Share

CHAPTER 3 (THE PROPOSAL)

TWO YEARS LATER

"This way to Dune Oasis," sinundan ni Mark kung saan nakaturo ang arrow sa signboard. Pakanan, palayo sa sea route.

Napangiti si Mark. Kaya pala dito napiling magbakasyon ni Cleo. The drive itself is fulfilling enough. So full of nature. Oo nga at mainit, hindi niya iyon masyadong ramdam dahil sa nagtatayugang palm tress sa gilid ng kalasada. This is the kind of place he considers paradise. Tahimik. Malayo sa maingay na siyudad. Perfect for the biggest surprise he had for Cleo.

Kinapa niya ang kaheta sa bulsa ng katabing back pack. He is going to pop the question tonight. Kabado man, he is still optimistic.

Because what could possibly go wrong? Apat na taon na niyang kasintahan si Cleo. Ito na ang tamang panahon para lumagay sila sa tahimik. Sana lang ay hindi siya mapapahiya. Sana lang...

Two minutes and he arrived at Dune Oasis Luxury Villa, set behind an automatic wide gate na kusang bumukas nang matapat siya roon. Lumabas ang may katandaang lalaki. Maitim, halatang babad sa araw. Nakasuot ng straw hat, cargo shorts, sando at crocs slipper na itim. Ito marahil ang care taker ng villa.

"Rented out na po dito, Sir." Anito. Meaning, nirentahang buo ng guest ang villa.

Nagtaka kaagad si Mark. Ang paalam ni Cleo ay mag-isa lang nitong bibiyahe. Why would she rent the entire place if she's alone?

"I'm with Cleo..." Aniya rito.

"Si Cleo Welsh po?"

"Yes, Sir. Miss Cleo Welsh. She wasn't expecting me pero susurpresahin ko sana siya." Ipinakita niya rito ang larawan nila ni Cleo sa pitaka. Kuha noong nasa Casa del Rio sila nina Cleo...two years ago.

Napatango ito matapos kilatisin ang larawan.

"Sandali lang sir, tanungin ko muna sila."

"Sila?" Lalong nagtaka si Mark.

"Anim po sila. Bale, ano ka ho ni Madam Cleo?"

"I'm his b-bestfriend, Mark Antonio." Humigpit ang hawak niya sa manibela. "You can ask her while I wait here outside."

"Hindi na po kailangan.Kayo po yung nasa Japan?"

So, he heard? Tumango siya si Mark. He is in the international trade business kaya kung saan-saan siya napupunta. His last business trip was in Japan. Executive meeting with the Japanese tycoon, Asami Dai.

"Just got back yesterday." Hindi rin niya iyon sinabi kay Cleo. Kasi nga, gusto niya itong i-surprise.

The man smiled apologetically saka tumabi, signalling him to proceed inside. "Deretso po sa garahe, Sir." Itinuro nito ang covered parking sa kanang bahagi ng malaking bahay.

Bumilis ang tahip ng dibdib niya nang makita ang tatlong pamilyar na sasakyan sa garahe. Pero higit na nakaagaw sa atensyon niya ang blue Bentley Continental GT...sasakyan ni Logan Armani. Bestfriend ni Cleo. The two other cars belonged to Cleo's two other friends, Lance and Carl.

Natanaw niyang may infinity pool sa likod ng bahay. Ang nakapagtataka, walang tao. Asan na si Cleo at ang mga kasama nito?

He sank in his car seat, nagbuga ng hangin at nang sana ay gumaan ang namimigat na dibdib. But the deeper he sigh, the deeper the pain seemed to bore through his chest. Walang kasing sakit. Mariin niyang naipikit ang mga mata, deciding whether to turn back or stay.

Clearly, niloloko lang pala siya ni Cleo. So...wala nang proposal na mangyayari. Why stay?

And if he turns back...no. He could be wrong. Marami ang namamatay sa maling akala. He's got to know the truth.

Mahinang katok sa bintana ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Si Manong na ngabukas ng gate.

"Hatid po kita sa magiging kuwarto ninyo, Sir." Anito.

What choice does he have now?

Kinuha niya ang backpack at umibis sa sasakyan.

"W-where's Cleo's room?" Tanong niya sa matanda nang marating nila ang main entrance ng guest house.

"Room one po sa second floor. Kasama yung nobyo."

Muntik nang ikatisod iyon ni Mark, already regretting his decision to stay.

"U-uh...sumama din pala si Logan?" Aniya. Hindi niya alam kung paano napanatiling kalmado ang tinig sa kabila ng panginginig dahil sa matinding galit.

"Logan po ba 'yun? Yun pong maputi na maliit na lalaki."

"Y-yeah. That's him." Sagot niyang nangangapa sa isip. This accidental discovery of Cleo's infidelity left him feeling stupid. For the longest time, naniwala siyang 'best friend' lang ni Cleo si Logan.

"Where is everybody?" He asked Manong.

"Nagsipahinga ho siguro. Kaninang umaga pa ho kasi sila umiinom, eh."

How nice! Mapait niyang naisip.

"How unlucky of me. Lugi na naman ako." Tawa niya. Tawang pilit at punong-punonng pait. "Dapat pala inagahan ko ang luwas nang nakasabay naman ako sa kanila."

"Bawi ka na lang po mamaya, Sir." Nakitawa na rin si Manong.

They entered a spacious living area. May tatlong malalaking sofa doon na puti, nakaharap sa fireplace. Almost everything in the house are color white, liwanag sa nagdidilim na niyang paningin.

"Doon po tayo sa master suite. Iyon lang po ang hindi ukupado."

Inakyat nila ang second floor. Dadaanan pa ang ukupadong kuwarto ng mga hudas bago ang master suite. As if a test of timing, narinig niya ang halakhak ni Cleo at ang kaharutan nitong lalaki sa kuwarto. The world seemed to spin around him as he realized the extent of Cleo's betrayal. Nilalatag sa mismo sa harapan niya...ang gagawin na lang niya, kumatok, kumprontahin sila.

"Sir...?" Tawag ni Manong na nasa harapan ng master suite, nakabukas na ang pinto.

Lutang ang pakiramdam niyang nilisan ang tapat ng pinto ni Cleo. He put on a calm facade as he approaches the old man in the master suite.

The old man was kind enough to turn on the AC for him. Saka hinawi ang kurtina ng compact door palabas ng veranda, exposing an amazing coastal lake view behind it. Outside the gate.

Napa-wow si Mark. Nilapag niya sa king size bed ang bag at nagmistulang insekto na nabighani sa apoy. Lumapit siya sa glass door. "Can I go out there?" Tanong niya.

Tumango si Manong. "Magpaalam lang ng maayos sa Mabalao sisters."

"Maba-what?"

"Mabalao sisters. Sila po may ari niyan. Si Marlyn at Wanda. Mga mababait naman sila. Huwag mo lang pinagluluko." He headed for the door. "Namamaril sila, eh."

Napatango si Mark. "Manong..."

Nahinto sa pinto ang matanda. "Bart...tawagin po ninyo akong Tsung Bart, Sir."

"S-salamat nga pala."

"Walang anuman, ho. Tawag lang po kayo kung may gusto kayong ipagawa. Nasa baba lang ho ako...sa barracks."

Ngumiti si Mark."Ano po tunay na pangalan ninyo?"

"Bartolome Acusta."

Tumango siya. "Salamat."

"Aalis na po ako."

Hindi na niya ito tinapunan ng tingin at nahiga nang marinig ang paglapat ng pinto.

Patayin kaya niya ang dalawa?

Pero...anong klaseng parusa iyon kung hindi ni mararamdaman ni Cleo ang sakit na nararamdaman niya ngayon? Death is just an escape, not a punishment.

What if he pretends he knew nothing. Proceed with the proposal and then...?

Kinuha niya ang kaheta sa bulsa ng backpack. He opened the box, took out the ring and stared at it. Yung tuwa at excitement na nararamdaman niya nang bilhin iyon ay naglaho na...galit at pagkamuhi na lang ang naroon.

The ring cost nearly half a million peso, made with highly valued stone. Gold digger as she is, tiyak niyang hindi yun matatangihan no Cleo.

Napangisi siya sa naisip.

Hinanap niya sa contacts ang kilala niyang auctioneer. They'll be able to make a good deal out of it. Malaking tulong na yun kung sa nangngailangan niya iyon ibigay.

Tinext niya kaagad ang auctioneer para maproseso na ang pagbebenta sa singsing, with one person in his mind...

Tsung Bart don't seem to care for money. Mukhang kuntento na sa buhay nito sa Villa. Pero matanda na ito. At ramdam niyang mabuti itong tao. He deserve this more than anybody else.

He secured the ring back into his backpack. Kinalma ang sarili bago bumaba sa barracks ni Tsung Bart.The breath taking surprise proposal he had in mind will carry on...only this time, with a threatening intension that will make Cleo and Logan regret ever betraying him.

DINNER WAS SET AT SEVEN, at the outdoor dining near the pool. Mula sa veranda ng kanyang kuwarto ay pinanood niya ang walang tigil na pagi-istima ni Tsung Bart kina Cleo at sa mga barkada nito. Lance and Carl's girlfriends were there, too. Huling dumulong sa lamesa sina Cleo at Logan. And from the looks of it, they were having a great time while he is hanging back on the precipe of despair.

They can't get enough of each other, too much PDA. Walang respeto sa mga kaharap at sa pagkaing nakahain sa lamesa.Malayung-malayo ito sa Cleo na kilala niya. Yung Cleo na handa niyang pakasalan. Yung Cleo na may self-preservation at mataas ang dignidad.

Nakakadismaya.

Nakakasuka.

Mahigit kumulang dalawang oras din siyang naghintay na matapos ang dinner. Nang sa wakas ay maglabas ng alak si Tsung Bart, he straightened up. Iyon na ang hinihintay niyang pagkakataon.

As he requested, pumailanlang ang God bless the broken road ng Rascal Flatts. Walang nagawa ang kahandaan niya dahil siya man ay parang tumigil ang mundo niya nang makita kung paano natigilan si Cleo, parang biglang nagising sa malalim na pagkakatulog. Guilt is all over her face. Napatayo ito at bahagyang lumayo kay Logan. Naguluhan na rin siguro ang lalaki sa nakikitang reaksyon ni Cleo.

Umpisa pa lang yan pero nangangamoy drama na agad. Mapait siyang napangisi. Umalis siya sa veranda, deretso sa hagdan pababa, taking his time, diving deep to drown in his own anger, hatred and agony. Nangako siya kay Tsung Bart na hindi siya manggugulo. At paninindigan niya iyon.

Naabutan niyang palabas ng dining area si Cleo, luhaan. Pigil ito ni Logan sa braso.

Natigilan ang lahat sa biglaang pagsulpot niya. He heard the two other girls gasp in disbelief.

"M-mark...!?" Tigagal si Cleo.

Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang babae na iproseso sa isip ang mga nangyayari. He seized her in his arms.

He said, "I missed you."

Naramdaman niya ang pag-aalinlangan ni Cleo. Bahagya pa nitong itinulak ang dibdib niya para bigyan ng distansiya ang pagitan nila. "Wait, Mark. Kailan ka pa dumating? How did you know where to find us?" Sunod-sunod na tanong nito habang kumakawala sa yakap niya.

"Don't trust Diane to book your travels if you intend to keep it from me." Ang secretary niya ang tinutukoy niya.

Gumuhit ang matinding guilt sa magandang mukha ni Cleo. "L-look, Mark... There is something you needed to know."

"What is it?" Pa inosente niyang tanong. Nagkunwaring walang nalalaman sa mga nangyayari. Gusto niyang paglaruan ang damdamin nito gaya ng ginawa nito sa kanya.

"I haven't been faithful to you." She looked him straight in the eye. Nakita niya doon ang pagsisisi and at the same time, relief. "I have been longing to tell you this...I'm sorry."

Hindi niya iyon inaasahan. Ang buong akala niya, magsisinungaling sa kanya Cleo at subukang isalba ang relasiyon nila. Ang buong akala niya, magkakandarapa itong manghingi ng kapatawaran. It seems she have made up her mind for sometime now.

"How long has it been going?" Pumipiyok na tanong niya.

lalong napayuko si Cleo. "Bago pa sila maghiwalay ni Sandi."

Parang pinilas paisa-isa ang bawat himaymay ng puso ni Mark. Napakahabang panahon na iyon. Did Sandi lied to him about Cleo and Logan?

There he was, sisingsisi at ginawa ang lahat ng paraang alam niya para makabawi sa isang gabing pagkakasala niya kasama si Sandi....

Pero niloloko lang din pala siya ni Cleo. Kaya pala ang bilis naka-move on noon ni Logan. Parang hindi dinibdib ang pag-iwan noon dito ni Sandi.

"D-did Sandi knew?"

Kagat-labing tumango si Cleo.

Galit niyang ibinaling ang tingin kay Logan. Yumuko ang lalaki, showing total surrender to his intimidating demeanor.

"I loved you more than anything...it's just that I don't see a future with you anymore." Cleo's words made him drag his gaze back to her. Masakit yung malaman niyang pinagtataksilan siya ni Cleo ngunit wala nang mas isasakit pa ang malamang wala itong tiwala sa kakayahan niyang bumuo ng pamilya. Gayung ibinuhos niya ang lahat ng oras niya sa paghahanda para sa pamilyang pinapangarap niya.

"Im so sorry..." Anas ni Cleo bago nagmamadaling umalis. Hinabol ito ni Logan.

Hindi siya nakapagsalita. Itinulos siya sa kinatatayuan, his stone walls crumbled at kusang nalaglag ang luha sa mga mata niya. Ang laki niyang tanga!

Bumagsak ang kaheta sa pavement ngunit hindi na niya iyon pinulot. He went straight to his car, still struggling to come to terms with the reality of Cleo's infidelity. He had believed their love was unbreakable, but now it lay shattered at his feet.

"Mark! Sandali..." Tinangkang humabol sina Lance. But he is too devastated to talk, let alone to face anyone in Cleo's circle.

He have never felt so defeated his entire life. Parang gusto na niyang maglaho sa mundong ibabaw.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status