Tila natuod si Serene mula sa kaniyang kinatatayuan habang ang kamay niya ay hawak- hawak ng nakapikit na si Luther. Sa oras na iyon ay tila ba siya binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaniyang narinig. Ang kilig at sayang nararamdaman niya kanina nang sabihin nito sa kaniya na manatili siya sa tabi nito ay minsanang nawala.Hanggang kailan ba siya aasa rito? At hanggang kailan ba siya nito balak saktan? Bakit ba siya nito sinasaktan? Ano bang kasalan niya rito. Pero napatanong din naman siya sa kaniyang sarili kung ano ba ang alam nito sa nararamdaman niya? Isa pa ay wala naman itong sinabi na mahalin niya ito. Bigla na lamang niya kasi iyong naramdaman.Hindi niya tuloy alam kung sino nga ba ang dapat niyang sisihin ng mga oras na iyon. Kung ang sarili niya ba o ito dahil bakit kasi nakaka- inlove ito. Nalilito siya. Hanggang sa naramdaman niya pa ang mas lalong paghigpit ng hawak nito sa kamay niya na may kasamang paghila.Nagtatalo ang isip at puso niya kung muli ba siyang sasa
Hindi namalayan ni Serene na nakatulog na pala siya pagkatapos niyang mag- isip ng kung ano- ano habang umiiyak. Pagkagising nga niya ay tulog na tulog pa rin si Luther at hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatulog. Dahan- dahan niyang inangat ang kamay ni Luther na nakayakap sa kaniya.Kailangan na niyang bumangon mula doon para maghanda ng pagkain dahil baka mamaya ay bigla itong magutom ay wala pa siyang maipakain rito. Nang matanggal niya ang kamay nito ay nagdahan- dahan siyang tumayo mula sa kama. Medyo madilim na nga sa loob ng silid nito at may kaunting liwanag lamang na nagmumula sa labas kaya medyo may liwanag pa rin.Sumilip siya sa bintana at doon niya nakita na madilim na pala sa labas. Bigla siyang napahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Mukhang napatagal yata ang tulog niya, hindi niya naman kasi inasahan na makakatulog siya at buti sana kungidlip lang ngunit tulog talaga dahil madilim na nga.Dahan- dahan siyang naglaka papunta sa drawer kung sa
Huminga muna siya ng malalim at pagkatapos ay muling tumayo. Sa punto ngang iyon ay nakatayo na siya ng matuwid at pagkatapos ay inihanda na ang cup noodles na binanlian niya. Kumuha siya ng plato na pagpapatungan dahil alam niyang mainit iyon at pagkatapos ay kumuha rin siya ng baso at nilagyan niya ng tubig. Kinapa niya ang kaniyang bulsa dahil natatandaan niyang kanina ay naghanda siya ng gamot para ipainom rito at hindi niya naman iyon naipainom kaya nasisisguro niyang nasa bulsa niya pa rin ito hanggang sa mga oras na iyon. Kinapa nga niya sa knaiyang bulsa at tama nga siya, naroon pa rin ang gamot kanina at pagkatapos ay binitbit na niya ang mga inihanda niya at pagkatapos ay pumasok na sa silid muli ni Luther kahit pa nahihilo siya. Titiisin na lamang niya. Kailangan niya lang talagang painumin si Luther ng gamot at pakainin bago siya magpapahinga. Pagkalapag nga niya ng kaniyang dala sa ibabaw ng drawer ay kaagad niya itong nilapitan at pagkatapos ay mahinang niyugyog ang b
Nagising si Serene na kumakalam ang kaniyang sikmura. Mabuti na lamang at nang mga oras na iyon ay nawala na ng tuluyan ang sakit ng ulo niya. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at pagkatapos ay bumangon ngunit hindi pa siya bumaba ng kama.Anong oras na ba? Tanong niya sa kaniyang isip. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang nagising ng dahil sa gutom niya. Siguro ay dahil hindi siya nakakain ng maayos kanina.Masyado niya kasing inaalala ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pagbanggit ni Luther ng pangalan ng ex nito, lalo pa ngayon at ang sabi nito kanina sa kaniya ay nanaginip daw siya.Panaginip lang ang lahat rito. Napabuntung- hininga siya. Hindi na siya naglakas pa ng loob na sabihin rito na hindi panaginip iyon kundi totoong nangyari, na hindi rin si Lian ang naroon dahil walang iba kundi siya.Muli siyang nagpakawala ng isang malalim na buntung- hininga at pagkatapos ay tuluyang tumayo mula sa kaniyang kama. Kailangan niyang kumain dahil parang manghihina siya
Nang magising si Serene ay maliwanag na sa labas. Nang magmulat nga siya ng kaniyang mga mata ay kaagad siyang napabalikwas ng bangon mula sa kaniyang pagkakahiga at pagkatapos ay dali- daling lumabas ng kaniyang silid. Wala siyang ideya kung anong oras na, may pasyente pa nga pala siyang dapat asikasuhin.Paglabas niya sa kusina ay nagulat siya nang makita niya si Luther na nakaupo na sa counter habang kumakain ng pancit canton. Nag- angat ito ng tingin nang mapansin naroon siya at pagkatapos ay kitang- kita niya na bigla itong natigilan nang makita siya doon.Ilang segundo lang naman ang itinagal nito dahil nakabawi din naman ito kaagad at pagkatapos ay ibinaba nito ang hawak nitong tinidor at tumigil ito sa kaniyang pagkain. Tumingin ito sa kaniya.“Nagutom kasi ako bigla. Kaya nagluto na lang ako kaysa naman istorbohin pa kita.” nakangiting saad nito sa kaniya.Tila siya natuod mula sa kaniyang kinatatayuan ng mga oras na iyon nang makita niya ang klase ng pagkakangiti nito sa kan
PAGKATAPOS nga niyang kumain at iligpit ang kaniyang pinagkainan ay napagdesisyunan ni Serene na lalabas na muna siya at magpahangin. Hindi naman na umuulan ng mga oras na iyon at nagpapasalamat siya na tumigil na rin sa wakas ang malakas na ulan.Pagpunta nga niya sa sala ay doon niya lang napansin na bukas nga pala ang pintuan sa harap ng bahay. Hindi niya iyon napansin kanina, kanina pa kaya iyon bukas? Tanong niya sa kaniyang isip bago siya lumabas mula doon. Paglabas nga niya ay sumalubong kaagad sa kaniya ang preskong hangin na mula sa dagat.Napatingala siya sa kalangitan, hindi na umuulan ngunit nananatili pa ring makulimlim ang langit. Pero mas maganda na iyon kaysa naman umuulan ng malakas, aniya sa kaniyang isip at pagkatapos ay tuluyan na nga siyang lumabas. Sa hindi kalayuan ay nakita niyang nakatanaw sa karagatan si Luther habang nakasalampak sa buhanginan. Mukhang malalim na naman ang iniisio nito.Nagdadalawa tuloy ang isip niya kung lalapitan niya ba ito o hindi, ngun
Kahit hindi nito ituloy ang sinasabi nito ay alam naman na niya ang dahilan dahil nga naikwento na sa kaniya iyon ni Lily. Nanatili pa rin siyang tahimik hanggang sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung paano niya i- cocomfort ito dahil siya ng mga oras na iyon ay nag- umpisa na namang masaktan. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang nalanghap nito at nag- oopen up ito sa kaniya, wala siyang ideya. Alam niya na kapag tinagalan pa niya ang pakikinig rito ay mas masasaktan pa siya pero nanatili pa rin siya dahil alam niya na ang tagal nitong kinimkim ang lahat ng nararamdaman nito at ngayon ay tuluyan na nga itong nagkwento sa kaniya kahit pa hindi naman niya ito pinilit. Ibig sabihin lang ay may tiwala na ito sa kaniya kaya nasasabi na nito sa kaniya ang saloobin nito. “Nung paggising ko sa ospital alam mo? Nadismaya ako, kasi napatanong ako sa sarili ko kung bakit pa ako nabuhay.” natatawang saad nito. “At mas lalo pa akong nadismaya nang makita ko itong itsura ko.” bulong
Pagkamulat ng mata ni Serene ay nasa loob na siya ng silid niya. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Bakit ba sumasakit ang kaniyang ulo bigla- bigla? Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay dahan- dahang bumangon. Wala siyang ibang natatandaan kundi ang bigla na lamang siyang nahilo at hindi na niya alam ang mga sumunod pang nangyari pagkatapos ng sandaling iyon. Ibig lang sabihin ay baka nawalan siya ng malay kanina. Ilang sandali pa ay nabangon na siya at pagkatapos ay lumabas na siya ng silid. Hindi naman na siya nahihilo kaya lanag ay tila ba para siyang nakalutang lang siya. Yung pakiramdam niya ay parang ang gaan- gaan niya at parang isang tapak niya lang na mali ay matutumba na siya. Pagkalabas nga niya ng kaniyang silid ay napaupo na muna siya sa sala. Napabuga siya ng hangin, ano bang nangyayari sa kaniya? Nasa ganuon siyang sitwasyon ng bigla na lamang niyang narinig ang pagbukas ng pinto kung saan ay napalingon siya rito. Nakita niyan