Share

Chapter Fifty five

"What's wrong? Are you upset? Did I do something wrong to make you mad, wife?" agad na tanong ni Eugene sa asawa nang makaupo ito. 

Kaagad na itinago ni Laura ang matinding emosyong pwedeng makita ng asawa, kailangan niyang konrolin ang galit.

"Wala naman," simpleng sagot niya, nagdadalawang isip dahil baka pagmulan ito ng away sa pagitan nila. 

"The what makes you frown like that? May nangyari ba dito nung wala ako? Someone did upset you? Wife, tell me, what's wrong, hm?" malambing ang boses niya, nag-aalala sa ekspresiyong ginagawa ni Laura. 

Pero imbis na sumagot ay yumuko ng tahimik si Laura, nilalabanan ang selos o inis dahil ayaw niyang ipakita kay Eugene ang pangit na bahagi ng pagkatao niya. Ayaw niyang isipin nito na selosa siya at wala sa hulog kung mang-away, baka rin ay magalit ito at isiping pinagdududahan niya ang asawa. Maraming tumatakbo sa isip niya pero wala siyang masabi kahit isa. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status