Share

Chapter 3

Airy's PoV

Nagising ako nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Airy, gising na" boses 'yun ni mama.

"Airy, anak" ulit n'ya pagkatapos at kumatok ulit. H

ay nakakatamad talaga magsalita kapag kakagising lang.

"Eto napo, gising na" inaantok ko pang sabi.

This is it! Gagraduate na 'ko ng college. After so many years, eto na talaga hay, Thankyou Lord! Bumangon na 'ko sa pag kakahiga at tinignan kung anong oras na. Its already 5am in the morning. Ang aga naman ng pag gising sa 'kin ni mama? Ang alam ko, e, 7 am pa ang start ng graduation.

Naglinis muna 'ko ng katawan bago ako lumabas ng silid. Pag kalabas ko ng kwarto ay napanganga ako dahil sa aking nakita. This is so surreal. Si kuya ay nakaupo sa sala habang pinapakintab ang sapatos na susuotin ko. Si papa ay nakatayo habang pinaplantsa ang togang isusuot ko para mamaya. Si mama naman ay busy sa pagluluto sa kusina. Gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas sa bibig ko.

Hanggang sa hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Ngunit hindi dahil sa lungkot kung 'di dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon.

"Oh 'nak, bakit ka naiyak?" Sabi ni papa nang makita n'ya 'kong umiiyak pagkatapos ay lumapit s'ya sa 'kin.

"Ano ba?...teka..M-masama ba pakiramdam mo?" Tanong n'ya ulit.

Kita sa mga mata n'ya ang pag aalala ngunit mas pinili ki parin na hindi sumagot.

"Dixon, tawagin mo si mama mo" utos ni papa kay kuya. Kaya naman napatingin ito sa amin. Nang matawag ni kuya si mama ay nag aalalang lumapit ito sa akin.

"Anong problema?" Tanong n'ya sabay punas sa luha ko. Marami kong gustong sabihin ngunit minanabuti ko na lamang na hindi ito sabihin bagkus ay niyakap ko na lamang sila mama. At tuluyan nang bumagsak lalo ang mga luha ko.

"Teka, sali naman d'yan" singit ni kuya at nakiyakap narin s'ya. Ano kayang nagawa ko sa nakaraan at ganito na lang ako kaswerte sa pamilya ko? Hindi man nila madalas sabihin na mahal nila 'ko, ramdam na ramdam ko naman ito sa bawat kilos na ipinapakita nila.

"M-masaya lang ako, wag na kayo mag alala" madamdamdamin kong sabi bago bumitaw sa yakap namin.

"Mabuti naman kung ganon, akala ko kung ano nang nangyari sa'yo, eh." Sabi ni mama.

"Oh, tamana 'yang drama na'yan ang corny n'yo tignan" pabirong sabi ni kuya at tumawa naman kaming lahat.

"Oh, sya magasikaso kana. Babalikan ko na ang niluluto ko" sabi ni mama pag katapos ay pumunta na s'ya sa kusina.

"Si Blyth ang mag mamake-up sa 'yo, parating na 'yun maya maya" sabi naman ni kuya at nagpatuloy na ulit sa pag papakintab ng sapatos, ganoon rin naman si papa.

Action speaks louder than voice

Gan'yan sila kaya masasabi kong swerte ako at sila ang pamilya ko.  Ready na ang lahat, maliban sa 'kin. Wala pa kasi si ate Blyth kaya mag aantay muna kami ng ilang minuto bago umalis.

"Padating na - oh, ayan na pala s'ya" sabi ni kuya kaya napatingin ako sa pinto, at tama nga s'ya nand'yan na si ate.

"Sorry po, traffic kasi, e. So, simulan ko na Aki, ah? Mabilisan lang 'to" sabi n'ya mabilis na inayusan ako. 'Di ko alam kung anong nilalagay n'ya kasi 'di naman ako nag mamake-up.

"Ayos lang, ija. Intayin na lang namin kayo labas" sabi ni papa sabay labas na nang bahay sumunod narin si mama.

"Sige po, tito" sagot naman ni ate. Ano kayang itsura ko?

Minutes passed...

"Perfect!" Masiglang sabi ni ate. Bigla tuloy ako nakaramdam ng excitement kung anong itsura ko.

"Wow, just wow bunso" sabi naman ni kuya.

Pagkatapos ay iniikot ako ni ate paharap sa salamin. Shit! Ako ba talaga 'to? May magic ata ang kamay ni ate, grabe 'di 'ko nkapaniwala sa itsura ko ngayon. Naka bun ang buhok ko at may kaunting nakalawit na buhok. Bumagay naman ang suot kong dress dito pero mamaya toga na ang suot at 'yun ang pinaka inaasam asam kong suotin.

"Thankyou, ate Blyth" sabi ko sabay yakap sa kan'ya.

"Wala 'yun, oh tara na, baka mahuli pa tayo" sabi ni ate. Tinignan ko ulit ang sarili ko bago ako umalis. 'Di lang talaga 'ko makapaniwala para akong Koreana hahaha!

---

Nang makadating na kami sa Campus ay pumunta na 'ko kung saan nakaupo ang mga kagaya kong magtatapos ng Business Management. Sila mama naman nakaupo sa likod kung saan nandoon naman ang mga magulang ng mga iba pang magsisipagtapos.

"You look gorgeous, Airy" bungad sa 'kin ni Shin.

Pag talaga nakikita ko si Shin bumabalik sa 'kin ang mga sinabi ni Stynx noong nakaraan.

"May igaganda ka pa pala kapag naka make up, you look like a korean girl, indeed" seryosong sabi n'ya.

Oo nga, napansin ko din 'yun kanina. Muka ba talaga 'kong koreana?

"Thankyou, Shin" 'yun na lang ang sinabi ko dahil aaminin ko nasasktan talaga ako. Ugh, pati relationship namin ni Shin naapektuhan na dahil sa isang lalaki.

---

Lumipas ang oras pero nandito parin ako nakaupo nagiintay na tawagin. Hay lagi na lang ako pinag iintay.

"Mendoza, Sheen Leigh R."

"Ferrer, Aimee Shin S." Si Shin na, so it means malapit na 'ko.

Ito talaga ayaw ko sa mga graduation or kaya recognition. May intro blah blah pa, kaya nakakainip. Tagal  mong nag antay naabot pa sa isang oras pero seconds lang naman ang itatagal mo sa stage, feel me? Gosh! Kung pwede lang ifastforward nagawa ko na.   "Fernandez, Misaki Airy P." 

 This is it! Agad akong tumayo pagkatapos ay sinulyapan ko sila mama. At nakita kong nakasunod narin sila- wait SILANG LAHAT? What the hell?! 

"As in lahat kayo?" Naguguluhan kong tanong. Isa lang naman kasi ang naakyat sa stage. Tapos..tapos kami, buong pamilya pa.

"Oo naman, anak" nakangiting sagot ni mama. Wala na 'kong nagawa, kundi umakyat na lamang. Napaka supportive talaga ng family ko. Magugulat ka na lang sa actions na gagawen nila. Nakakataba ng puso.

"Congratulations" nakangiting sabi ng aming Dean. (Dean Hendrix Martinez)

"Thankyou, po" sagot ko naman at nakipag kamay sa kan'ya.

Pagkatapos ay pumuwesto kaming lahat sa gitna. Kitang kita dito kung gaano kadaming tao ang naririto ngayon. Kaya naman ngumiti ako nang todo.

New chapter of my life, begins...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status