CHAPTER 24
Helena Kelandra's POV"Tigil!" sigaw ng isang pamilyar na mukha sa aming harapan. Si tyang Lourdes. Napahinto ang aming sinasakyan, halos lumuwa sa nerbyos si Hanna na napayakap kay Eshaan. Alam na alam nila kapag nagagalit ang ina nila.
"Saan kayo pupunta? Akala n'yo hindi ko alam?" magkasunod na tanong ni tyang Lourdes sa amin. Tanaw namin ang nanlilisik na mga mata nito. Hinarap siya ni Michael. Dahan dahang tinungo ni Michael ang gawi niya.
"Huminahon ho kayo, uuwi na ho sana kami—" hindi na naituloy ni Michael ang pagsasalita dahil isang malakas na sampal ang binitawan ni tyang Lourdes dito.
"Tyang!" Napalundag ako sa gawi nila at inawat si tyang Lourdes. Maging si Eshaan at Hanna ay pumagitna.
"Ma, tama na, ho!" awat ni Eshaan dito.
"Dagdag pa kayo, ha!" sambit ni tyang Lourdes habang sinasabunutan at ipinag-uuntog ang mga ulo nina Hanna at
CHAPTER 25 Michael's POV"Kung masaya ka sa kaniya, piliin mo siya. Bakit ka pa mamimili kung alam mo naman ang sagot, h'wag mong lituhin ang sarili mo, Michael!" I'm having these echoes inside my head again. Nagri-ring back lahat ang sinabi ni mama. Kanina pa ako umiinom sa malaki ngunit malungkot na kwarto ko. Pilit kong kinakalimutan ang mukha ni Helena.I admit, marami akong ginawa para kalimutan siya, pero ang hirap. Tanaw ko ang mga pina-develop na larawan niya na ngayo'y nakasabit sa akin
CHAPTER 26 Helena Kelandra's POV "Michael!" naibulalas ko sa nakita. Napalundag ako sa gawi niya at niyakap siya nang napakahigpit. Animo'y sabik na sabik ako sa kaniyang pagbabalik. I can't imagine na ganoon ko pala siya ka-miss. He hugged me so tight. Amoy na amoy ko ang kaniyang pamilyar na bango. Nanumbalik lahat ang aming alaala sa Palawan, ang Michael na nakasama ko, ang lihim na pinagpapantasyahan ko, ang lihim na minahal ko. "My precious Helena." Dinig kong sambit nito sa aking tainga. Naka-hang ako sa kaniyang batok, ninanamnam ko ang oras. Napaiyak ako sa kaligayahan, animo'y isang bata na binalikan ng kalaro. Hinagilap ko ang kaniyang mukha. Ang dimples na nagpapabihag sa bawat babae, mga matang nangungusap, at ang labing napakasarap halikan. Ganoon pa rin ito, napakagwapo. Hinalikan niya ako nang napakabanayad at senswal. 'Yong halik na bumubuhay sa aking pagkababae. Nararamdaman ko nanaman ang kakaibang kiliti mula sa aking puso, ang pamilyar na agos ng pagmamahal.
CHAPTER 27 Helena Kelandra's POVIsang buwan nang nandito sa amin si Michael. Nang malaman ito nila Eshaan at Yuki ay doon na halos umuuwi at nag-bonding ang mga pinsan ko kasama ito.Napakasaya ng bawat lakad namin, nalibot namin ang iba't ibang pasyalan sa kamaynilaan. Nandoon si Michael nang magtapos si Hanna sa kolehiyo. Tumayo itong parent at kaming dalawa mismo ang nagsabit ng mga medalya at award na natanggap ni Hanna.Nandoon din sina Sir Nathan, Sheena, at ibang kaibigan nina Hanna at Yuki. Kumain kami sa isang kilalang seafood restaurant. Napakasaya ni Hanna, lalo na nang magsibigayan ng mga regalo ang mga kaibigan niya, pati na rin si Michael at ako. Nakatanggap siya ng mamahaling bag, laptop, at ang pinakahihintay niyang trip kasama ang mga kapatid sa Korea. Iyon ang regalo ni Yuki sa kaniya.Habang ako naman ay niregaluhan ko siya ng kaniyang paboritong libangan. Isang drumset. Mahilig itong tumugtog, simula pa nang bata ito ay nakahiligan nitong magpukpok ng de latang
CHAPTER 28 Helena Kelandra's POVHinihingal ako sa pagtakbo. Malayo na ako sa kanila, malayo sa nakita kong hindi ko inaasahan.Sino ba ang babaeng 'yon? Ba't para siyang linta kung makayakap kay Michael? Magdidilim na.Wala akong maaninag na tao o kabahayan sa aking paligid. Nasa gitna ako ng gubat. Hindi ko alam saan ako galing, tanging naaalala ko lang ay ang mga nagkalat na sanga sa daan.Gumapang ang takot sa aking katawan, lalo pa't ang tanging suot ko lang ngayon ay two-piece. The hell, Helena! Ano bang naisip mo at tumakbo ka sa liblib na dako ng kagubatan ngayon pa't gumagabi na. Humilata ako sa isang puno, nilinga ko ang paningin.Tanaw ko ang mayayabong na puno habang naririnig ang mga huni ng kulisap at iba't ibang ingay ng insekto. Yakap yakap ko ang aking tuhod. Paano na 'to, baka kung magpatuloy pa ako sa paglalakad ay mas mahirapan akong makabalik. Giniginaw na ako.Tanging iniisip ko ngayon ay ang inis sa aking sarili, hindi ko pinakinggan si Michael. Napaiyak ako s
CHAPTER 29 Simon Alcantara's POVNakahiga ako sa aking kama at naghihintay na lamang ng aking oras. Alam kong malapit na, malapit na akong mamahinga, malapit na akong mamayapa dito sa mundong ibabaw. Natutop ko ang sariling noo, at mariing pumikit. Nagbalik ang diwa ko sa nakaraan, kung saan nagsimula ang iringan ng grupong matagal ko nang pinakaiingatan.***Flashback
CHAPTER 30 Michael's POVKinapa ko ang aking telepono na nasa tabi ng aking higaan. Nakita ko ang tumatawag, si Dorotina. Napabalikwas ako at dali dali ko itong sinagot."Hello, Dorotina," bungad ko."Mike! He's getting worse," saad nito sa akin. Mangiyak-ngiyak ang boses nito. Nalaman ko ang punto ng pagtawag niya sa akin. Patungkol kay Sir Simon, lumulubha na ang kalagayan nito. Nakausap ko si Dorotina na kararating lang sa Pilipinas para sa isang meeting ng legalities sa isang branch ng LCDDR Inc. na nasa Palawan.Gusto nitong makipagkita at personal na makausap si Helena. Gustong ipapirma ni Dorotina ang isang papeles na naglalaman ng mga ari-arian ni Sir Simon, isa itong transfer of casualties ng ilang negosyo ni Sir Simon sa Espanya. Sakto namang susurpresahin ko si Helena sa darating na makalawa.Gusto kong pumunta kami sa Palawan dahil naiayos na ang renovation ng isang investment
CHAPTER 31 Helena Kelandra's POV"Oh, saan ka galing, hija?" bungad ni tyang Lourdes sa akin.Galing ako sa labas ng kwarto ni tyong Simon. Nakita ko ang lahat lahat. May namamagitan pa rin sa kanila ni Dorotina. Niyakap ko lang si tyang Lourdes at inanyaya ako sa loob ng banyo. Nag-usap kaming dalawa."Anong problema, hija?" tanong niya sa akin. Umiling ako. "Hindi ka pwedeng makita ng tyong Simon mo na ganiyan ka. Namamaga ang mata mo. Mas lalong makakasama sa lagay ng tiyo mo na makita kang malungkot," dagdag na paliwanag ni tyang sa akin."Kasi po, tyang, si Michael," salita ko pero narinig namin ang pagkatok mula sa labas ng pintuan ng banyo."Helena, let me explain. Mali ang iniisip mo!" boses nito sa labas. Tumingin si tyang Lourdes sa aking mga mata."Hija, hindi kayo pwedeng magkatuluyan ni Michael," seryosong saad niya sa akin. Rumehistro ang pagtataka sa mukha ko. Bakit?
CHAPTER 32 Helena Kelandra's POVMag-aalas sais na ng gabi nang bumalik ako sa hospital. Napakagaan ng loob ko. Naibsan ang aking problema nang matapos kong iiyak at ipangumpisal sa simbahan ng Basilica ang lahat lahat ng aking saloobin. Matapos magsimba ay kumain kami nina Sheena at Steve sa isang restaurant na may Filipino Cuisine. Na-miss ko bigla ang paborito kong karekare ni Aling Bebang.Napasarap ang kain ko, parang gutom na gutom ako. Marami kaming pinag-usapan ni Sheena. Sa tagal ba naman na nagkahiwalay kami. Nalaman ko na sa Las Casas de Dios sila naka-check-in.Masaya ako para sa dalawa, sa susunod na buwan na pala ang kasal ng mga ito. Napili nilang maging beach wedding ang theme dahil pareho silang beach lover. Nakikita ko ang sarili ko at si Michael sa kanilang dalawa. Napag-usapan din namin ang hotel corporate business ng uncle Simon ko. Hindi sila makapaniwala na ang tiyo Simon ko ang n