HANGGANG sa maihatid siya ni Shawn sa bahay ng kaniyang ina. Hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang sinabi nito. Ayaw niyang pumayag na pumunta sa ibang bansa at umalis dahil alam niyang hindi namans iya mag-e-enjoy roon. Pero may sinabi itong nakapgpagulo sa kaniyang isipan. Alam niyang malai rin ang kaniyang maitutulong pero nag-aaral pa siya. May trabaho rin siyang hindi puwedeng maiwanan kaya naman alam niyang kung aalis siya kahit malaki ang maitutulong niyon, hindi pa rin naman niya magagawang iwanan ang lahat ng ginagawa niya rito. Isa sa mga pangarap niya ang makapagtapos at alam ni Yesha na kung lalayo siya, malabo na namang mangyayari iyon.
Gaano ba katagal ang kaniyang hihintayin? Gaano katagal ulit bago siya makakatungtong sa paaralan? Lalo na ngayong may laman ang kaniyang tiyan. Masaya siya dahil magkakroon na sila ng anak. Pero hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-isip ng kung anu-ano.
"Anak? Kanina ka pa tulala riyan? Ma
HABANG nakikinig si Yesha sa kaniyang ina. Hindi naman niya maiwasang hindi mapangiti. Sa dami ng sinabi at naikwento nito sa kaniya ay nakakuha na rin naman siya ng ideya kahit na papaano. Ngayon, pinapanood niya ito habang nagluluto. Talagang hindi na niya napigilan. Gustong-gusto kasi nito na ipinapagluto siya. Ayaw na rin naman niyang mag-inarte dahil pakiramdam niya ay gusto rin niya kumain ng kahit na anong luto ng kaniyang ina ngayon. "Mama, kaya palaging in love sa 'yo si papa, e. Ang sarap mo kasing magluto." Kaagad na namula ang pisngi ng kaniyang ina. Tulad noon ay wala pa rin itong pinagbago. Mabilis kiligin sa kaniyang ama. At iyon ang gusto niyang makita palagi. Hindi siya mapapagod na tingnan ang mga ngiti nito dahil alam niyang dito masaya ang mama niya. Ito ang nagpapasaya sa kaniya. "Anak, ikaw? Kumusta kayo ni Shawn? Nagkikita naman tayo pero hindi ko natatanong sa 'yo. Ayaw kong masaktan ka ulit tulad noon
NAUPO si Shawn sa sofa kung saan katabi niya ang ina ni Yesha. Kahit masakit ang kaniyang batok, talagang dumiretso siya rito. Gusto niyang makita si Yesha. Masyado nang magulo ang kaniyang araw kanina. Kailangan niya ng inspiration na makikita.Kailangan niyang makita ang kaniyang nobya.Napatayo siya nang biglang bumaba si Yesha. Para pa rin itong isang reyna sa kaniyang mata. Hindi niya maalis ang kaniyang tingin. Aware siyang maraming tumitingin kay Yesha at hindi niya maiwasang hindi mainis kapag nakikita iyon. Yesha is for him only. "Hi, love..." mukhang antok pa nitong bati nang makalapit sa kaniya. Ilang oras lang silang naghiwalay, pero pakiramdam niya ay miss na miss na niya ang babae. Hindi niya maiwasang hindi ito yakapin."Hi, love. Nakatulog ka ba?" kumusot naman ng mata si Yesha saka tumango. Narinig naman nila ang pagtikhim ng ina nito dahilan upang mamula ang mukha ng babae katulad ng dati.
NAPANGITI si Yesha nang makita ang dati nilang bahay. Hindi nagawang makasama ni Shawn dahil abala ito. Haharapin din kasi nito ang ama ngayon kaya hindi rin niya magawang ikampante ang kaniyang isipan. Alam niyang wala namang gagawing masama ang ang ama nito sa anak, pero hindi lang niya maiwasang alisin ang takot. Ang pangamba.Pero sa ngayon, kailangan muna niyang kalimutan ang mga bagay na makakasira ng kaniyang araw dahil kasama niya ang kaniyang ina. Ayaw niyang isipin nito na hindi siya masaya."Anak? Nasaan ang mga cup cake?" pagtatanong ng kaniyang ina. Malalim siyang napabuntong hininga saka ipinakita rito ang dala. Gamit din nila ang kotseng regalo ni Shawn sa kaniyang ina."Nandito mama. Sobra ito kaya ayos lang. Walang dapat problemahin," sagot niya. Tumango at ngumiti naman ito. Bitbit nito ang mga inumin. Hindi mapigilan ni Yesha ang matuwa. Noon, pangarap lang nila itong dalawa. Noon, palagi niyang iniisi
AKALA ni Yesha magiging maganda ang kaniyang buong araw pero nagkamali siya. Nang dahil sa lalaking iyon, sirang-sira ang maghapon niya. Pero hindi niya hinayaan na makita ng iba. Matapos mag-meryenda ang mga workers nila, ipinasyal sila nito sa loob. Manghang-mangha siya at hindi magawang makapaniwala sa kaniyang nakikita."Ma, noon pangarap lang natin ito oh..." Nakangit ngunit maluha-luha niyang sabi. "Tama ka anak, ni hindi ko rin akalain na aabot tayo sa ganito." Ngumiti na lang siya at saka in-enjoy ang paglilibot. Sobrang layo na sa dati nilang tirahan. Nagdag na rin kasi sila ng lote. Binili nila ang bakante sa tabi."Ma'am may gusto po ba kayong ipadagdag dito?" tanong ng engineer na kinuha ni Shawn. Talagang hindi pumayag ang nobyo niyang walang engineer. "Ah, wala na. Okay na 'yan." Nakangiting sagot naman ng kaniyang ina.Umakyat naman si Yesha sa dati niyang kwarto. Hindi pa iyon ganoon katapos pero malapit
HALOS isang oras din ang kaniyang hinintay bago dumating si Erika. Hatid ito ni Adrian na kaagad din namang napaalam para magkaroon sila ng oras ng kaniyang kaibigan."Ano? Kumusta ang tiyan mo? Nananakit ba?" sunod-sunod niyang tanong sa kaniya ni Erika. Napailing naman si Yesha at sinabing hindi naman siya nakakaramdam no'n. "Puro pagkahilo lang." Maikli niyang sagot habang sumisimsim ng iced tea."Alam mo, dapat kasi malaman na 'yan ni Shawn, hindi magiging maganda kung itatago mo na lang sa kaniya habang buhay 'yan." Muli siyang tumango. Ano pa nga ba? "Sasabihin ko rin naman pero hindi pa ngayon.""Kailan, aber? Kapag natapos na ang problema niyo? E, hindi pa nga nag-uumpisa. Paano kung hanggang sa lumubo ang tiyan mo hind pa rin tapos ang problema? Ano ka? Nganga gano'n?" mahabang sermon sa kaniya ng kaniyang kaibigan. Napailing na lamang siya saka napayuko. Sobrang gulo na lalo ng sitwasiyon na hindi naman niya da
KINABUKASAN nagising si Yesha na nariyan na si Shawn. Dala-dala nito ang kaniyang gamit at uniform. Mabuti na lamang at medyo maayos ang kaniyang pahinga. Katabi rin naman niya matulog si Erika kaya hindi na siya nag-alala pa dahil ito ang tumitingin sa kaniya. Masyado siyang inalagaan nito."Ikaw na ang unang maligo, Yesha. Para makapag-ayos ka pa ng gamit mo." Tango na lamang ang kaniyang sinagot kay Erika at nauna na. Mabilis lamang ang kaniyang naging pagligo. Ito na rin kasi ang pag-uwi niya kay Shawn kaya naman magkakahiwalay ulit sila ng kaniyang ina. Kailangan niyang mag-ayos dahil deretso na sila mamaya."Tapos na ako," sabi niya nang makalabas. Si Erika naman ay kaagad na sumunod. Mabilis siyang nag-ayos at nagbihis. Nagsuklay na rin siya at saka sinigawan nag kaibigan na mauuna an siya sa baba. Hindi naman na niya ito hinintay pang sumagot. "Hi, love!" excited niya itong niyakap. Nakangiti rin naman ang nobyo sa kaniya.&nb
HALATANG walang nagawa si Zaneda kung hindi ang hayaang sumama sa kanila si Erika. Pero bago pa sila makapag-usap kung saan magkikita ay bumaba na rin ng sasakyan si Shawn. Alam niyang nakita nito kung sino ang kaniyang kausap."Love..." Naramdaman niya ang paghawak ni Shawn sa kaniyang beywang. Tipid ang ngiti naman niyang nginitian ang kaniyang nobyo. "Gusto raw niyang makipag-usap sa akin.""now?" Kunot-noo nitong tanong sabay tingin kay Zaneda. "May klase siya." Iyon lang ang sinabi ni Shawn at hinawakan na siya sa kamay papalayo. Imbes na makaramdam ng inis ay kilig ang naramdaman ni Yesha. Sobrang over protective kasi nito sa kaniya at buti na lang din talaga at nariyan si Shawn. Hindi na siya nauto at hindi na rin ito nagkaroon ng pagkakataon na kausapin siya."Shawn, please?" bakas sa mukha ng babae ang pagmaakaawa ngunit wala naman siyang mabasa na kahit anong emosiyon sa lalaki. Ayaw niyang mas lalong tumindi pa kaya naman pumagitna na si Yesha. "Totoo
NAKANGUSO silang nagpunta sa parking area. Bahagya pang nagulat si Yesha nang makita niya ang sasakyan ni Shawn. Nagkatinginan sila ni Erika dahil hindi nila akalain na nariyan na kaagad ang lalaki ngunit wala naman itong kasama."Ang aga ng sundo mo." Natatawang sabi ni Erika kay Yesha. Napatango na lamang siya. Hindi sasabay sa kaniya si Erika dahil susuduin din ito ng nobyo. "Puntahan ko lang.""Go girl!" saad pa nito.Kaagad siyang lumapit sa sasakyan at kumatok. Ibinaba naman kaagad ni Shawn ang bintana. "Hey, let's go home?""Uhm, kanina ka pa?""Yeah, hindi ako umalis." Halos lumuwa ang kaniyang mata sinabi ng lalaki. Hindi niya lubos maisip na ilang oras naghintay sa kaniya si Shawn. "B-bakit?""I just want to make sure na hindi ka nila malalapitan," sagot nito na nagpainit sa kaniyang puso. Talagang nagiging sagabal siya sa mga ginagawa ng lalaki. Pe