Share

Chapter 26.8

Pinaupos siya nito sa sofa nang maitayo siya nito. Hindi siya nagsalita dahil wala din naman siyang alam na sabihin rito ng mga oras na iyon idagdag pa na madaming tumatakbo sa kaniyang isip ng oras na iyon. Naupo rin ito sa tabi niya.

“Pwede bang sa kwarto ko na lang ikaw matulog?” nahihiyang tanong nito sa kaniya.

Napalingon naman siya rito at hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig. Ang kaniyang puso ay nagsusumigaw sa tuwa ngunit ang kaniyang isip ang nakikipagtalo na huwag dahil baka mas lumalim lamang ang nararamdaman niya para rito. Sa huli ay sino ba ang magigng kawawa at masasaktan hindi ba’t siya rin? Kung hindi nga naman niya pipigilan ang nararamdaman niya ay alam niyang masasaktan nga lang talaga siya.

Bubuka na sana ang kaniyang bibig upang tanggihan ito ngunit napigil siya dahil muli na naman itong nagsalita at sa puntong iyon ay hinawakan pa nito ang kamay niya.

“Natatakot kasi ako sa dilim…” mahina nitong sabi sa kaniya at pagkatapos ay nag- iwas siya ng tingin.

Bigl
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status