"Madam, pinapaakyta po ni Sir."
Pinanuod ko lang kung paano ayusin ni Nay Becka ang prutas na ipinabili ko kay Eugene kanina. Suminghot ako, dama pa ang pamamara ng ilong dahil sa pag-iyak. Alam kong napapansin yun ni Nanay Becka pero imbis na tanungin ako ay mas pinili niyang tahimik na samahan ako.
"Salamat po," paos pa ang boses na sabi ko matapos abutin ang isang hiwa ng mangosteen.
"Ayos ka lang ba Madam?" maingat niyang tanong, nakaupo sa upuang naka-pwesto sa gilid ng kama kung nasaan ako.
"Napagsalitaan ko po ng hindi maganda ang asawa ko… sumobra po ako." tinikman ko ang prutas na sa kabila ng katamisan ay wala akong malasahan.
[ Laura ]"You're still awake?"Napatingin ako sa pinto ng bigla iyong bumukas at marinig ang boses ng taong kanina ko pa hinihintay. Nang makita ko siya', wala akong ibang maisip kundi ang pag-aalala ko kanina, kung ano-ano nang naiisip kong maaring nangyari sakaniya habang nangangabayo nang may sama ng loob."Are you crying?" malambing ang boses niya na may halong taranta.Yumuko ako at pilit tinuyo ang pisngi kong natuyuan na ng luha na ngayon muli nanamang namasa dahil sa walang tigil kong pag-iyak. Narinig ko ang paghskbang niya papalapit saakin, kaagad akong napapikit nang masuyo niyang hawakan ang dalawang kamay kong nakatakip sa mukha ko."Wife, stop crying... I'm sorry I left you here." bulong niya, sinusubukan ring punasan ang pisngi ko.Bakit ba siya' ganiyan, bakit hindi na siya galit? Pagkatapos kong pagsalitaan siya ng kung ano-ano, nakukuha niya pang mag-alala saakin. Ako lang talaga ang gumagawa
Naiharang ko ang isang kamay ko sa mga mata ko nang maramdaman ang malakas na hangin dahil sa tatlong helicopter na susundo kay Eugene. Malakas rin ang tunog na nagmumula rito."Nasaan yung dalawa?" tanong ko, tinutukoy ang dalawang kambal na kanina pa wala sa mood dahil sa pag-alis ng ama nila."Nasa baba po Madam, kasama ni Sir na nag-aabang ng sundo." sagot ni Nay Becka na nakatingin sa Ibaba ng terrace.Nang tumingin ako sa baba nakita ko ang kambal na parehong naka-kapit sa binti ng ama. Kahit hindi ko rinig mula rito ang sinasabi nila alam kong nag-rereklamo nanaman ang mga ito. Ayaw parin talaga nilang paalisin si Eugene pero alam kong hindi naman sila magtatanin ng sama ng loob kay Eugene dahil alam kong naiintindihan nila ang mga nangyayari. Talagang hindi na mawawala sa mga anak na umakto ng ganiyan sa tuwing aalis ang magulang, isa pa, mga bata pa sila kaya normal lang na umakto sila na parang bata."Wife!" nagulat
"Hindi ba at bukas pa dapat ang dating niya? May nasabi ba ang asawa ko na ngayon pupunta ang Doctora Nay Becka?"May tensiyon sa boses ko, nanatili akong alerto sa biglaang pagdating ng Doctora na hindi namin inaasahang dadating ng ganito kaaga. Siguro nagiging ganito ako ka-alerto dahil nangyari na to noon, na may nagpanggap na nurse para gawan kami ng masama."Wala naman pong nasabi si Sir, Madam. Teka at babain ko lang po muna. Daisy, Mylene? Asikasuhin niyo na sila Young Master at ang dumi na ng mga damit at kamay nila, lumipat na kayo sa kabilang kwarto." aligaga naring utos ni Nay Becka habang inililigpit ang pinagkainan naming lahat.Nakagat ko ang labi ko at dali-daling dinampot ang cellphone para sana matawagan o ma-message manlang so Eugene."Why Mama?" napalingon ako kay Loki na nakatitig saakin, maski si Thor ay tahimik na nagmamasid sa paligid."Wala anak, nabigla lang si Mama sa biglaang bisita. Sige na,
Umabot pa ng ilang oras ang kwentuhan namin ni Doctora Loyzaga, Hindi ko inaasahan na magiging ganito kami ka-opennsa isa't-isa, na kahit ngayon lang kami nagkita, parang close na close na kami. Mas naging panatag tuloy ang loob ko na siya ang magiging Doctor namin ng magiging baby ko."Nakaalis na po ba si Doctora?" tanong ko kay Nay Becka na pumasok sa kwarto."Opo Madam. Heto po ang gatas niyo. " kinuha ko yun.Kaninang lunch ay dito kami kumain sa kwarto kasama ang kambal kaya may mga helpers parin na labas pasok para magligpit. Ininom ko ang gatas."Mama?" tumaas ang dalawang kilay ko at nilingon ang pinto, natawa pa ako nang makita ang ulo ni Loki na nakasilip sa pinto."Yes baby? Come in, bakit pasilip-silip ka diyan?" tanong ko, ngumuso siya bago dahan-dahang naglakad papasok.Pinanuod ko lang siyang lumapit saakin, nasa likod ang mga kamay at mukhang nahihiya. Nagtaka ako nang tumingala siya kay Nanay Becka nang mapangiti ito ng mal
"I, We need to go to hospital Laura." seryosong aniya.Para akong nabingi nang bitawan niya Ang salitang yon. Salitang kahit maikli ay naintindihan ko kaagad na mayroong problema sa katawan ko. Pero ang mas lalong ikinakatakot ko ay kung Ang problemang nakita ba niya ay may kinalaman din pati sa dinadala ko."B-bakit Doc? Hindi ba pwedeng dito? Ganon ba ka delikado? Apektado ba ang baby ko?" nanginginig ang mga mata ko, maging ang labi ko ay ngatag dahil sa sobrang tindi ng pinaghalo-halong emosyon."Laura, listen to me." kinuha niya ang kamay ko at hinuli ang mga mata ko para mapatitig sakaniya. "I think you have a Ectopic Pregnancy, pero kailangan makasigurado parin tayo kaya kailangan mong madala mismo sa hospital""Ectopic pregnancy? Ano po yun?" dinadamba ng malakas na kabog ang dibdib ko, halos mabingi na ako sa lakas non pero ang takot na namumutawi sa katawan ko ngayon' ay walang kasing tindi.
"And last, Mr. Vidal you can leave now."Matigas at pagod na pagkakasabi ni Eugene sa matandang isa sa gumawa ng gulo sa kumpaniya niya. Simula nang makarating siya rito ay wala na siyang tigil sa pagtrabaho, nagmamadaling matapos lahat at maresolba lahat ng gusot para makauwi kaagad sa pamilyang may iniwan.Hindi niya tinigilan ang pagkilos para maubos at mapatalsik ang mga taong sinubukan siyang traydurin. Syempre dahil may mga hawak itong share sa kumpaniya ay talagang nahirapan siya, pero lahat nang yun ay binaliwala niya, lahat ng pagod, antok , gutom at pagkamiss sa asawa at mga anak ay isinantabi muna niya para gawin ng mabilis ang lahat.At sa wakas, ngayong araw, matapos ang mga araw na straight walang tulog at pahinga ay natapos rin.
Walang tigil sa panginginig ang buong katawan ni Eugene dahil sa labis na pag-aalala. Mahigit isang oras na simula nang tumunog ang alarm, mahigit isang narin siyang pabalik-balik ng lakad sa harap ng ICU kung nasaan nanganganib ngayon ang buhay ng asawa dahil sa naging epekto ng pagkakatama ng ulo nito."Sir, tubig po" alok sakaniya ni Jared, nagbaba siya ng tingin doon, nauuhaw siya pero hindi niya maatim na pawiin manlang ang uhaw niya gayong ang asawa ay nanganganib ang buhay."No thanks." tanggi niya at muli nanamang naglakad pabalik-balik.Para bang sa ganoong paraan ay nababawasan ang takot at kaba niya. Napahinto silang lahat sa labas nang may nurse na nagbukas ng pinto at natatarantang tumakbo palabas."What happened?" malakas at kakaibang takot na tanong ni Eugene, nakahabol sa nurse."Excuse me po" sagot lamang nito at nagmamadaling kumilos at hindi na huminto para magpaliwanag sakaniya."Fvck! damn it!" sigaw niya,
[ Laura ]"Hindi ba at Ikaw yung lalaki sa coffee shop? Anong ginagawa mo rito? At bakit–bakit asawa ang tawag mo saakin?"Kanina ko pa ako naguguluhan sa mga nangyayari. Bakit nasa hospital ako? Ang huli kong naaalala ay nasa coffee shop ako, tapos bigla nalamang akong nagising sa puting kwarto na ito. Ang mas nakakagulat pa ay may lalaking bigla nalang tatawag saaking asawa.Nakita ko ang mukha ng lalaki, may kakaibang kirot sa dibdib akong naramdaman nang mapansin ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Mula sa gulat na pagkakatitig saakin ay inilipat niya ang paningin sa Doctor. Saglit natahimik ang buong kwarto bago magsalita muli ang Doctor."You have a Retrogate Amnesia."