“M-ma… kahit po ako hindi niya maalala,” iyak na sabi ni Devina sa mommy ni Valentine na ikinailing nito at niyakap siya. “Hush… siguradong babalik ‘din ang ala-ala ng anak ko. Hayaan mo at ipapa-alala natin lahat ng tungkol sa kaniya,” Pumasok na ‘din sa loob ang mga nakakatanda at nilapitan sila Travis. Ngunit napahinto lang sila ng makita ang lolo ni Devina lalong-lalo na si Adeline. “L-lolo?!” hindi makapaniwalang tawag ni Adeline dito na ikinangiti sa kaniya ng matanda. “Adeline hija, ang laki mo na at kamukang-kamuka mo ang iyong ate,” nang marinig iyon ni Adeline ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na yakapin ang matanda. Kahit na hindi siya nito tunay na apo ay apo na ‘rin ang turing sa kaniya ni Carlos dahil kapatid ito ni Devina. Kitang-kita niya ang pagmamahalan ng dalawa noon pa man na nanamasukan ang mga ito sa kanila. “Mommy! Daddy!” napatigil silang lahat ng mayroong sumigaw na bata at doon ay nakita nila si Arabelle at David na pumasok sa loob. Kasama nito a
ISANG oras matapos umalis si Jeydon at ang ang lola nila ay nagpasya na si Devina na sabihin sa mga ito ang totoo. Kinailangan niya na maghintay ng isang oras dahil maaaring bumalik pa ang mga ito, kaya ng sigurado na siya sa timing ay tumayo siya at naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Valentine sa kaniyang kamay. Nagpapanggap kasi ito na tulog para hindi siya kausapin ng kausapin ng kanilang mga kasama. “Guys may sasabihin ako,” napatigil ang mga ito sa kanilang pag-uusap at napatingin kay Devina. “Hindi totoo na nawala ang ala-ala ni Valentine, si Jeydon ang may gawa. Sinabihan niya ang doctor na ipalabas na nawala ang ala-ala niya para iyon ang isipin ni lola,” “Totoo po ba ‘yun mommy?!” tayong sabi ni Arabelle at agad na lumapit sa ina. “Totoo anak, sa totoo lang gising talaga si daddy mo kanina pa. Nagpanggap lang siya para makapaghintay kami ng isang oras bago sabihin sa inyo,” ngiting sabi ni Devina. Napatingin sila kay David ng agad itong tumakbo sa ama at niyakap ng
“ANONG gagawin ko?” Naguguluhan na tanong ni Kristin sa kaniyang sarili. Napatayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at kinagat ang kaniyang kuko sa hinlalaki niya at nagsimulang magpabalik-balik mula sa kaniyang kinalalagyan. Simula ng makausap niya si Devina ay nagpasiya siyang kumilos mag-isa. Kung ayaw maniwala ni Devina ay siya nalang ang gagawa ng paraan para pigilan ang lola nito. Dahil sa pagmamasid niya mula sa malayo ay marami siyang nalaman. Hindi man niya inabutan ang nangyari sa bahay ni Devina ay nalaman niya na na-aksidente si Valentine at nasa ospital ito. Hindi naman siya pwedeng pumasok sa loob at baka may makakilala pa sa kaniya kaya matyaga siyang naghintay sa paglabas ng matanda. Nang makita niya itong lumabas kasama ang apo nitong si Jeydon ay hindi siya nagdalawang isip na sundan sila. Muli ay naghintay siya ng napakatagal sa labas at halos doon na nga siya kumakain, aalis lang sandali para bumili ng makakakain tapos tatamabay na sa may malapit kila Devina. Mab
“D-devina, may gusto akong sabihin sa’yo! Nahuli ako ng lola mo, w-wala akong magawa kundi aminin sa kaniya ang totoo!” napakunot ang noo ni Devina ng sabihin iyon ni Natasha. “Anong nahuli Natasha? At anong inamin mo?” “Ang lola mo ang nagpadala saakin para siraan ka ng time na ‘yun! Hindi talaga ako anak sa labas ng daddy mo! P-pero si Jeydon pinatakas niya ako para hindi na ‘daw ako madamay ang kaso nahuli niya ako ulit. Nakatakas lang ako dahil sa half-sister mo—” “Wait what? Half-sister?” putol na sabi ni Devina sa babae ngunit umiling ito sa kaniya ng sunod-sunod. “Hindi na mahalaga ‘yan sa ngayon. Ang mas mahalaga ay si Jeydon! Siguradong nasa panganib ang buhay niya dahil inamin ko na siya ang nagpalaya saakin at siya ang tumulong sa’yo!” HINDI nakapaniwala si Devina sa kaniyang nalaman mula kay Natasha. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ito o hindi lalo na’t nalaman niya na niloko pala siya nito noong una. Ngunit si Jeydon na ang pinag-uusapan, kung totoo ang si
HINIHINGAL si Devina nang makarating siya sa silid ni Valentine. “Oh bakit parang nagmamadali ka?” tanong sa kaniya ni Sheila ngunit agad ‘ding napakunot ang noo nito ng makitang wala siyang dalang pagkain. “Nasaan ang pagkain natin?” umiling siya sa sinabi nito at lumapit sa mga ito. Wala doon ang ang magulang ni Valentine maging ang lolo nila at ang kambal na kapatid ni Valentine dahil mayroon itong ginawa na parte ng kanilang plano. “Kailangan nating iligtas si Jeydon! Sinabi saakin ni Natasha na naisumbong niya na tinutulungan ako ni Jeydon!” Napaseryoso ang mga ito dahil sa sinabi ni Devina. “Sino si Natasha?” tanong ni Valentine na ikinatingin niya dito. “Si Natasha ‘yung babaeng nagpanggap na anak sa labas ni daddy! Dumating siya noong time na namatay si daddy, pero dumating si grandpa kaya nasalba ko pa ‘rin ang kumpanya,” Napakunot ang noo ni Valentine dahil wala siyang naaalala na may nangyaring ganoon. Napatapik si Devina sa kaniyang noo at naalala na hindi nga pala ni
PAALIS na sana si Sheila at Travis para gawin ang kanilang plano. Napag desisyonan nila na gamitin si Sheila para malaman kung nasaan si Jeydon, alam nila na magagawang pumasok ng mga tauhan nila sa Guild kaya iyon ang naisip ni Valentine na plano. Si Travis naman ay sisiguraduhin niya na safe ang babae papunta doon ngunit hindi natuloy ang pag-alis nila ng sumalubong sa pintuan ang parents ni Valentine. “Saan kayo pupunta hijo, hija?” takang tanong ng mommy ni Valentine ngunit hindi nakasagot ang dalawa at napalingon lang sa kanilang likuran. No choice nag mga ito kundi ang bumalik sa loob at hintayin na matapos ang paliwanag ni Valentine sa mga magulang. Matapos ang ilang minutong paliwanag ay nagkatinginan ang magulang ni Valentine at muling tumingin sa kanila ni Devina. “’Wag niyo na munang ituloy ang plano niyo. Nagpunta kami dito para sunduin na kayo, pinapatawag kayo ni daddy dahil may ipapakilala ‘daw siya sa inyo lalo na sa’yo Devina,” Napakunot ang noo ni Devina dahil
“S-sorry love, sasabihin ko naman talaga sa inyo kapag dumating ang araw na ito. Gusto kong matutong lumaban para mailigtas ko kayo lalo na si ate. Hindi ba sumali na ‘din naman kayo kay kuya Valentine? Pare-pareho na tayo ngayong magsasanay lumaban,” Kung ano ‘man ang sinabi ni Devina ay totoo iyon. Sumali si Vincent at Travis sa organization ni Valentine dahil hindi sila papayag na mag-isang pasukin ni Valentine ang mundong pinasok niya. Pero nang dahil naman sa ibinunyag pa na iyon ni Adeline ay mas nagkagulo sila dahil hindi iyon alam ni Sheila at nasermonan niya si Travis. “Kids, let us calm down and talk nicely, okay? Kung ano ‘man ang mga reason niyo valid naman iyon at walang masama doon. Kayo-kayo ang magkakaibigan kaya kayo-kayo ‘din ang dapat na nagtutulungan. Sa totoo lang kung maibabalik ko lang ang nakaraan ganito sana ang sinabi ko noon sa anak ko para hindi niya napasan lahat ng suliranin,” Buntong hininga na sabi ni Lenard na tumingin kay Levi na ikinangiti lang
“ANONG sinasabi mo Aria?! Ang sabi mo saakin mayroong kinuhang mahalaga sa’yo ang mga Cullen kaya gusto mo silang labanan!” Napatingin sila kay Thomas ng bigla nalamang itong sumigaw. “Mayroon nga, si Jeydon ang tinutukoy ko Thomas. Hindi ko sinabi sa’yo dahil alam kong hindi ka maniniwala saakin dahil puno ng galit ang puso mo,” Napakunot ang noo ni Thomas dahil sa sinabi ni Aria na siyang ikinatayo ni Sophia. Alam niya ang kwento tungkol sa nakaraan ng kaniyang nobyo kaya alam niya na kapag tungkol doon ang usapan ay ma-ti-trigger ito at baka hindi makontrol ang kaniyang sarili. “Mahal, kumalma ka… Pakinggan muna natin si Aria,” pigil na sabi niya dito habang hawak ang braso ng kaniyang nobyo ngunit umiling lang sa kaniya ang lalaki at deretsyo pa ‘rin na nakatingin kay Aria habang masama ang tingin. “No! Kailangan kong malaman ang totoo! So, you have been deceiving us all this time?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Aria na ikinabuntong hininga naman nito. Hindi na nap