Share

Chapter 28.1

Nang magising si Serene ay maliwanag na sa labas. Nang magmulat nga siya ng kaniyang mga mata ay kaagad siyang napabalikwas ng bangon mula sa kaniyang pagkakahiga at pagkatapos ay dali- daling lumabas ng kaniyang silid. Wala siyang ideya kung anong oras na, may pasyente pa nga pala siyang dapat asikasuhin.

Paglabas niya sa kusina ay nagulat siya nang makita niya si Luther na nakaupo na sa counter habang kumakain ng pancit canton. Nag- angat ito ng tingin nang mapansin naroon siya at pagkatapos ay kitang- kita niya na bigla itong natigilan nang makita siya doon.

Ilang segundo lang naman ang itinagal nito dahil nakabawi din naman ito kaagad at pagkatapos ay ibinaba nito ang hawak nitong tinidor at tumigil ito sa kaniyang pagkain. Tumingin ito sa kaniya.

“Nagutom kasi ako bigla. Kaya nagluto na lang ako kaysa naman istorbohin pa kita.” nakangiting saad nito sa kaniya.

Tila siya natuod mula sa kaniyang kinatatayuan ng mga oras na iyon nang makita niya ang klase ng pagkakangiti nito sa kan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status