“H-HINDI na ba halata?” tanong ni Kana kay Maricel. Nasa loob pa sila ng sasakyan noon.Kapag wala siyang make up, halata sa mukha niya ang kaputlaan niya. ‘Wag lang tumingin sa balat niya sa braso at kamay si John. Siguradong mahahalata siya.“Hindi naman na. Basta ba ngumiti ka lang lagi.”Napasimangot si Kana.“Seriously, Ma! How can I smile kung tungkol sa kasal niya kay Simone ang topic? Huh? Tell me!”“Okay. Okay.” Tumitig ito sa kanya mayamaya. “Sabihin mo na nga kasi ang totoo. Malay mo, iwan niya ang feelingera mong pinsan.”Mapaklang ngumiti si Kana sa secretary. “Ano ka ba, sasayangin lang ni John ang sarili niya sa akin ‘pag nagkataon. Dapat na rin siyang magsimula na bumuo ng sariling pamilya. Alam mo namang walang kasiguruhan kung ako ang pipiliin niya. Sobra na nga nag paghihirap niya sa kulungan dahil sa pamilya ko. Tapos itatali ko pa siya sa akin?”Mapait na ngiti pa ang sunod na ginawa ni Kana.“Saka… hindi ko siya mabibigyan ng anak.”“Sa ngayon hindi. Pero darati
“S-SAAN mo ako dadalhin, John?” Kinakabahang tanong ni Kana kay John. Sinagot lang naman niya ang tanong nito kung totoo bang kasal siya kay Grant. Oo ang sagot niya. Wala namang masama. Ayaw niyang magmukhang kawawa. Saka mas mabuti na nga ito, ang malaman nitong kasal na siya. Para hindi na ito maghabol. Tatawagan na lang niya ulit ang ama na uuwi din siya, basta pauwiin nito si John kaagad. Hindi kayang itago ni Kana ang sakit kay John sa totoo lang. Ngayon pa bang palala na nang palala ang sakit niya. Kusa nang lumalabas ang sintomas. Minsan, sa mga hindi inaasahang pagkakataon ayon sa doctor. Ibig sabihin, hindi niya hawak. Kaya mas safe na nasa ospital siya. Kesa madagdagan pa ang stress niya.“Sakay,” ani ni John, matapos na pumara ng taxi. Tinakasan nilang dalawa si Grant at Simone. Pero nakita rin sila nito nang papalabas na sila ng restaurant.“John, ano ba! Balikan mo si Simone.” Humabol pa talaga ito sa kanila habang sapo ang tiyan. Kahit naman naiinis siya sa pinsan, a
WALANG ginawa si Kana nang araw na iyon kung hindi ang mahiga nang mahiga. Ramdam niya rin ang pagod. Lately talaga, konting activities lang hinihingal na siya. Saka umiiwas siya kay John dahil sa panaka-nakang pag-bleed niya sa ilong. Hindi naman ganoon kadami kaya hindi siya naalarma. Kaya nahiga siya para ipahinga ang sarili. Hinihintay niya rin si Maricel dahil kailangan niyang bumalik ng ospital ngayon.Ang dami niyang pwedeng itatanong sa doctor tungkol sa sakit ng anak niya. Gusto niyang marinig ang opinyon nito. Kilala na niya si Kenjie kaya hindi siya nagmamadali ngayon. Ang paghahanap ng lunas sa sakit nito ang priority ng isipan niya. Pero sa tingin niya, nakuha ng anak ang sakit nito sa kanya. Matagal na siguro ang sakit niya. At ang mga nararamdaman niya dati ay konektado sa kanyang sakit ngayon. Tapos nabuntis siya at nakuha ng anak niya? Hindi kaya? Pero hindi siya expose sa chemo noon. Saka bihira siya sa factory nila kung saan may chemical na tinatawag na benzene. Is
MATINDING pagod para kay Kana at John nitong nagdaan kaya nagpasyang magpahinga silang dalawa. Sa wakas ay may nag-match na rin para sa anak niya. Kahit ang mag-asawang Atlas at Keana ay ganoon din. Isang linggo din ang hiningi ni Atlas na leave, na agad namang inaprubahan.Kasama si Kenjie nang magpasyang mag bakasyon ang pamilya nila Kana sa Caramoan. At para makasama na rin ang pamilya ni John na siyang tumulong din sa paghahanap ng donor. Kaya ilan cabin at suite din ang inupahan ng mga Palma para sa isang linggong bakasyon na iyon.Dalawang doctor at tatlong nurse din ang kasama nila para sa anak. May naka-antabay din na chopper sakaling magkaroon ng problema. Maliban dyan, may isang chopper din mula sa Hotel De Astin— mismong si Astin ang nag-talaga no’n para umantabay din.Halata ang saya sa mukha ni Kenjie nang dalhin ni Kana at John sa dalampasigan. Mukhang gustong magtampisaw nito sa dagat kaya gumamit sila ng speedboat para makapag-tampisaw ito bandang ilalim. Para hindi ni
WALA na si Grant pero tulala pa rin si Kana. Si Kenjie ang nasa isipan niya ng mga sandaling iyon. Anong gagawin niya? Dapat willing si Grant na ibigay ang kailangan ng anak niya. Ginawa na niya ang lahat, nakiusap na sa kaibigan pero hindi nito willing na ibigay sa anak niya. Sa kanya lang if ever. At naiintindihan niya si Grant. It’s because hindi nga nito anak si Kenjie. Pero anak niya si Kenjie at kaibigan siya nito. Hindi ba pwedeng sa pagkakaibigan na lang nila ito magpokus? Hindi niya kasi talaga kayang turuan ang puso. Magkaiba ang nararamdaman niya rito at kay John. Talagang kaibigan lang ang kaya niya.Bago siya lumabas sa ospital na pinagdalhan sa kanya ni Grant, tinawagan niya si Maricel. Kailangan na niyang makabalik sa ospital kung saan naroon si Kenjie kaya nagpatulong na siya rito. Nagpapadala na rin siya ng long coat para matakpan ang braso at kamay niya.“How is Kenjie?” tanong niya kay John nang makarating sa ospital room ng anak.Matagal na tinitigan siya ni John
“N-nothing, John. J-just kiss me. Please?”Masuyong tumango si John. At kasunod niyon ang masuyong halik din nito sa kanya. Masuyong halik din ang tinugon niya kay John. Just like before, binuhay na naman ni John ang apoy sa pagitan nila. Ni isa sa kanila, walang may kakayahang umapula. Pero dahil nasa ospital sila usual na position lang sila, tapos nasa sofa pa.Magkahinang ang labi nilang dalawa habang patuloy si Kana sa pagtaas-baba sa kaibigan ni John na galit na galit. Always. Basta nasa paligid ang nobya. Bumitaw ang labi nila pero patuloy lang sa pagkilos si Kana. Nakaalalay na si John sa bewang niya habang iginigiya siya pataas-baba. Mabuti na lang tulog ang anak, dahil dinig na dinig na naman ang salpukan ng katawan nila ng mga sandaling iyon. Hanggang sa sabay na marating nila ang climax.Isang masuyong halik ang muling namagitan sa kanila bago tuluyang umalis si Kana sa kandungan ni John. Hinang-hina na siya pero hindi niya pinahalata dito. Sumandal lang siya sa sofa at nak
“DO you think, magiging masaya ang pagsasama natin bilang mag-asawa kapag pinagpilitan mo ang kasalang ito?” walang buhay na tanong ni Kana kay Grant.Nakaupo siya noon sa kama pero balot na balot ang sarili ng kumot dahil sa lagnat na nararamdaman. Bukas na ang kasal nila pero heto, masama ang pakiramdam niya.“No, Grant. I’m dying. Can’t you see?” Ngumiti pa siya nang ipakita ang mga braso. Pero gaya nang sabi niya, walang buhay. Walang kulay. “No! You will not die, Kana! Hindi ako makakapayag.” Umiling-iling pa si Grant. “Hindi.”“Nang ibigay mo ang kondisyon na ‘to kapalit ng bone marrow mo, para mo na akong pinatay. Hindi na rin kita kayang tingnan bilang kaibigan, Grant. Kaya hindi ko mapapangako sa ‘yo magiging masaya ang pagsasama natin gaya nang hiling mo. Pakiramdam ko, nasa libingan na ako”“Ganoon ba talaga ako kahirap mahalin?” puno nang hinanakit na tanong ni Grant.Natawa si Kana nang pagak. “Isa lang ang puso natin, kaya hanggang isang tao lang ang kayang i-accommodat
3 YEARS LATER…AUSTIN, TEXASMasigabong palakpakan ang sunod na narinig ni Kana pagkatapos ng inspirational message niya. Naimbitahan siya ng dating doctor niya rito sa Texas para magbigay nang mensahe sa mga pasyente nito. Isa siya sa mapalad na napili para mag-share ng karanasan. Kung paano ba niya nalagpasan ang mga pagsubok na iyon.Halos isang taon din silang naghanap ng bonemarrow donor para sa kanya. Naglabas na ng malaking pera ang Daddy niya para mapadali umano ang paghahanap. Pero inabot pa rin ng taon bago sila nakakuha. Sa loob ng dalawang taon din after ng transplant, bumalik agad ang sigla at ang lahat sa kanya. Pati ang buhok niya. Bob cut lang ang kaya ng buhok niya sa ngayon. Pero kapag kinakailangan, nagsusuot siya ng wig hair kapag haharap sa media. Gaya ng buhok niya dati. Iilan lang kasi ang nakakaalam sa naging sakit niya. Ayaw naman niyang maging usap-usapan.“Mama!”Agad na pinangko ni Kana ang limang taong gulang na anak nang tumakbo ito palapit sa kanya. Pina