Share

Chapter 2

Airy's PoV

Hours passed pero 'di ko parin matanggap ang sinabi n'ya. Ang sakit lang, matagal na 'kong may pag tingin sa kan'ya pero ang best friend ko pa ang nagustuhan n'ya. Ang unfair lang. 

"Ms. Fernandez"

Ni hindi rin ako nakapag salita nang sabihin n'ya 'yun, tumakbo lang ako ng tumakbo.

"Ms. Fernandez, why are you still here?"

Pano kung hingin parin n'ya ang tu-

"Ms. MISAKI AIRY FERNANDEZ!"

"Tulong ko!" ah, shit! Gulat akong napatingin sa tumawag sa 'kin at ganoon na lang ang takot ko nang makilala ko ito. Professor Arman Nieva, ang pinaka terror na prof sa Campus.

"What? I already summoned you, two times" madiing ag kakasabi ng Prof ko.

Shit talaga! Kanina pa pala 'ko tinatawag pero parang wala akong naririnig.

"Sorry, Sir" sabi ko sabay yuko. Hay! Kung kelan malapit na ang graduation syaka naman ako nagkaganito baka mapurnada pa, arghhh!

"Okay, now, go home." Sabi n'ya pero bakit? Para 'yun lang papauwiin na n'ya 'ko? That's too much.

"Sir?" Naguguluhang kong tawag.

Malalagot ako kay papa kapag nalaman n'ya na pinauwi ako dahil sa pagiging lutang.

"I said, go home. Ikaw na lang naiwan d'yan, nakaalis na mga kaklase mo" sagot n'ya.

"Wait, what?" naguguluhan kong tanong nang hindi parin inaalis ng tingin sa kan'ya.

"Seriously?, bingi ka ba? Umuwi kana at maglinis ka ng tenga mo" iritang sabi n'ya saka mabilis na nawala sa paningin ko.

What the hell?! Pag kaalis n'ya ay nilibot ko naman ang tingin ko at ako na nga lang mag isa. Okay lang, sanay naman akong mag isa tsk! Mema lang hahaha! . Ano naman kayang meron at pinauwi kami? At bakit hindi man lang ako sinabihan ni Shin.

"Because I like her" Bigla na lang sumikip ang dibdib ko nang maalala ang sinabi n'ya kanina. Of all people, why her? Kinuha ko na ang gamit ko pag katapos ay umuwi narin.

 11:35 AM na nang makauwi ako sa bahay. Pag kapasok ko ay nakita ko si mama na nasa sala at nanonood ng TV.

"Ma, pinauwi na kami ng maaga" bungad ko sa kan'ya pag katapos ay umupo sa tabi n'ya.

"Ganon ba? Kumain kana don" sabi n'ya sabay balik ng tingin n'ya sa TV. As usual, It's Showtime ang pinapanood n'ya favorite n'ya 'yun, e.

"Si papa?" Tanong ko.

"Nasa work pa, si kuya mo naman nandon sa girlfriend n'ya" sagot n'ya.

Ito talaga si kuya parang hindi n'ya kaya na hindi makikita ang girlfriend n'ya. Kailan kaya 'ko magkakaboyfriend?  Hmppp!

Kumain muna 'ko bago 'ko pumunta sa kwarto ko. Sakto lang naman ang laki ng kwarto ko, hindi s'ya gan'on kaganda pero ayos narin. Nagpalit na 'ko ng damit pag katapos ay humiga na sa aking kama. Feeling ko ang daming nangyari ngayong araw hay nakakapagod.

Pumikit na lang ako at naisipan matulog ngunit narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko 'to at tinignan kung sino ang nag text.

From: Shin

Hey! Nakauwi kana ba? Tinatawag kita kanina pero tulala ka, sakto naman tinawag ako ni Stynx, niyaya akong lumabas. So yeah, I forgot about you hehe peace : 3

Hmpp! Kaya pala naiwan ako don mag isa kinalimutan pala 'ko haist. Ano kaya kung itanong ko sa kan'ya kung gusto n'ya rin si Stynx? 'Di naman n'ya siguro alam na gusto s'ya ni Stynx.

To: Shin

Tsk! Mang iiwan -,- by the way, do you like him?

Geez! Pano kung oo ng sagot n'ya? Paano naman ako? Hay ang hirap naman nito! Makalipas ang ilang minuto ay nagreply na s'ya

From: Shin

Honestly, yes. Secret lang natin, ah?

Bigla na lamang nanikip ang aking dibdib matapos kong mabasa ang sagot niya. Ano pang magagawa kung gusto nila ang isa't isa? Ayoko naman maging kontrabida sa kanilang dalawa. Pano kaya kung sinabi ko na sa kan'ya dati pa na gusto ko si Stynx, magugustuhan n'ya parin ba si Stynx?

Pinili ko na lamang na hindi replyan si Shin dahil baka kung s'an pa umabot ang usapin namin. Tinago ko na ang phone ko at syaka natulog na lamang na may luha sa mga mata.

 Nagising ako nang may marinig akong kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Aki, gumising kana sabi ni tita, kakain na tayo" Si ate Blyth 'yun, s'ya lang natawag sa 'kin ng Aki. S'ya rin ang girlfriend ng kuya ko.

"Sige, ate ito na" mabilis akong bumangon at tumingin ako sa orasan. 3pm na pala, mahihirapan na naman akong matulog neto mamaya. Nadatnan ko silang lahat na nakaupo na at inaantay na lang ako.

"Hi ate Blyth, buti nakadalaw ka dito" nakangiting sabi ko syaka umupo sa tabi ni mama. 

"Oo nga e, medyo busy kasi 'ko these past few days" sagot n'ya.

"Baby na naman si kuya n'yan" biro ko at tumawa kaming lahat maliban kay kuya na masama ang tingin sa 'kin hahaha! Eh, totoo naman kasi pag nand'yan si ate Blyth parang baby si kuya. Pinagsisilbihan s'ya pero gan'on talaga si ate Blyth maalaga.

"By the way, graduation mo na bukas, ah? So anong ganap?" tanong ni ate Blyth.

"Mag hahanda ako, ija. Pumunta ka, ah?" Si mama na ang sumagot sa tanong nito.

"Sure po tita" sagot naman n'ya.

Sana talaga sila na ni kuya hanggang sa dulo. Actually, 2years na sila. Ang strong nga nang relationship nila, e. Ganon talaga siguro kapag mature na kayo maghandle ng relationship.

Nang matapos naming kumain ay nagpaalam na 'ko sa kanila, as usual sa kwarto lang naman ako pupunta. Hindi kasi 'ko pala gala mas gusto ko pa magstay sa bahay. Pag kapasok ko sa kwarto ay saktong tumunog ang phone kaya tinignan ko ito.

From: Stynx Hey, deal ka ba?

Anong isasagot ko? Ang tanga ko naman kung papayag ako 'di ba? Sasaktan ko lang ang sarili ko kapag ginawa ko 'yun. Pinili ko na lamang na hindi s'ya replyan. Mas okay na 'yun.

At first, he's not actually my dream man or my type, pero isang araw, naramdaman ko na lang na gusto ko na siya sa di 'ko malamang dahilan.

Gustohin ko mang tulungan siya pero...

Hindi kakayanin ng puso ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status