring nalusaw ng masilayan niya anng ngiti nito. Bigla tuloy niyang namura ang kaniyang sarili dahil rito. Nag- iwas siya ng tingi rito at pagkatapos ay muling hinila ang kaniyang kamay.Ayaw niyang ipahalata rito na naaapektuhan siya sa ngiti nito. Kailangan niyang maging matapang at hindi siya papayag na mahulog sa ngiti nito. Dahil nga mas hinigpitan pa nito lalo ang pagkakahawak sa kaniyang kamay ay hindi niya iyon nabawi mula sa pagkakahawak nito at dahil nga doon ay muli na naman siyang nakaramdam ng inis.Muli siyang napalingon rito at handa na sana niyang sigawan ito dahil ayaw pa rin nitong bitawan ang kaniyang kamay ngunit napigil siya dahil sa ngiti nito. Hanggang sa mga oras pala na iyon ay hinid pa rin n
Pinaupos siya nito sa sofa nang maitayo siya nito. Hindi siya nagsalita dahil wala din naman siyang alam na sabihin rito ng mga oras na iyon idagdag pa na madaming tumatakbo sa kaniyang isip ng oras na iyon. Naupo rin ito sa tabi niya.“Pwede bang sa kwarto ko na lang ikaw matulog?” nahihiyang tanong nito sa kaniya.Napalingon naman siya rito at hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig. Ang kaniyang puso ay nagsusumigaw sa tuwa ngunit ang kaniyang isip ang nakikipagtalo na huwag dahil baka mas lumalim lamang ang nararamdaman niya para rito. Sa huli ay sino ba ang magigng kawawa at masasaktan hindi ba’t siya rin? Kung hindi nga naman niya pipigilan ang nararamdaman niya ay alam niyang masasaktan nga lang talaga siya.Bubuka na sana ang kaniyang bibig upang tanggihan ito ngunit napigil siya dahil muli na naman itong nagsalita at sa puntong iyon ay hinawakan pa nito ang kamay niya.“Natatakot kasi ako sa dilim…” mahina nitong sabi sa kaniya at pagkatapos ay nag- iwas siya ng tingin.Bigl
“Tabi na tayo dito sa kama.” sabi nito at pagkatapos ay nauna ng humiga.Tumagilid ito kung saan ay nakatalikod ito sa kaniya at siya naman ay nahiga na rin sa kama. Tumalikod din siya rito kaya magkatalikod silang dalawa. Narinig niya ang muli nitong paghikab ng mga oras na iyon at masasabi niyang antok na antok na nga talaga ito ng mga oras na iyon.Tahimik lang siyang nahiga, sa mga oras na iyon ay alam niyang hindi pa siya inaantok. Bigla na lamang siyang nagulat ng bigla na lamang may luhang tumulo sa kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahang tutulo ang luha niya. Napakababaw naman nito para tumulo. Napapikit siya at pagkatapos ay napahawak sa kaniyang dibdi, ramdam na ramdam niya doon ang kirot ng mga oras na iyon.Bakit ba kasi kailangan niya pang masaktan dahil lang sa isang larawan? Isa pa bakit ba siya nasasaktan e wala naman sila hindi ba? Wala siyang karapatan na masaktan. Wala naman itong sinabi sa kaniya na mahalin niya ito kusa na lang kasi talagang nahulog ang loob niya