Share

Chapter Twenty

Dumating ang kaarawan ng kambal, maaga palang ay nasa kusina na ako para ihanda ang dalawang mini cake na ginawa ko para kay Thor at Loki.

Nakasanayan ko ng gisingin sila sa umaga habang may hawak na mini cake kapag birthday nila, kahit kay Eugene ay ginagawa ko rin to.

"Ouch" daing ko ng matusok ako ng isang toothpick na nakalagay sa cake toppers.

Medyo wala ako sa sarili ngayon dahil kagabi pa hindi mapalagay ang loob ko. Hindi kumu-kontak si Eugene at Ngayong araw mangayayari ang planong pag-huli sa mga budol gang na yun.

"Smile Laura," ngumiti ako at malalim na huminga.

Hindi ko pwedeng ipahalata sa kambal na may inaalala ako. Kaarawan nila ngayon, ang Masaya sanang party na para sakanila ay naging pain para sa mga kriminal. Kaya kahit kaming tatlo lang ngayon ay pipilitin kong pasayahin sila. Binuhat ko na ang dalawang cake na nasindihan ko narin ng number 3 na kandila.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status