Share

Chapter 2

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong hinanap ang aking ina. Nakita ko naman ito sa may kusina na naghahanda ng makakain.

"Oh? Nandito ka na pala Ava, ba't parang ang aga mo yata?" tanong akin ni mama at nagmamadaling inilapag ang kaldero sa lamesa.

"May gagawin daw ang teacher namin kaya pinauwi na kami agad. May transferee raw na student," sagot ko na medyo gulat pa, nakatulala kasi ako. Hindi mawala sa isip ko 'yung lalaki na kasama ng guro namin. 

"Bwisit, puro kamalasan at kahihiyan na naman ang nangyari sa akin ngayon. Ang sakit-sakit pa ng braso ko, kaninis," saad ko sa aking sarili at inilapag ko ang bag ko sa sofa.

"Sana lang talaga ay hindi ko iyon maging kaklase. Ang lakas ng trip, nagalit pa tuloy sa akin ang ibang mga babae doon na patay ka patay sa kanya," muling bulong ko sa aking sarili at naupo ako sa sofa. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ngunit bigla na lang nagsalita si mama.

"Ava magbihis ka na at nang makakain ka agad. At saka kakausapin kita mamaya," nagtataka ako, ano naman ang pag-uusapan namin? Hindi naman yata iyon tungkol sa pagiging late ko sa subject ni ma'am Angry Bird este ma'am Marquez 'di ba?

"Opo ma," at napakunot na lamang ang noo ko. Naglakad na ako papuntang kwarto at agad akong nag half bath at pagkatapos kong lumabas ng aking banyo ay binuksan ko ang aking cabinet kung saan nakalagay ang mga damit ko.

Habang pumipili ako ng damit na susuotin ko ay bigla kong naalala ang pag hawak kamay namin ng lalaking nagpatulong sa akin kanina. Ngunit agad rin na napayukom ang kamay ko nang maalala ko ang ginawa sa akin ng nakakaasar na lalaki na iyon.

Isinantabi ko na lang ang inis ko at nagpatuloy na sa pagbibihis. Nag suot ako ng watermelon pajama na presko sa pakiramdam. Pagod na pagod ako ngayong araw, dagdag pa ang braso ko na masakit, mas mainam kung makakatulog ako ng maayos ngayong gabi.

Inilugay ko ang aking buhok at sinumulan ko itong suklayin. Habang ginagawa ako naman iyon ay napatingin ako sa aking telepono, kinuha ko iyon at nakita ko naman ang mga chat ng mga kaibigan ko sa group chat namin.

"May jowa na si Ava?" ang chat ni Misty.

"Is it true?" chat ni Vie.

"Oo, halata naman, eh. Bakit sila magkahawak kamay kung hindi sila magkasintahan? Kilala niyo si Ava, hindi iyon basta-basta magpapahamak ng kamay. Saka bakit ba hindi kayo naniniwala sa sinasabi ko?"

"Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala," chat ulit ni Vie na mukhang hindi talaga naniniwala sa sinasabi ni Jade.

Napailing na lang ako habang binabasa ko ang mga chats nila. Sabi ko na nga ba, pinagtsitsismisan na naman nila ako. Kahit kailan talaga ang mga kaibigan ko, hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o sawayin sila.

                                    ...

Kumakain na kami ngayon ni mama nang maalala ko ang sinabi sa akin nito kanina.

"Ma? Ano po pala 'yung sasabihin niyo sa akin. May schoolworks pa po kasi ako na dapat tapusin," sabi ko at sinubo ang kutsara, at kasunod rin no'n ay uminom ako ng tubig.

Ngumisi naman ang ina ko at nagsalita, "Ikaw na bata ka, napaka sipag mo talaga. Well, sa akin mo namana ang pagiging masipag at sa papa mo naman namana ang pagiging matalino," at tumawa ito.

Natawa rin ako at tinanong ulit si mama, "Ma ano po bang sasabihin nyo?"

Niligpit ni mama ang hapagkainan at tumabi sa akin. Hinawakan nya ang aking kamay at tinitigan ako sa mata.

"Anak, aalis muna ako. Mawawala ako sa loob ng dalawang linggo dahil sa business trip namin ni tita Marie mo. Huwag ka mag-alala, hindi pa naman ngayon baka sa susunod na linggo pa."

Gulat ang naramdaman ko, sinundan iyon ng lungkot. Dahil magiging mag isa na naman ako sa bahay namin.

"Kailangan po ba talaga 'yon? sabi ko na may may malungkot na boses. Naging malungkot din ang mukha ko at itinigil ko ang pagsubo ko ng pagkain.

"Oo anak, para naman may matutunan ako sa pagpapatakbo ng negosyo. Sorry anak, i really have to do this. Alam mo naman na ayaw ko lang umasa sa suntento ng papa mo. Saka kailangan ko rin ng ibang lugar na makikita hindi 'yung palagi lang ako nasa bahay," pagpapaliwanag niya. Niyakap niya ako at napasandal naman ako sa kanya.

Ayaw ko sana pumayag pero wala na akong magawa. Totoo naman na kailangan din ito ng aking ina. Simula kasi nu'ng naghiwalay si mama at papa ay hindi na ito lumabas pa ng bahay namin. Lumalabas lang ito kapag may bibilhin.

At isa pa, kaya ko na rin naman siguro kahit ako lang mag-isa rito sa bahay sa loob ng ilang linggo.

"Naiintindihan ko po, mag-ingat po kayo," sabi ko habang niyayakap si mama. 

"Yes my daughter, I'll be safe for you. Anyway, go to your room. May gagawin ka pa 'di ba?" tanong nito.Tumango ako at nagpaalam na ako sa aking ina.

Pumunta sa kwarto ko. Isinarado ko ang pinto at nahiga sa kama. Hindi ko alam pero parang mas lalo pa akong napagod. Siguro dahil ito sa dami ng iniisip ko. 

Tumayo ulit ako at pumunta sa study table ko. Nang matapos ko na ang dapat kong tapusin ay may naalala ulit ako. Naalala ko na naman ang lalaking nakabunggo sa akin.

"Bwisit na lalaki 'yon! Dahil sa kanya ay aasarin na naman ako ng mga mokong na kaklase ko!"

Gigil na bulong ko sa sarili. Hindi talaga mawala iyon sa isip ko at inis na inis ako doon.

"Humanda talaga iyong lalaking iyon kapag nakita ko ulit! Kainis!" inis na sigaw ko. Ngunit napaisip ako, paano ko naman siya mahahanap kung hindi ko naman alam kung anong hitsura niya? Ang tanging alam ko lang sa lalaking iyon ay wala siyang modo at hindi marunong humingi ng paumanhin.

Nagulat ako nang pumasok ang nanay ko at parang nagtataka ito.

"May ipis ba anak? Bakit ka sumisigaw? Asaan at papatayin ko!" tarantang sigaw nito. Itinaas niya ang hawak-hawak niya na siñelas. Tumawa ako ng kaunti at ngumiti.

"Si mama talaga, wala po iyon muntik na kasi ako malaglag sa upuan," palusot ko. 

"Ganu'n ba? Mag ingat ka kasi anak," lumapit ito sa akin at niyakap ako.

 "I love you Ava, good night."

Niyakap ko siya pabalik, dahil alam kong ma-mi-miss ko ito, "I love you too, ma."

Pagkatapos no'n ay lumabas na ang aking ina at si mama na rin ang nag patay ng ilaw. Nahiga na rin ako at nag kumot ako ngunit bigla kong narinig ang ringtone ng telepono ko.

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko iyon, ngunit tumayo pa rin ako at kinuha ang telepono. Doon ay nakita ko ang mga kaibigan ko na nag-vi-video call kaya sumali ako sa tawag nila.

"Hi, Ava!" bungad sa akin ni Misty. Ngumiti ako at pinakiramdaman ko ang pakikitungo o pakikiusap niya sa akin, nakahinga naman ako ng maayos dahil tila hindi naman siya naiilang sa akin. Para bang hindi ko nakita ang lungkot niya sa kanyang mukha kanina.

"Bakit hindi si Ava ang tanungin natin? Para malaman na natin ang totoo, total hindi niyo naman gustong maniwala sa akin," nag kunot noo ako nang marinig ko ang sinabi ni Jade. Pinaglalaban pa rin ba niya na nobyo ko ang lalaki kanina?

"Is that true? Nobyo mo ang lalaking kasama mo kanina?" napasampal ako sa aking noo at huminga ng malalim. Bumalik na naman tuloy ang inis ko para sa lalaking iyon. Umayos ako ng upo at nagsalita.

"Hindi, hindi ko nobyo iyon."

"Bakit kayo mag kasama?" tanong sa akin ni Misty.

"Dahil nag patulong siya sa akin hanapin si ma'am Darya, kakausapin niya raw si ma'am," sagot ko sa tanong ni Misty 

"Bakit kayo magkahawak ng kamay?" pamimilit pa ni Jade at talagang pinaglalaban talaga ang gusto niyang ipaglaban.

"Nakipag shake hands lang siya sa akin," paliwanag ko naman ulit.

"What about the call sign? Paano mo ipapaliwanag iyong narinig namin na pagtawag niya sa 'yo, ano nga ulit iyon? Love?" natahimik ako sa tanong ni Vie. Sa kanilang lahat, si Vie talaga ang hindi ko matatakasan pagdating sa mga ganitong bagay.

Paano ko naman siya sasagutin? Kahit ako man ay hindi ko alam kung anong klaseng hangin ang nasinghot ng lalaking iyon kung bakit niya ako tinawag na 'love'.

"Bakit hindi ka makasagot?" sabay na tanong nina Jade at Vie, habang si Misty naman ay nakatingin lang sa akin. 

"H-hindi ko alam! Napag-trip-an lang ako nu'ng lalaking iyon, hindi ko siya kilala. Nang-aasar lang 'yon," naguguluhan at biglang sabi ko. Natahimik silang lahat, habang ako naman ay nakaramdam ng hiya, ramdam ko na rin ang pawis sa noo ko kahit pa kay aircon naman sa aking kwarto.

"Okay, sabi mo, eh."

Natahimik muli sila ngunit ramdam ko pa rin ang pang-aasar ng mga mata nila. 

"S-sige, ibababa ko na. Matulog na rin kayo," sabi ko. Hindi ko maintindihan ngunit bakit tumatalab sa akin ang mga pang-aasar ng mga kaibigan ko.

"Bye, Ava," sabay-sabay na saad nila sa akin at ibinaba ko na ang telepono. 

I already fell asleep. Pagod na pagod ako, lalo na ang utak ko kakaisip sa lalaki na nakabunggo at kasama ng teacher ko kanina. I feel annoyance towards the guy I bumped on, the reason why I'm late. But I feel something different from the guy o helped. Para bang kinikilig ako rito. 

Ngunit, bakit naman ako kikiligin sa lalaking pinag-trip-an ako?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dids Boncodin Silvertino
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status