Share

Chapter 03

"Alam mo ba crush na crush ko talaga si Trace." Napalingon 'ko kay Vivian ng sabihin n'ya 'yon.

Kinagat ko ang bibig ko, hindi ko makalimutan na naabotan kami ni Vivian kanina habang inaasar 'ko ni Trace dahil takot 'ko sa tuko na galing sa ceiling ng classroom.

Inaasar n'ya pa 'kong at kunyaring kukunin ang tukong nagtago na sa ilalim ng lagayan ng mga walis. Buti na lang ay hinanting ng mga boys kanina dahil inutos ni ma'am baka raw kasi dumikit sa 'min, makapit ang tuko at dilikado pero hindi man lang natakot si Trace.

"Anong ginagawa n'yo pala kanina? close ba kayo?" sunod-sunod n'yang tanong.

I looked away, hindi naman kami close pero palagay ang loob ko sa kan'ya. I don't know but I have something feeling that I can't say- kasi hindi naman dapat. Hindi talaga dapat dahil, hindi ko rin alam pero alam kung hindi dapat.

Umiling 'ko bilang sagot. Wala na 'kong balak na maging malapit pa sa kan'ya, sapat na sa 'kin si Vivian. Kahit minsa'y iniiwan n'ya 'ko para makasama ang mga kaibigan n'ya dati, Well wala naman sa 'kin 'yon dahil alam kung nauna sila na nakilala si Vivian kaysa sa 'kin.

"Eh! ang saya-saya n'yo kaya kanina," sabi niya.

Kumagat 'ko sa bananaque na binili namin, nilibre ko pa s'ya dahil pamasahe lang daw ang meron s'ya. Hindi naman s'ya tumanggi dahil gras'ya raw 'yon at galing sa 'kin na bestfriend niya.

Bestfriend. Bestfriend na nga ba kami? bakit parang hindi naman dahil sa tuwing may kailangan lang s'ya lalapit sa 'kin.

Bumalik kami sa classroom ng tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang breaktime at next subject na ang susunod. Takbo lakad at ginawa namin ni Vivian makarating lang agad sa classroom namin.

Sa harap dumaan si Vivian ako naman sa backdoor dahil nasa huli ang upuan ko, nando'n na rin si Trace na busy sa binabasa n'ya. Inayos ko ang baby hair ko at umupo na sa upuan ko, nakita ko naman na sumulyap si Vivian sa gawi namin dahil ko 'yon sa gilid ng mata ko.

Hindi ko na s'ya nilingon dahil hindi umalis ang mata n'ya sa 'kin, iwan ko kung sa 'kin ba nakatingin o sa katabi ko, may feeling 'ko na may gusto si Vivian kay Trace dahil hindi naman maitatago ng mata n'ya kung pa'no n'ya hangaan si Trace sa tuwing may bagay 'tong nagagawa para sa kan'ya.

Pero bakit ko nararamdaman na nagseselos? bakit naman ako magseselos? wla namang kami! that's enough Kalie! hindi mo nga alam kung friend na kayo tapos lume-level up agad 'yang feelings mo.

Shut up self please.

Pumad'yak 'ko at muntik ng tumambling ang inuupuan ko mabuti na lang ay mabilis 'yong nahawakan ni Trace, tumawa naman ang mga classmates ko. Inaasar pa nila 'kong nakita raw nila ang panty ko!

Alam kung nagbibiro lang sila pero nakakahiya!

Dumating si ma'am dala ang mga gamit n'ya, isa-isa n'ya kaming binigyan no'n at dahil sinunod ang by partner ni ma'am Diana ay 'yon na lang rin daw ang susundin namin since tinatamad daw mag asign si ma'am, may ilang umangal at may ilan ring masaya. Tahimik lang kami dito sa likod habang nakikinig sa instructions ni ma'am.

"Okay, you may start now." Kinuha ko ang one whole ko at pen 'tsaka sinulat ang pangalan namin.

Tinitigan ko ang mga dapat i-solve pero sa tatlo ay nahirapan 'ko kaya no choice by partners naman so papatulong ako sa kan'ya, dapat may ambag s'ya dito.

"Alam mo bang i-solve 'to?" tanong ko sa kan'ya.

Tumango naman s'ya at kinuha ang papel at s'ya na ang nag-solve, pinanuod ko lang s'ya habang walang kahirap-hirap na sino-solve ang math activity namin by partner. Binalik n'ya sa 'kin 'yon at pinag-aralan ko, napangiti na lang 'ko dahil medjo tamad ang penmanship n'ya.

Pero I find it's cute!

"Ganito ka talaga mag-sulat?" I asked.

He nodded. "Panget ba?" tanong n'ya.

Umiling 'ko ayos naman pero halatang pinalaran ang sulat, pero ang cute. Napatingin 'ko sa daliri n'ya dahil tinuro n'ya ang isang formula na nilagpasan ko kanina dahil 'di ko na gets.

"I solve this because of plus one," he said.

I nod, sinundan ko ang bawat pag-galaw ng kamay n'ya habang tinuturo sa 'kin kung pa'no n'ya 'yon si-nolve at kung pa'no niya na kuha at kung sa'n s'ya kumuha ng additional one para madag-dagan ang isa.

"Gets?" tanong n'ya.

Inayos ko 'yon at binigay kay ma'am.

Una kaming natapos kaya pinayagan kami ni ma'am na lumabas muna para daw hindi kami ma-bored dahil mukhang matagal pa silang matapos.

Tumingin 'ko sa katabi ko ngayon sa hagdanan paak'yat sa second floor ng building.

"Kumakanta ka ba?" he asked.

I smiled. 'Oo' gusto kung isagot pero matagal na 'yon baka hindi na 'ko marunong. Si lolo pa ang nagturo sa 'kin no'n, talagang gustong-gusto kung kumanta kaya pinag-'t'yaga'n 'ko ni lolo.

"Hindi na ata," sagot ko.

"Ata? so kumakanta ka?" tanong niya.

Tumango naman 'ko. Napatingin 'ko sa kan'ya ngumiti s'ya at umakyat sa second floor. Sa second-floor ay nando'n ang senior high teacher na sila sir Klaus at iba pa.

"Tara kanta tayo." Napatingin 'ko sa dala n'yang guitara.

Umupo s'ya sa tabi ko at nag-umpisang mag strum ng guitara. Malaya kung pinagmamasdan s'ya habang busy sa pag-strum ng guitara. Ang mahahaba n'yang daliri at mga mabilis at mabagal na pag-galaw no'n.

"Am I real," he sing.

Sa lalim no'n ay mas lalong bumagay sa gwapo n'yang mukha, binasa n'ya ang labi n'ya at tumingin sa 'kin. A small smile plastered into his face.

"Do the words I speak before you.. Make you feel, that the love I have for you will see no ending." Mabagal at buong boses na kanta n'ya.

Umihip ang sariwang hangin habang kumakanta s'ya. 214 song by rivermaya, hindi ko akalain na marunong pala s'yang kumanta, alam ko ang kantang 'yon dahil 'to ang paboritong kanta ni lolo at lola.

"Alam mo?" he asked while his finger busy strumming.

Tumango 'ko. "Oo," sabi ko.

"Ikaw naman." Inabala n'yang muli ang sarili n'ya sa pag strum sa guitara at ako naman ay ilang beses napalunok.

"Well if you look into my eyes, then you should know..

That there is nothing here to doubt nothing to fear." Napatingin kami sa pumalakpak.

Si sir Klaus!

"Goodmorning po sir," sabi ko.

Ngumiti naman si sir. "Morning," sagot niya.

Actually I admit na no'ng unang nakita ko s'ya ay crush ko na s'ya agad, sa mga kwento ng mga istudyante n'ya ay mas lalong nakakahulog ang isang sir Klaus Layoso.

Funny, parang istudyante lang rin daw pag siya'y nagtuturo, may mga palaro na weird pero masaya. Lagi s'yang mabiro, birong hindi ka ma-o-offend.

"Kumakanta ka pala?" tanong n'ya.

Hindi ko alam kung sasagot 'ko o hindi baka kasi hindi namn 'ko ang tinatanong n'ya, ayokong mapahiya.

"Katana?" tawag n'ya.

"O-Opo," sagot ko.

Nautal pa 'ko! Tama nga sila! pag daw nasa harap mo ang crush mo ay mauutal ka! pero hindi naman 'ko tulad ng ibang istudyante na sobra talagang adik kay sir Klaus.

"Dapat ikaw na lang representative ng classroom n'yo." Umiling naman 'ko.

Sa buong buhay ko ay never 'ko kumanta sa harap ng maraming tao, kila lolo at lola lang.

"Oo nga Kalie," sabi naman ni Trace.

Umiling-iling 'ko, ayoko talaga. Ngumiti si sir at tinapik ang balikat ko.

"Takot kang magkamali? don't be, trust yourself. 'Tsaka suportado ka namin." Napangiti 'ko sa way ng pag-comfort n'ya.

Parang isang aya na lang n'ya sa 'kin na ako na ang representative ng classroom namin ay pumayag na 'ko! Marupok pa naman 'ko.

Slight lang.

"Ako magiging guitarista n'yo, magandang kantahin n'yo ay pang-couple," sabi ni sir.

Napansin ko rin ang mapang-asar n'yang titig at may pataas-baba pa ng kilay na nalalaman! tama nga sila pag si sir Klaus na ang kaharap mo talaga manghihina ka dahil sa mga pagan'yan-gan'yan n'ya.

"Ano game kayo?" tanong n'ya pa.

S'ya ata ang mag-ha-handle ata ng event na 'yon, next week na 'yon at pa'no kung hindi ko makabisado agad 'yong tuno at lyrics? e 'di pahiya ako!

"Sir." Ngumiti naman si sir Klaus.

"Kasama mo naman si Trace oh," sabi niya.

Tumango naman si Tracs at ngumiti ng tipid. Tumango 'ko at napapitik naman sa hangin si sir Klaus at nagpaalam na dahil sasabihin niya daw agad kay ma'am Diana.

Sabay kaming pumasok ni Trace sa classroom at ang mga classmates namin ay hindi pa tapos. Napatingin 'ko kay Trace na kanina pa pala nakatingin sa 'kin.

Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Problem?" I asked.

Umiling s'ya bago binuklat ulit ang libro n'yang ilang araw na n'yang paulit-ulit na binabasa ata. Tumingin naman 'ko sa banda ni Vivian nahuli ko s'yang nakatingin sa 'min bago nag-iwas at nagkunyaring pinapa-discuss sa partner n'ya ang sino-solve nila.

Last subject namin ay wala kaming ginawa dahil busy si sir sa mga power point pag-aaralan namin sa susunod na linggo. Wala kaming ginagawa sa loob ang iba ay nasa labas pero pinapapasok rin dahil na-de-desruct nila ang ibang mga student na ka- batch rin namin.

Nagulat kami ng pumasok si ma'am Diana na nakangiti kasama si sir Klaus na mukhang alam ko na ang dahilan. Nagkatinginan kami ni Trace, ngumuso ako at s'ya naman ay tumawa ng mahina.

Wala na finish na akala ko biro lang e.

"Good afternoon class, Inform ko lang kung sino representative natin sa singing contest," sabi ni ma'am.

Nag-tilian naman ang mga classmates kung iba kaya pinagalitan sila ni ma'am dahil maingay sila at may nag-kla-klase sa kabila.

"Our representative in singing contest is Katana and Trace." Nagpalakpakan ang iba kasama ni sir Klaus.

"Congrats to us," sabi ni Trace.

Nakahilot naman 'ko sa sentado ko, representative kami? ayoko baka magkamali ako! nakakahiya sa lahat sigurado may mga judge na teacher! at huhusgahan nila ako!

"Representative tayong dalawa don't worry dalawa tayo," sabi ni Trace.

Okay.

__________________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status